Chapter 3Tama si Jana. Hindi dapat babae ang nag hahabol. That's a no-no. At wala akong balak na mag habol! If anything, men chase me. Not the other way around. Napapaisip na talaga ako kung saan kinukuha ni Jana ang mga nalalaman niya. Broken hearted ba ang pinsan ko? Parang may pinaghuhugutan, e.
The night was peaceful. Madali kaming nakatulog kagabi dahil sa pagod.
Nagising kami ng dahil sa init. Jusko, hindi nga pala gumagana ang aircon sa kwarto na 'to.
"Sino nag patay ng electric fan?!" Naiinis na tanong ko.
"Baka si Tito," sagot ni Jana.
We didn't locked the door. We just closed it. Baka si Tito ang pumasok at pintay ang electric fan. Dahil wala namang ibang gagawa nun kundi siya. Pero bakit? Bakit niya gagawin 'yun?
Putek! Panira ng tulog!
Bumangon si Jana at muling binuksan amg electric fan at bumalik sa pag tulog. Habang ako ay lumabas na ng kwarto. Nag unat ako ng katawan at pumunta sa lamesa nang makita ang nakahandang pag kain.
"Oh, gising ka na pala. 'Yung pinsan mo? Gising na ba?" Tanong ni Tito.
"Natulog ulit. Nagising dahil sa init kanina."
Nag hanap ako ng milo o gatas para timplahin pero wala akong nakahanap. Bakit puro kape ang nandito? Hindi ako mahilig sa kape. Jusko, how will I survive this vacation?
"Gisingin mo na si Jana. Para sabay na kayong kumain. Tapos na ako," sabi ni Tito.
Hindi ako sumagot dahil nababadtrip ako. Hindi maganda ang naging gising ko kanina, e. Ikaw ba naman patayan ng electric fan habang natutulog 'di ba? Sinong matutuwa?!
"Hoy, Jana. Kakain na raw. Bumangon ka na dyan."
Pag sabi ko nun ay lumabas na ako at umupo sa may hapagkainan.
Hindi ko na hinintay si Jana. Nauna na akong kumain dahil nagugutom na ako. Ako na rin ang nag hugas ng mga pinaglutuan kasama na ng pinagkainan ko.
Hindi kami ako sanay na magulo at madumi ang kwarto. Gusto ko malinis at maayos iyon. Hindi ako kumportable habang nakikita ang mga agiw na nag sasayaw sa dingding.
Bumangon siya at walang nagawa kundi mag linis. Inayos niya ang pinag higaan namin at ako naman ang nag-ayos ng mga maleta. Inagay ko ito sa isang sulok. Inayos ko rin ang lalagyan ng mga hinubad namin na sapatos kahapon.
Jana removed the spider webs while I mopped the floor.
Halos kalahating oras kaming nag linis ng kwarto. We're both sweaty smelly. Nauna akong maligo at pag katapos naman ay siya. Tumambay kami sa terrace at doon sumagap ng signal.
Halos walang signal sa loob ng kwarto. Buti pa rito sa labas, medyo malakas.
Paminsan-minsan, sinisilip namin si baby sa kwarto. Tulog pa rin siya hanggang ngayon. Grabe matagal pala matulog ang mga baby noh? Ngayon ko lang nalaman. At marami pa akong matututunan. Para pag dating ng araw, kapag mag kaka-anak ako, alam ko na kung paano mag alaga.
Nakita kong pumasok sa gate si Tito. Saan kaya siya nag punta?
"Napanam, Tito?" Tanong ni Jana.
"Itta lang. Adda lang kinitak." Sagot niya.
Hindi na nag salita si Jana at pinagpatuloy ang pag-susurf sa net. Gano'n din ang ginawa ko. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.
Ah, right! He followed me back! Pinuntahan ko ang profile niya at ini-stalk siya. Hindi naman malalaman ni Jana, e. Baka sermonan niya na naman ako tungkol sa first move na 'yan.
YOU ARE READING
Shadowborn Huntress
FantasíaWhat happens when the hunter became the hunted? In the city of Edenfell, rumors spread of a young girl raised as an assassin, known only as Ariadne. Trained by a secret organization called the "Order of Shadows," she was taught the art of stealth, c...