030. narration

335 24 0
                                    

[ YEJI ]

nagmamadali akong nagpalit ng damit at nagpaalam agad kay mama na pupuntahan lang saglit si hyunjin, tinanong pa ako nito kaya nagpalusot pa ako na may nakalimutan akong kunin.

kumaripas ako ng takbo. hindi naman na kailangan ng kung anong masasakyan dahil hindi naman malayo ang subdivision kung saan nakatira si hyunjin.

maya-maya pa ay muntik na akong mabangga ng isang kotse nung tumawid ako ng kalsada, sinigawan pa ako nung driver pero hindi na ako nagaksaya ng panahon makipagtalo sa kanya.

ano sya swineswerte? tsk.

naramdaman ko ang pagtuloy- tuloy ng vibration sa cellphone ko, naiinip na siguro si hyunjin.

kahit pagod na ako ay pinilit ko na bilisan ang pagtakbo dahil baka masuntok na naman sa mukha ni yeonjun si hyunjin. akala nya yata punching bag ang pinsan ko.

hindi naman nagtagal ay natanaw ko na ang bahay ni hyunjin at nakita ko na sinisigawan ni yeonjun si hyunjin sa labas ng bahay nila, mabuti nalang at gabi na kaya wala na masyadong tao ang nagkalat.

aambahan na sana ni yeonjun ng suntok si hyunjin pero mabuti nalang at humarang agad ako, bahala na kung ako yung masuntok kaysa naman sisihin pa ako ng magaling kong pinsan.

nakapikit na sana ako at handa nang masuntok pero ilang segundo pa ay wala paring kamao ang tumatama sa mukha ko.

binuksan ko ang mata ko nang makita na umiiyak si yeonjun-- teka! umiiyak?

FORGOTTEN. yeonjiWhere stories live. Discover now