013. narration

351 23 0
                                    

[ YEJI ]

" bakit ka nga sumabay sakin pumasok? akala ko ba ayaw mo? " kinikilig na tanong ko habang naglalakad kaming dalawa ni yeonjun.

posible kaya na nagselos sya nung sabihin ko na sasabay nalang ako kay hyunjin? hindi nya ba alam na magpinsan kaming dalawa?

ilang segundo pa, hindi parin sumagot si yeonjun kaya inunahan ko na.  " yeonjun, naalala mo pa ba 'yung promise mo sakin dati? "

promise nya na paglaki naman at nasa tamang edad na, magiging kami daw hanggang sa magpakasal kaming dalawa.

tumingin lang ito sa akin pero hindi ko malaman kung ano ang nasa utak nya, ano nga ba?

iniharap ko ang bag ko para ipakita kay yeonjun ang keychain na nakasabit sa zipper ng bag ko, " itong keychain na 'to, bigay mo 'to sakin. sabi mo, ito yung tanda na tutuparin mo ang promise mo na yun kaya iniingatan ko-- "

" can you please stop? ang ingay mo. " napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko syang sabihin yun.

habang sya ay patuloy parin sa paglalakad, ako itong nagpipigil nang umiyak.

FORGOTTEN. yeonjiWhere stories live. Discover now