Nang nagtagpo ang atake ng Wind Tempest Cat at ng dalawang binata nagkaroon ng malakas na hangin senyales lamang na malalakas ang binato nilang atake sa isa't isa.
Kaibigang Ace May hihilingin ako sayo
Ano iyun Kaibigang Eram?
Pwede bang maghiwalay muna tayo? ako na ang bahala sa Pusang gala na to.
Atsaka kaibigan May isa pa kong hiling, sabay dukot sa bulsa. Agad namang naalerto ang Wind Tempest Cat sa ginagawa ng binata matalas niya itong tinignan at sinusuri ang bawat galaw nito.
Eto oh maari bang ipiring mo sa akin to, sabay abot ng tela kay Ace.
Nahihibang ka na ba papayag ako kung maghihiwalay tayo pero ang piringan ka habang kalaban ang pusa na yan ayan ang hindi ko gagawin. Nag aalalang sabi ni Ace kay Eram tingin niya rito ay nasisiraan na ng bait.
Kaibigan magkita na lang tayo sa town center apat na araw mula ngayon atsaka wag ka mag-alala ang aking katuwang na si Berfar ay isang Dracanian Bats kauri nila ang Vampire Bats na kahit bulag nalalaman ang kalaban dahil iyun sa sound waves naririnig nila lahat ng bagay pero ang sakop lang nun ay isang metro, mayroon ring kakayahan na ganun si Berfar dahil isa syang Dracanian Bats dahil katuwang ko sya sa pagpapalakas pwede ko na rin gamitin yung kakayahan nila atsaka nais ko magsanay kaibigan sana maunawaan mo ako. Mahabang paliwanag ni Eram kay Ace at mukang nauunawaan na ni Ace ang gusto mangyari ng kaibigan.
Sigi Eram nauunawaan ko basta apat na araw mula ngayon dapat nasa Town Center ka na at kung malalagay ka sa panganib isummon mo si Berfar ang munti mong katakot takot na dragon, oh sya kaibigan maiwan nakita. Sabay karipas ng takbo pagkatapos niya mapiringan si Eram hindi niya na hinintay na makasagot ito.
Samantala
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan mapapansin sa malawak na parte ng kagubatan ang pigura ng isang binata at isang Monstrous Beast naglalaway na tinititigan ng Monstrous Beast ang binata habang ang binata naman mapapansing nakapiring ang mga mata nito at kalmado lamang sya habang pinapakiramdaman ang buong paligid at ang mga tunog nito.
Roarrrrrrrrr
Atungal ng Wind Tempest Cat at mabilis na sumugod sa binata at naging alerto naman ang binata pero mapapansin sa muka ng binatilyo na kalmado lamang ito isang sunod sunod na kalmot ang pinakawalan ng halimaw pero naiilagan ito ng binata na wari'y sinusundan ang ritmo ng tunog ng paligid dahil rito mas nagalit ang halimaw dahil hindi niya masugatan ang kanyang hapunan. Maya maya pa lumayo sya sa binatilyo at kinalmot ang kanyang harapan pero tatlumpung hakbang ang pagitan nila sa bawat kalmot ng halimaw sa hangin mapapansin ang marahas na pwersa na binabato nito gumagamit na pala ito ng Wind Claw ang mga marahas na pwersa na pinakawalan ng Wind Tempest Cat patungo sa direksyon ng binata agad naramdaman ni Ace ang mga atake at iniilagan niya ito.
Kamangha mangha ang Wind Tempest Cat Na ito masyado malaki talaga ang tsansa na lumakas ito dahil sa elemento tinataglay niya kung hindi ako magiingat ako ang magiging hapunan niya sabi ni Eram sa kanyang isipan habang iniiwasan ang mga atake ng Wind Tempest Cat.
SA ginagawa ng Wind Tempest Cat May napagtanto syang isang bagay at yun ay seryosohin ang kalaban na nasa harapan niya kaya mas lalo niya pang binilisan ang pagkalmot sa era mas madaming kalmot mas madaming Wind Claw ang pinapakawalan niya at mas naging agresibo ito, dahil sa laki ng agwat ng lakas ng Wind Tempest Cat sa kanyang katunggali mas meron syang madaming stamina kaya niya na mas tumagal pa sa laban ng ilang oras.
BINABASA MO ANG
The Grim Adventurer
FantasiAng storya ng binatang si Ace Bermington na napili ng god's of Darkness na si Hades. Mahirap Walang silbe Kasumpa sumpa Magsama kayo ng mga kauri mong kasumpa sumpa Sa mundo puno ng mapagmataas na Adventurer Sa mundo ng malalakas at mapagmataas Sa...