"Zale Elin Haertel.. 18." ngumiti ako at narinig ko pa yung mahinang pagtili nung babae sa gilid ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"You may take your sit." sabi ni Ma'am.
Agad akong tumingin ng bakateng upuan. Nakita ko naman yung mga lalaki sa likod kaya agad akong lumapit dahil may bakante sa tabi nila.
"Isaac, pare." pakikipagkamay nya, tumango ako "Ayon naman si Kian at Jasper." kumaway naman sila.
"Enough with the chitchats at the back, please? As I was saying.."
Ipinaliwanag lang nya na kailangan ko daw magpasa ng mga ginawa nila dati.
Paano kung ayoko? char.
Okay naman pala dito eh. Habang tinitingnan ko yung mga nakadikit sa pader, napatingin ako sa may binata, kung saan tanaw mula dito yung babaeng nagpapaint.Naka-ipit yung buhok nya tapos may mga takas na hibla, shit. ang ganda nya.
Late na nang matapos si ma'am sa discussion nya kaya late na din kami nakapaglunch, sabi naman nya na pakikiusapan nya na lang yung next teacher namin. Dami ko pa namang hahabulin sa kanya.
"Tara canteen." aya ni Isaac
Tumayo naman ako at nagtingin tingin sa mga facilities ng school. Dalawang building kasi yung magkaharap tapos nasa gitna yung Canteen. Tanaw mula dito sa tapat ng room namin yung mga rooms ng bawat strand sa kabilang building, napatingin ako ulit dun sa room nung babaeng nakita ko kanina kaso wala na sya.
hmm, asan na kaya 'yon.Onti na lang yung tao sa canteen nung pumasok kami, kita ko din yung ibang mga kaklase ko kaya nginitian ko sila. Habang nakapila ako sa may bilihan ng burger, biglang may bumangga sakin
"Sorry." di man lang ako tiningnan.
Dire-diretso lang sya. Sandali, sya yung kanina! kaso nakatalikod na sya. sayang!
"Pogi! Bibili ka ba? bilis!" Napatingin agad ako kay ate at dumiretso sa kanya.
"Syempre naman, mukhang masarap ka gumawa ng burger eh" lagyan mo ng kindat para kiligin.
"Asus! wala kang makukuhang discount sakin, oy!" napakamot ako ng batok at sabay abot sa kanya ng bayad ko.
Jusko! Bakit ba kasi sa 5th floor yung room namin! feeling ko makikita ko na si Jesus pag akyat ko. Luminaw bigla yung mata ko nung nakita ko nanaman yung babae, andun sya ulit sa pwesto nya tapos inaayos nya yung painting nya. Ang ganda nya kahit nasa malayo. Sana hindi scam 'to.
"Andyan na si maaa'aaam!" napatakbo naman ako nung marinig ko yun. Pagkaupo ko sa upuan, napatingin ulit ako doon sa babaeng nasa kabilang building. Mukhang tapos na syang mag paint.
"Mr. Haertel! Ano? buong klase ka na lang bang nakatingin dyan sa bintana? Kung gusto mo lumipat ka na lang ng strand at dun ka sa arts and design!"
"Nako ma'am! hindi po! Nasa stem po ang puso ko" nagfinger heart pa ko sa kanya. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko.
"Ayos ayusin mo yang buhay mo, Haertel."
Uwian na at tinitingnan ko yung mga dapat kong gawin. takte! Ang dami! May mga drawing pa amp! Animal cell? Plant cell? Junior high ka gHorL?
"Ma! Nandito na yung pogi mong anak!" sigaw ko habang nagtatanggal ng sapatos.
"Kumusta ang school?" Humalik ako sa pisnge nya bago umupo sa harap nya.
"Grabe yung mga kaklase ko, ganon pala pagbago, kung ano-anong pinabili sa akin sa canteen, tapos alam mo ba? yung teacher namin, pinapalo ako sa pwet" Nakita ko agad yung ngiti nya sabay batok sa akin.
"Abnormal ka talaga no? Ano ka? elementary?" Tumawa sya at biglang tumayo
"Oh sya, kunin mo yung mga sinampay dun sa bakuran at magluluto na 'ko" Sinunod ko sya at kumuha ng basket para do'n ilagay yung mga sinampay nya. Napalingon naman ako sa kabilang bahay.. di ko naman hilig lumingon 'no? May nakasampay na mga damit na pangbata. Ayos! May kapit-bahay kaming chikiting.
Pagkatapos maghugas ng plato, umakyat na ko para idrawing mga 'kinginang mga cells na yan. Nagsearch din para sa mga pinapa-aral ni ma'am, para daw di ako mahirapan sa mid-terms next next week. May pinanood muna akong discovery at ginawan 'yon ng reflection bago natulog. Pahiga na ko nang makita kong magsara ng ilaw yung kabilang bahay.
"Ma'am! Eto po yung iba." inabot ko sa kanya yung ibang mga papers with usb pa 'yan!
"Haertel!"
Napalingon ako agad, paalis pa lang ako eh!
"Pakidala naman 'to sa kabilang building, sa room 505" napatingin ako sa taas ng aakyatin ko. Pakiramdam ko tuloy inalipusta ko. Woooh! Jesus! Nang makaakyat na ko dire-diretso lang ako hanggang sa makita ko yung room 505.
Shet! Room to nung babaeng nakita kong nagpapaint!
Sumilip ako at wala naman silang teacher. Napakakulay ng room nila, Ang cute. Mag mga doodle sa dingding tapos parang nagtapon sila ng mga pintura sa sahig. Hindi pa ko tapos tumingin sa buong room nila nang may umubo sa harap ko.
"Pacheck ka na, baka tuberculosis na 'yan" sabi ko.
Kumunot yung noo nya at doon ko lang narealize na sya yun! yung babaeng maganda! Tangama! mas maganda sya sa malapitan. ang pula ng labi tas ang kinis! ano kayang skin care neto?
"Pinadala ba yan ni sir?" Babaeng babae yung boses! Mama! nakita ko na po yung future asawa ko! Di ko napansin na kanina pa pala 'ko nakatitig sa kanya.
"Ah.. Oo." Inabot nya yun at naramdaman kong dumaplis yung daliri nya sa bandang kamay ko. Wooooh! Jesus kunin mo na ko!
"Zale nga--" mas mabilis pa sa alas kwatro yung pagtalikod nya. Napakamot na lang ako at bumalik sa room. pakshet nalate pa ko!
Ang ganda nya. Kahit mukhang masungit, pa'no pa kaya pag nginitian nya ko? Baka nahimatay na ko nun! Naging gano'n lagi yung takbo ng linggo ko. Tinitignan ko sya lagi mula sa room namin tapos kadalasan nakikita ko syang nagpapaint sa may tapat nila, tulad ng mga kaklase nya.
Mid-terms na at duguan nanaman ng utak. May bisita daw kami sabi ni mama pero di ko na muna inintindi dahil mamatay na ko sa kakaintindi dito sa putanginang precal na 'to!
Bumili muna 'ko ng kape bago umakyat kaso bago ako makaalis ng canteen may nakabangga ako at natapon yung kape sa wood canvas na dala nya.
"Watdapak! Sorry!"