Chapter 1: Paparapapa-sa ka na Requirements

4 0 0
                                    

WAAAAAAH FINALLY SEMBREAK NA JUSKOOOO!  Nakakaistress talaga pag graduating. Second sem na kami, ilang buwan na lang graduate na kami ng highschool tapos magkakahiwa-hiwalay na for college. "Gail, tuloy ka ba?" tanong ng matalik kong kaibigan na si Lala. Nagbabalak kasi akong pumasok sa Mcdo bilang part-time service crew. Actually, nung summer pa namin balak kaso ngayon lang ako sinipag HAHAHA nakapagpasa nako ng resume, nakapagtake na ng exam, at nakapasa na sa interview bale babalik ako dun para kunin yung list ng requirements na kukunin ko. Sakto yung isang linggo para tapusin yun. Bago umuwi, dumaan muna kami ni lala sa Ayala para kumain ng paborito naming merienda. "Ate padagdagan ng sauce ah" sabay naming sabi sa natitinda ng Takoyaki. Nagpumilit si Lala na samahan nako sa mcdo para walktrip ulit nang sabay pauwi. "Siz napakarami neto, jusko SSS, Pag-ibig, Philhealth tas Medical pa, requirements pa lang nakakapagod na." "Kaya mo yan, ano ka ba, pag kailangan mo ng kasama, sabihan mo lang ako ah" tugon niya. "Haaaay, sige update kita." At naghiwalay na kami patungo sa kanya-kanya naming tahanan.

"Okay, this is it, papasok nako sa adulting life AAAAAAAAHK!!" kanina pako sumisigaw sa loob ng isip ko habang tinitignan yung mga requirements. Sobrang supportive ng pamilya at mga kaibigan ko. Actually si mama nagsuggest sakin na itry ko yun nung summer, eh nadelay nan ang nadelay so ngayong sembreak na lang HAHAHA nagpadala pa nga yung tito ko sa batangas ng 2k para sa pag-aasikaso ng mga kailangan ko. Wala naming mawawala kung susubukan, for experience rin to kaya go na lang.

*Next Day*

Maaga ako nagising para mag-asikaso na. Today's Agenda: NBI clearance sa cubao. Pagkarating ko pa lang, ang dami na ng pila so bilang impatient na tao, nagbayad lang ako sa 7-11 sa may gateway para dun sa NBI clearance tas tinanong ko yung friend ko san ba may pwedeng kuhanan non na di marami tao. Nagreply siya na meron daw sa munisipyo ng montalban. Okay so di pako nakakarating dun pero hayaan na, lezgo for exploration. Wala naman masyadong traffic kaya more than an hour, nakarating nako, tamang tanong tanong na lang sa mga tao sa paligid hanggang sa makarating. Hinanapan pako ng consent letter kasi minor pa lang ako, buti na lang mabilis lang talaga don, nasabay ko pa yung Philhealth. Okay so 2 down, 12 to go. Panget ng itsura ko sa NBI clearance, tila mugshot amp. Yaan na nga, ang mahalaga tapos na, bawi na lang ako pag nagpare-new.

Fast Forward

October 30 binigay sakin yung list, November 10 ko nakumpleto lahat ng kailangan. Balik na rin kami sa klase, gawaan na ulit ng chapter 3-5 ng thesis. "Hulaan mo kung sino to" nagulat ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko. "Bayan pasmado kamay mo Dade!" Yan, ganyan yang tropa kong si Neth. Sobrang close niya sa lahat pero main niya kami ni Clara haha cheese sticks yung name ng grupo naming tatlo. Pababa na kami sa canteen, ako maghahanap ng upuan kasi ako yung laging may baon tapos sila laging bumibili. May favorite spot kami pag section namin unang bumababa, the long table hehe. Habang naglalakad, tamang masid masid sa kapaligiran upang hanapin ang aking paboritong sinisilayan HAHAHAH well, dapat new sem, new crushie kaso loyal ako kay 1st sem happy crush. Habang kumakain, biglang nagtanong si Veron, isa rin sa mga matalik kong kaibigan simula grade 7. "Kumusta yung application mo, Gail? Kelan ka raw magsstart?" "Nov 20 kami magsstart ng training hehe, medj kinakabahan nga ako, pero mukha namang halos kaedad ko mga kasama ko so okay lang" "Goodluck ha, galingan mo at wag hahanap ng poging customer" Natawa ako sa biro ni Veron. "Grabe ka naman, sisilay lang, update kita pag may nahanap ako HAHHAHAHA joke" Mukha lang ako maraming crush pero loyal ako sa main crush ko, kaso hanggang close friends lang kami eh. Di naman masaket. Slight lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi, Pwede TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon