CHAPTER FOUR:
Kinabukasan niyaya ko si Hyacinth na mag-mall at magpa-parlor, naikwento ko na rin sa kanya na niyaya ako ni Cedrick ng dinner. Marami pa kaming planong gawin sa araw na ito. Saturday and rest day na din namin.
Una, bibili kami ng damit ko at ni Kara dahil na rin sa date namin ni Cedrick mamaya, at ipapakilala na daw siya ni Aaron sa grandparents nito which is very strict daw kaya bigla siyang nataranta, siyempre gusto niyang magpa-impress sa mga ito.
Halos napasok na namin sa mall na iyon bago kami nakakita ng damit na bagay daw sa akin.
"Hya, sure ka ba na bagay sa'kin ito? hindi ba masyadong maikli yung skirt? "sabi ko sa kanya umikot-ikot sa salamin para makita ang damit na napili naming dalawa..
"okay lang Best ano ka ba? hindi naman siya masyadong maikli,sakto lang sa'yo. Ano ka ba? mai-inlove na sa'yo si Ced pag nakita ka niya" natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.
"Sana kasing sexy mo ako, kasinlaki ng butt mo ang butt ko noh?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pati na rin sa likod ko. Marami naman talagang naiinggit sa'kin kasi kahit na may katakawan ako di ako tumataba ng husto. Sit-ups lang ginagawa ko para di lumaki ang tiyan ko.
"Tara na, okay na siguro to." sabi ko.
Ang next stop namin ay isang restaurant para sa lunch namin, and pagkatapos tumuloy kami sa salon at nag-rebond ako ng hair ko, manicure, pedicure at footspa narin.
habang pine-pedicure kami patuloy pa rin kami sa kwentuhan nung bigla akong mapatingin sa may entrance ng salon biglang pumasok ang isang lalaki na nakaakbay sa isang b
abaeng buntis. At ang lalaki ay walang iba kundi si Kenneth my 3rd boyfriend na mama's boy.
Biglang bumilis ng tibok ng puso ko, after a long time noong last na nagkita kami. And he looked so happy and contented habang nakaakbay sa babae na malamang ay asawa niya.
Iniiwas ko ang tingin ko kina Kenneth pero napansin pa rin niya ako.
"Martha, is that you? tila di siya makapaniwalang nakita niya ulit ako.
Unti-unti kong tinaas ang ulo ko "Hi". pinilit kong ngumiti nang maayos kahit nakakaramdam ako ng pagkailang sa kanila.
"How are you? siyanga pala asawa ko si Shayne." pakilala niya sa kasama niyang buntis.
" Oh, congrats." i smiled at them para di halatang bitter ako at magmukhang masaya ako kahit feeling ko eh iniinggit ako nitong si Kenneth.
" Babe, meet Martha and Hya, mga kaibigan ko. matagal na din kaming hindi nagkikita. " sagot niya sa nagtatanong na mga mata sa asawa niya. Kaibigan? The idiot! he introduced me as one of his friend?? hindi ba dapat "ex-girlfriend?" kunsabagay takot siguro siyang magalit ang asawa niya dahil sa unang tingin pa lang ay mukhang selosa.
"Ikaw may asawa ka na ba friend? " tanong niya sa'kin.. pero di nakatiis si Hya at siya na ang sumagot.
" Malapit na rin friend, We will let you know, tutal alam pa rin naman namin kung saan ka nakatira. sabi ni Hya sabay poker face. " kumusta na pala si tita Grace? Nami-miss na namin siyang ka-kwentuhan nitong si Martha. Masarap pa din ba silang magluto? Ikumusta mo kami nitong si Martha, im sure kilala pa rin niya kami lalo na itong si Martha. hindi na ako nakakibo sa simpleng pagganti niya kay Kenneth. Napatingin na lang ako sa mag-asawa para alamin ang reaction nilang dalawa.
" Babe, let's go. Next time na lang ako magpapa pedi and mani. nakabusangot na sabi ng asawa ni Kenneth.
"okay. " tumango lang si kenneth samin na halatang di pa nakaka-recover sa pang-iinis ni Hya.
