"Watdapak! Sorry!"
Hala! puta si ganda pala 'to! Ma! mukhang di na sya yung future asawa ko huhu papatayin nya na ko oh! tingin pa lang!
Napatingin ako sa canvas na hawak nya. potek! mukhang ipapasa nya pa ata to mamaya!
Umirap sya at tinulak yung basang canvas sa dibdib ko. Nalagyan tuloy ng kape yung uniform ko.
Bad syaaa :<
"Gawan mo yan ng paraan. Kailangan ko yan bago mag 3pm"
Tiningnan ko ulit yung canvas. Kaya ko naman tapusin agad kaso baka mamatay muna ko dahil 1pm ang tapos ng exam namin. Tinanggap ko yung canvas at nag sorry ulit sa kanya.
Tangina, ang lamig ng mata. Kung masungit sya noon, mas masungit sya ngayon.
Kamot ulo akong pumasok sa room
"Oh pre, kanino yan?" Tanong ni Kian
"Di ko kilala eh, basta yung maganda na masungit dun sa kabilang building." Kinuha nya yung canvas at tiningnan yung pangalan sa likod.
"Kay Lumi pala 'yan eh, ba't nasa'yo?"
Kwenento ko sa kanila na hindi ko naman sinasadya yung nangyari.
"Potek! mangbabangga ka na lang kay Lumi pa?!" si Jasper.
"Naging masungit na bigla 'yon no? Bait pa naman nun dati." sabi ni Isaac
Huh? Bigla? Dati?
"Oo nga eh, pano na yan? marunong ka bang mag drawing saka magpaint ha? Paano mo papalitan yan?" tanong ni Kian
"May canvas ka ba dyan? tapos color red, blue at yellow na acrylic paint?" tanong ko sa kanila
"Saglit, hihingan kita kay babe" Nilabas ni Jasper yung phone nya at may tinawagan. "Hi babe.. Oh? bakit badtrip ang baby kooo?" natawa naman sila Kian sa boses nya. paano ba naman kasi, kala mo maamong tupa.
"So ayon nga babe.. baka pwedeng makahingi ng canvas dyan tapos acrylic paint. blue, yellow saka red sana hihi.. Kailangan kasi ng friend ko.. ha? si Lumi? Osige babe, thank you!"
"Oh ano sabi?" tanong ko
"Kunin mo dun sa room 505"
"Puta.. wooh exercise!"
Iniwan ko yung canvas sa tabi ng upuan ko at lumabas na, rinig ko pa yung tawanan nila. hay nakoooo bakit naman kasi natapunan ko 'yon ng kape! badshot tuloy ako! paano ko magiging jowa 'yon? haaaay.
Binilisan ko ang pag-akyat at dumiretso sa pinto. ay puta! sinong hahanapin ko dito?! May nakita akong babaeng nag aabang sa may pinto. may hawak na canvas. shit sana sya 'to.
"Hi miss. ikaw ba si babe? este yung girlfriend ni Jasper" Tumingin sya sakin at tumaas ang kilay.
"May bayad yan ha?" Inabot nya sakin yung canvas, acrylic paint at tatlong paintbrush. Aalis na sana ako nang makita kong paakyat si Lumi. Wao kala mo talaga close kami.
Nagthank you ako sa girlfriend ni Jasper at hinarap si Lumi. Ang sama pa din ng tingin nya sa akin. Nginitian ko sya.
"Hi! Ako yung nakatapon ng kape sa canvas mo. Sorry talaga. Promise! Papalitan ko!" Tinaas ko pa yung kamay ko para mas convincing.
"OMG! Lumi! Sya 'yong sinasabi mo? ampogi" binulong nya yung dulo pero narinig ko
"hehe thank you" Lalong kumunot yung noo ni Lumi.
"Dalhin mo 'yan dito bago mag 3pm. Bago mag 3pm"
Nginitian ko sya. "Yes! Boss!"
"And please, tanggalin mo 'yang ngiti sa labi mo. Walang nakakatuwa sa ginawa mo"
Tustado akong nakabalik sa room. Takte ang sakit naman nya magsalita. 'Di ko naman sinasadya eh.
Binilisan ko yung pagtapos sa mga exams namin. Nagugulat pa sila Jasper pag tumatayo na agad ako para magpasa at kumuha ng panibagog test.
Nagpaalam ako kay ma'am kung pwede na ba 'kong lumabas. Dun ako sa mismong tapat ng room namin gumawa. Habang tinitingnan ko yung canvas nya, potek nalulula ako.
Sinimulan kong mag sulat ng mga lines sa canvas. Naghalo ako ng mga kulay. Nang nakalahati ko na, bigla kong napansin si Lumi na nakatingin sa akin mula sa kabilang building. Galit pa din sya? Sorry na nga eh.
Hmp! Bobo ko rin eh no? Kung ako kaya ganunin haaay nakooo!
2:50 pm na nung matapos ko yung canvas. Pati pirma nya ginaya ko na din.
"Tangina ang galing mo pala eh!" sabi ni Kian nang makita nya yung gawa ko.
"Duuh? basic" joke lang 'yon syempre. Ang hirap, puta.
"Gago, kala mo printed oh!" pinagdikit nya pa yung dalawang canvas.
"Akin na nga 'yan! baka masira pa eh!"
Nakita kong naghihintay na si Lumi sa pinto nila at pinapakita nya pa yung orasan nya. Shet baka malate pa sya. Tinakbo ko ng full speed papuntang kabilang building.
"Oh my! Ayan na Lumi! Dali! Paalis na si Sir!" Tinakbo ni Lumi yung distansya namin.
Pota, golat aq gHorL!
Tiningnan nya saglit na parang gulat pa tapos binigay nya na kay sir. Lumapit ako sa kanya.
"Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang tapunan ng kape yung canvas mo." Hindi ko na sya nginitian kasi baka matusta nanaman ako.
"Kaya pag nakita mo 'ko umiwas ka agad. Naaalibadbaran ako dyan sa ngiti mo."
Doon na ko ngumiti.
"Paano kung ayaw ko? Paano kung gusto kong maging magkaibigan tayo?" Lalo akong ngumiti nang makita kong naiinis na sya. Nakakatakot sya pero mas cute sya hehe.
Inirapan nya lang ako at saka na sya pumasok sa room nila
"Bye boss!"
Paalis na sana ko nang hilahin ako nung girlfriend ni Jasper.
"Oy, ang galing mo ah? Bakit di ka nag arts and design? may talent ka!" Ngumiti lang ako at tinanguan sya.
"Mas magaling si Lumi." nginitian ko sya at kumaway para makauwi na.
"Ma! May pogi!" Sigaw ko habang nagtatanggal ng sapatos. tininisan ko pa yung boses ko.
"Zale! Magbihis ka na dun at tulungan mo 'ko! May bisita tayo mamaya! Makikidinner dito yung kapit bahay natin!" Sigaw nya.
Umakyat ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko. Nilabhan ko muna yung uniform kong may mga talsik nung acrylic paint. Malalagot ako kay Mama pag nakita nya 'to.
"Bakit ang tagal mong bumaba? Kumuha ka na ng mga plato dyan saka magtimpla ka din ng juice! Sarapan mo!"
"Sino ba kasi 'yang bisita mo?" Maktol ko habang kumukuha ng plato. Basagin ko 'to eh.
"Yung kapit bahay nga natin! Nakapunta na sila dito dati kaso nag-aaral ka nun. Kaschoolmate mo pa nga yung anak nya eh"
"Oh talaga?"
Pagkatapos kong magtimpla nilagay ko muna sa ref para lumamig lalo. Umupo muna 'ko sa sofa at nanood ng basketball.
"Tanga ipasa mo!"
"Ay bobo!"
Ang tanga naman nito. Di marunong tsk tsk!
"Tao po?" Pinatay ko na agad yung tv at nagprisintang buksan na yug pinto.
"Good evening p--"
Tangina si Lumi nasa tapat ng bahay namin!
