4

52 4 0
                                    

Pagkapasok namin ng room konti palang yung tao at wala pa yung iba naming kaibigan kaya naisipan ko muna na maglakad lakad muna sa labas ng room at dahil nakaearphones na si Ryujin di ko na siya inaya baka maistorbo ko pa.

Habang naglalakad ako nakita ko naman si Haechan na nagcecellphone close ko ang dream pero kay Jaemin di masyado,naguusap naman kami pero minsan lang at dahil din may gf siya minsan lang siya makasama, tinawag ko si Haechan kaya naman napatingin siya sa direction ko.

"O Ches bakit??"

"Nasan yung iba??"

"Wala pa eh"

Bigla nanaman pumasok sa isip ko yung tungkol kay Jaemin,kaya napatanong nanaman ako HAHAHAHAHAH

"Ay balita ko break na daw si jaemin at yung gf niya"

"Ah oo,broken siya ih HAHAHAHAHAH"

"Baliw ka talaga tumawa ka pa"

"Trip ko lang bakit ba HAHAHAHAHAH"

Natawa na rin ako sa sinabi niya kaya may nagtinginan na ibang students samin bigla naman may sumigaw ng "WOAH WOAH WOAH WOAH" habang tumatawa dahil sa boses ay hindi pala dahil sa tawa na yon kilala ko na agad na si Chenle yon na kasama na ang ibang Dream pero wala si Jaemin.

Nung nakita nila kami pumunta agad sila saamin habang si Chenle ay tawa ng tawa parin.

"Ano ba ang aga aga ang ingay mo Chenle" sabi naman ni haechan

"Parang ikaw di ka maingay ah" sabi ni Chenle

"BURRNNN AY DI PALA SUNOG KA NA PALA HAHAHAHAHAH" sabi ni Renjun

"LAGOT KA SAKIN RENJUN" sabi ni Haechan

Natawa naman ako at tinanong kay Jisung na bakit ba tumatawa si Chenle

"Eh kasi ginagaya niya yung WOAH WOAH WOAH WOAH ko"

"HAHAHAHAHAHSFGDSGH" natawa nanaman si Chenle kaya biglang nagsalita si Renjun

"Chenle tama na ang sakit sa tenga"

Natawa nanaman ako sa sinabi ni Renjun

"Isa ka pa Ches ang sakit rin sa tenga" sabi ni Renjun

"Edi waw" sabi ko

Napansin ko naman na parang may kausap si Jeno sa phone niya kaya nilapitan ko siya.

"Woyyy, sino yang kausap mooooo,ikaw ah may gf ka narin ba??"

"Baliw ka ba si Jaemin kausap ko"

"O bakit nagchachat pa si Jaemin malelate na siya ah"

"Sinasabi niya lang saakin na malelate siya"

Bigla naman nagring yung bell kaya tinago na niya phone niya at sabay sabay na kami ng dream na pumunta sa room.

Pagdating namin ng room umupo na kami sa sarili naming mga pwesto, pagkaupo ko naman sa upuan ko kinalabit agad ako ni Yuna.

"San ka galing???"

"Ah naglakad lakad lang maaga kasi ako nakapasok dahil kay kuya"

"Naks naman maaga nakapasok"

"Di waw"

"Di waw ka rin" sabi niya kaya natawa kami parehas pero tumahimik agad kami dahil dumating na yung teacher ng first sub namin.

Kathang isip || N.JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon