7 Years Passed

389 42 4
                                    

     Pitong taon na ang Lumipas at Kinse Anyos na si Ace Bermington sa loob ng pitong taon marami na ang nagbago tumangkad na rin sya ang kanyang height ay kasalukuyang nasa 6:5 tungkol naman sa kanyang muka ay mas lalo pa itong pomogi Singkit na mga mata, itim na buhok, matangos na ilong, magandang kurba ng panga at perpektong labi pero kahit na ganun na kalaki ang kanyang pinagbago hindi pa rin maalis na isa syang mamayan ng Cursed Realm ang pinakamahirap na lugar sa buong Warfora pero kahit na ganun ang buhay sige pa rin sya patuloy pa ring lumalaban Alang Alang sa kanya at kanyang pamilya.

     Ace PoV------------------------------------

     Anu banaman yan kanina pa ko naghahanap ng makakalaban na Monstrous Beast,             nagsasanay si Ace ngayon bukod sa pagtulong sa kanyang pamilya sa gawaing bahay nagsasanay rin sya sa pagpapataas ng ranggo minsan rin syang sumama sa kanyang Ama Na si Edwardo para mangaso ng mga Monstrous Beast ang mga Monstrous Beast ay nahahati sa sampung bahagi ang Stone, Metal, Bronze, Silver, Gold, Scarlet Gold, Platinum, Diamond, Titanium, Mythical Spirit Rank habang ang mga Adventurers naman ay nahahati rin sa Sampung Level ang Stone, Iron, Silver, Gold, Scarlet Gold, Platanian, Sky, Legend, Mythical, Supreme Rank, ngunit dahil sa mababaw na parte lamang ng kagubatan sila nangangaso mga Stone, at  Metal Rank level ang nakakasagupa nila  mag-ama madalas mga Wild Boar,  at Little Red Bunny, Blood Wolves dahil sa karanasang ito May experience na si Ace papano makipaglaban tinuturuan rin sya ni Edwardo papano gumamit ng espada, pana, sibat at mahika dahil dito mas lalong nahasa ang munting isipan ni Ace sa pakikipaglaban, habang naghahanap si Ace ng mapapatay  na Monstrous Beast May nakita syang Blood Wolves na May kinakaing Black Boar mukang dumaan pa sa matinding paglalaban ang halimaw makikita naman yun sa mga pasa at sugat sa katawan ng blood Wolves, mukang maswerte ka nga naman oh hindi ko na Kaylangan pa maghanap ng kayamanan kayamanan na mismo ang lumalapit sa akin aniya ni Ace sa kanyang isipan kikilos na sana sya ng makitang May dalawang supling na anak ang bloodwolves dahil dito hindi niya na tinuloy na patayin ang sugatang blood Wolves dahil ginagawa niya yun para sa dalawang anak nito, alam ni Ace kung gaano kahirap magpalaki ng pamilya kaya hindi niya na tinuloy ang binabalak aalis na sana sya ng May narinig syang atungal

Roarrrrrrrrr

Ano ito bakit meron Golden Lion Wings na nandito at ang antas ng lakas niya Scarlet Gold Rank nanlalaking sigaw ni Ace

Papano ito napunta rito nasa gitnang bahagi ng kagubatan pa matatagpuan ang Golden Lion Wings kaylan makahanap Ako ng paraan makatakas kaylangan ko ng makatakbo pero bago yun kelangan ko muna masagip tong blood Wolves malaking tulong kung magiging katuwang ko tong mga to.

Activate Sprint plus 300%  movement speed for 3 minutes humanda ka Golden Lion Wings.

Pasugod na sana ang Golden Ling Wings sa pamilya ng bloodwolves pero biglang sumulpot sa harapan niya si Ace  na May hawak na Common Poison  Daggers na good for assassin type.

Roarrrrrrrrr atungal ng Golden Lion Wings papunta kay Ace naging alerto naman ang binatilyo pagtalon ng Golden Lion Wings sa kinaroroonan ni Ace para kagatin sana ito pero nakatalon na ng mataas si Ace.

Activate the Shadow Steps immediately teleport to the enemy Shadow

Slash slash slash saksak ni Ace sa tyan ng Golden Lion Wings kahit na hindi ganun kalaki ang pinsala na natamo nito dahil sobrang laki ng Agwat ng laki ng lakas nila si Aces na first level Stone  Rank habang ang kalaban niya naman Scarlet Gold Rank Monstrous Beast kahit na imposible sumugal pa rin si Ace para maligtas ang dalawang batang blood Wolves monstrous Beast, nagulat si Ace dahil buong lakas niya ng sinaksak ang Golden Lion Wings napangisi naman Ang Halimaw sa reaksyon ni Ace kaya bago pa mag-react si Ace sa gulat agad syang kinalmot sa tagiliran dahil dun mabilis na bumulusok si Ace at marahas na tumama sa bato umalingawngaw ang tunog ng pagtalsik ni Ace sa bato

Booommm

Masama ito masakit ang atake niyang yun isama mo pa na sobrang taas ng ranggo niya tingin ko nagkabali bali ang buto ko pero hindi pa tapos Kaylangan kong bumangon arghh, bumangon si Ace hawak ang tagiliran niyang May malaking hiwa kahit na namimilipit makikita pa rin sa mata nito ang tapang at determinasyon na lumaban, lingid sa kaalaman ng dalawang naglalaban na binatilyo at halimaw kanina pa nanonood ang Blood Wolves na tatay ng dalawang maliit na batang bloodwolves tinitigan ng Tatay na bloodwolves ang kanyang dalawang anak na sinasabing "anak Kaylangan nyo sumama sa binatang iyan Kaylangan nyo syang tulungan magpalakas kayong pareho, aangal pa sana ang dalawang anak nito pero agad niyang sinabihan hindi nako magtatagal pa mga anak ikaw Zefar at Zeref Kaylangan nyo protektahan protektahan ang isa't isa Kaylangan nyo tumayo sa sarili nyong Paa malinawanag ba bilang tugon ng dalawa umalulong ang dalawang maliit na lobo

Awoooooo awoooo

Isang himala na tong nangyari sakin dahil hindi pako namamatay masyado talagang malakas ang isang to Kaylangan ko ng makaalis dito baka d ko na kayanin pa mahigit sampung minuto na kaming nagpapalitan ng atake pero mabuti na lang isang atake lang ang tumama sakin pero kahit na ganun nasa critical na ko ilang minuto na lang at d nako makakakilos pa madaming dugo na ang nawala sakin Kaylangan ko ng sumugal kahit malabo ang Chance kong mabuhay.

Habang itutuloy sana ni Ace ang gagawin niyang huling alas biglang sumulpot sa harapan niya ang Bloodwolves tulala at gulat ang makikita sa mata ng binata dahil tinulungan sya nito, gamit ang isipan kinausap ng Bloodwolves si Ace Kaylangan mo ng tumakas rito bata, kahit na naguguluhan si Ace kung papano sya nakausap ng Monstrous Beast at ito ang unang beses niyang nalaman ito, Opo makakaasa po kayo, Isama mo na rin ang dalawa kong anak na si Zefar at Zeref si Zefar ang lobong May itim na asul na balahibo sa kanang mata si Seref naman yung lobong purong itim ang balahibo, sigi po makaasa po kayo na aalagaan ko silang dalawa ngayon aalis na kami sabay bitbit sa dalawang lobo sabay takbo gamit ng natitirang lakas papunta sa bahay ni Ace 

The Grim Adventurer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon