026. narration

324 23 0
                                    

[ YEJI ]

" grabe mga pre, kanina pa may sariling mundo si yeonjun. " narinig kong paguusapan ng mga kaklase ko na hindi kalayuan sa akin.

tiningnan ko ang direksyon ni yeonjun at napansin na kanina pa sya nakatulala sa bintana na para bang may iniisip.

kanina rin kasi ay napagalitan sya ng teacher namin dahil walang naisagot si yeonjun nang tanungin ng teacher namin pero kahit ganoon ang nangyari, hindi ko makita kay yeonjun na may pake sya sa nangyari.

isang linggo na kaming walang usap, simula nung araw na sinuntok nya sa mukha si hyunjin ay hindi na nya ako chinat. hindi na rin sya nagiging active dito sa school tulad ng dati.

ako ba? ako ba yung dahilan kung bakit nangyayari sakanya 'to?

FORGOTTEN. yeonjiWhere stories live. Discover now