00:04

1 0 0
                                    

"Oo naman. Saka gusto ko syang makitang ngumiti."

Binigyan ako ng 'utot-mo-look' ni Janeze? jana? 

"Uhm hmm, Nako, edi, goodluck sa'yo, sismars" tumayo sya at kumuha ng baso 'saka lumapit sa water despenser.

"Sige, sis! Kaya ko 'to!" binaklaan ko pa ang boses para sana makita yung tawa ni Lumi kaso umirap nanaman sya at binigyan ako ng 'What-the-fuck-dude-look'.

"Tinry ko lang naman hehe"

"Walang nakakatuwa don" irap nanaman nya. 

"Walang nakakatuwa don" Panggagaya ko.

"Sismars! Later ha? Ayokong bumagsak kay Sir." paalala ni Jane? Joan? Jarn? Kay Lumi

"Ano meron?" 

"Ay sawsawero ka din 'no, cyst? Kasi --"

"Janette." 

Wow? Napatigil nya. Magic.

"Ay bawal ba sabihin? Owkaaay. Anyways, tapos na kami kumain so una na kami ha? thank you sa food, and! Goodluck sa mission pangitiin si Lumi 101." Kumindat sya at hinila na si Lumi kahit kakatapos pa lang nito uminom.

Bumalik na lang din ako sa room at nagsimula na ulit ang klase. Nung uwian na, nakita ko sila isaac na naglalaro sa court, ang lapit lang sa sakayan ng bus. 

"Zale! Tara laro!"

Nakipaglaro ako sa kanila hanggang sa unti-unti nang dumilim. Nang bumalik ako sa bag ko, nakita ko ang cellphone ko.

37 Missed call

Punyeta! Si mama!

Tumakbo agad ako sa malapit na tindahan para magpaload.. Pucha ano kayang nangyari? Ang bagal pa ni ate jusmiyo naman!

Tinry kong tawagan si Mama pero ayaw naman! Pagkatingin ko, bukas pala ang data ko! pucha nakain! Nagpaload ako ulit.

"Hello, ma!"

[Nak]

kalmado naman sya.

"Bakit ka tumawag?"

[Nawawala kasi si Lumi, Hindi pa daw umuuwi, eh, hindi naman daw yun umuuwi ng late, itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan sya? Nag aalala na kasi ang mama nya]

Lumi? Asan naman kaya iyon?

"Hindi ko po alam eh."

[Magtanong ka sa mga kaibigan mo, baka alam nila. oh bye bye! mwah mwah!]

"Mwah mwah"

Asan naman kaya iyon? Kapagod gHorL ha?

Tinanong ko sila Isaac pero hindi naman daw nila alam. 

Hmm? Kung ako si Lumi, saan ako pupunta? 

Bumalik ako sa school at nakita kong may bukas pa na ilaw sa ibang mga room. pumunta ako sa building nila.

"Lumi" mahina tawag ko.

Punyemas ang dilim! 

"Lumi!" 

Binuksan ko ang flashlight ng phone ko kaso bigla ding namatay. Dead batt ampota.

Nang nasa tapat na 'ko ng room nila Lumi, may narinig akong sigaw. Pinapagalitan ata sila.

"Anong uuwi?! Eh, hindi nyo nga maayos ayos ang practice nyo!" Baklang bakla si sir, oh.

"Sir, Hinahanap na po kasi ako ng mama ko" Si Lumi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I (Book 1 of IMY)Where stories live. Discover now