Chapter 4

7 3 0
                                    


Chapter 4

Tulad ng napagka-sunduan, dito kami kumain ng tanghalian. At gaya ng kinakatakot ko, adobong palaka nga ang niluto ni Pastor Hilbert. I never tried eating a frog. Ngayon lang. I silently prayed not to vomit. Hindi naman ako maarte pero hindi ko lang talaga masikmura ang kumain ng palaka. It's a freaking frog for goodness sake! Kung sila kumakain ng palaka, ako hindi.

Ngunit hindi ako pwedeng mag reklamo. Bisita lang kami rito at ayaw ko naman ipahiya si Tito Mervin. I'll just swallow the food, closed eyes. Hopefully, I won't vomit.

"Jam, ayos ka lang?" Tanong ng pinsan ko.

Pilit akong ngumiti at uminom ng tubig. Napansin ko rin ang hitsura ni Jana. Alam kong hindi rin niya kayang kumain ng palaka.

"Marami pang ulam, 'wag kayong mahihiya. Kain lang ng kain." Sabi ni Pastor Hilbert.

Kasabay namin ang mga anak niya. Ayaw kong mapahiya sa crush ko ng harap-harapan. Pumikit ako at huminga ng malalim. I feel nauseous at the sight of the frog.

"Salamat po," ani ko.

"Walang anuman, ihja. O, ulam pa."

Napalunok ako. I kicked Jana's feet under the table for help. Gustong-gusto kong tumanggi pero masamang tanggihan ang grasya. Isa pa, baka isipin ni King na maarte ako.

Nagka-tinginan kami ni Jana. We looked at each other with pleading eyes. Parehas kaming hindi makapagsalita. What should we do? We can't force ourselves to eat that. Hindi ko talaga kaya.

"Tito Mervin..." mahinang tawag ni Jana kay Tito.

He's busy eating when he glanced at the two of us. We gave him the please-save-us-look and he immediately get what we are trying to say.

"Uh, Bro. Hindi kasi sila sanay kumain ng ganitong uri ng pagkain." Wika ni Tito.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Pastor Hilbert sa aming dalawa ni Jana. We both feel ashamed so we bow our head's down. I can't look any of them in the eye. Is it wrong? Hindi naman namin kasalanan kung hindi kami kumakain ng palaka.

"Ah, Oo nga pala. Pasensya na, nakalimutan kong sa Maynila pala kayo nakatira. Mag papaluto na lang ako ng bagong ulam." Ani Pastor Hilbert na akmang tatayo na pero pinigilan namin.

"Wait!" Napatigil siya at sumulyap sa aming dalawa ni Jana.

I let Jana speak. "It's okay, Pastor. 'Wag na po kayong mag paluto ng ibang ulam."

"There's a first in everything, so might as well try it now right?" At sumulyap ako kay Jana. I can see her hesitations before she nodded.

Pilit akong ngumiti kay Pastor na mukhang naniniwala sa amin ni Jana. Nakahinga naman kami ng maluwag ng umupo siyang muli at nag patuloy sa pagkain. Hindi naman ako makapag-angat ng tingin sa taong kaharap ko.

Sino pa ba? Edi ang hari ng buhay ko.

Ay mali, magiging hari palang ng buhay ko. Pero paano iyon mangyayari kung ngayon palang yata ay sira na ang lecheng 'first impression' niya sa akin? Sigurado akong iisipin nito na maarte ako. At ganoon din ang pinsan ko.

Bakit na naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng iluto, palaka pa? It's gross.

Pinilit namin ni Jana kumain ng niluto nilang ulam. Wala naman kaming ibang pagpipilian e. Kung pwede lang sana huwag na lang kaming kumain. Kaso, hindi kami maaaring mag inarte sa harap nila. As I've said, bisita lang kami rito. When we finished eating, Jana and I gargled with water. Pag-uwi mamaya, I will brush my teeth and gargle with listerine. I know I'm overreacting but this is me.

Shadowborn HuntressWhere stories live. Discover now