Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ang ina ni Ace na si Sarah sa kanyang nasaksihan mahigit dalawang araw na rin ang lumipas simula ng makita niya ang Bloodwolves ni Ace.
Flashback
Nay ito nga pala si Zefar at Zeref sabay atungal at umupo sa harap ng pamilya ni Ace.
Anak bakit ganyan yan si Zefar at Zeref ba talaga yan anak kung sila nga yan ang laki ng pinagbago nila ang dating kulay Grey na balahibo ni Zefar at pag ka asul na bahalahibo sa bandang mata niya ngayon parang patay na lupa na kulay pula na ang kulay niya at hindi lang yun anak ang lupang tinatapakan ni Zefar namatay na rin para tuloy impyerno tong lugar na to mahabang lintanya ng nanay ni Ace lugar kasi na kinakatayuan nila Zefar at Zeref ay nagbabagang patay na lugar na wala ka ng makikitang buhay.
Hindi lang si Zefar ang malaking pinagbago mahal tignan mo rin si Zeref ang dating itim na balahibo nito ngayon parang hindi na balahibo purong itim na sya ang buo niyang katawan parang nanggaling sa kadiliman para syang itim na usok kung hindi lang mahahalata sa korte ng katawan nito d mo aakalain na lobo sya seryosong tugon ng Ama ni Ace sa kanyang asawa,
Mahal kung malalaman ng mga nasa itaas to sigurado akong malaking gulo to Kaylangan May gawin tayo para hindi nila malaman, anak mas mabuti kung hindi mo muna sila isasama sa pagpunta mo sa Town Center malaking atensyon makukuha mo pag kasama mo tong dalawang Bloodwolves.
Opo itay naisip ko na rin yan makakaasa po kayo nay Tay pero Tay May tanong pala ko ano nga palang magic meron kayo ni Inay?
Sarah= sa akin anak Nature magic itong sa tatay mo naman Iron magic, May kakayahan Ako na kumausap ng Monstrous Beast, gumawa ng mapa na Guide Post kung saan makikita mo kung ano gano kadami palapag meron sa bahay na yun, especialty ko rin wood at earth magic dahil kasama iyun sa Nature Magic, yung tatay mo naman kaya niya gumawa ng Armas, bahay, baluti lahat ng May kinalaman sa Iron kaya niya i manifest pero pag sobrang komplikado ng bagay na gusto niya gawin mahihirapan sya at manghihina dahil kahit ganun kalaki ang tulong ng magic niya May limitasyon pa rin ito, mahabang paliwanag ni Sarah sa kanyang Anak.
Nay Tay ano sa tingin nyo yung magic type ko? Kahit ako hindi ko alam eh.
Base sa nangyari sa iyong Bloodwolves anak sa tingin ko black magic ang tinataglay mo sadyang napakapanganib niyan at yan ang uri ng magic ang kinakatakutan ng mamayan at ang mga black magic na yan mostly demons at deities ng kadiliman na si Hades Ang May basbas niyan kaya kakaunti lang ang meron niyan, kaya payo ko sayo anak wag kang magtitiwala sa iba dahil ang mundong to punong puno ng ganid sakim mapagmataas na Adventurer pag meron sila nakitang banta sa kanila hindi sila magdadalawang isip na patayin ka mahabang paalala ng Ama ni Ace sa kanya.
End of Flashback
Nay Tay aalis na po ako para subukang pumasok sa Lagoon Bay Academy.
Lagoon Bay Academy pinakamalaki at pinakasikat na Academya sa Warfora Continent pinangalang Lagoon Bay ito dahil sa nangyaring digmaan nuon na tinawag na Lagoon Bay war kasi sa Lagoon Bay naganap ang digmaan.
Naghahanda na si Ace sa pag pasok sa Academya nuong nakalipas na dalawang araw wala syang ibang ginawa kung hindi asikasuhin ang kanyang gamit mga pagkain, inumin, sapatos, potions, space ring, at pagkondisyon sa kanyang sarili dahil ang kasalukuyang antas pa lang ni Ace ay Stone 3 RANK kaya ganun na lang ang pagpapakondisyon niya sa kanyang sarili dahil alam niya pag nakapasok na sya matinding discrimination ang matatanggap niya mula sa mga kabataang nabuhay sa mas mataas na realm.
Space Ring singsing kung saan pwede ka maglagay ng kahit na anong bagay ang isang common space ring ay May espasyo ng 1 buong stadium habang ang Uncommon naman ay May espasyo ng dalawang buong stadium habang ang Epic space ring kaya mag pasok ng isang bundok.
Ang mga Armaments ay merong 5 uri ang Common, Uncommon, Epic at Ang dalawang uri ng Armaments naman ay Mga Family Head, Town Center Head, Royal Knights, King lamang ang mayroon dahil binibigay lang ito sa mga May matataas na posisyon, napakalaki rin ng halaga ang Kaylangan para makabili ng Legend space ring na May katumbas ng isang Diamond Monstrous Beast Core ganun kalaki ang presyo nito habang ang Supreme Space Ring naman ay sinasabing alamat lamang at walang katotohanan pero madami pa rin naniniwala rito dahil May ebidensya na merong gantong uri ng Space Ring ang isang halimbawa ng ebidensya nito ay ang mga ancient symbols na makikita lamang sa mga loob ng dungeon pero dahil wala pa nakakita ng harapan sinasabing alamat lamang ito.
Kasalukuyang naglalakad si Ace kasama ng kanyang kaibigan na si Eram silang dalawa ng binata ay matalik na magkaibigan simula pagkabata dahil ang tatay ni Eram ay kumpare ng tatay ni Ace kaya kaya naging magkaibigan rin sila.
Pareng Eram anong antas mo na nga pala?
Katulad rin ng sayo Ace Stone Spirit Rank 3 ang galing nga eh parehas tayo ng antas sigurado ako na magiging kapanapanabik tong mangyayari makakakita tayo ng malalakas at magigiting na Adventure kaibigan Ace😊😊😊.
Haha ikaw talaga Eram tama ka magkakaroon ng magandang pangyayari hindi na ko makapaghintay na makapasok tayong dalawa sana magkaklase tayo ano?
Syempre naman talentado kaya tayong dalawa.
Kaibigan Eram ano magic type mo? Tanong ni Ace sa kaibigan niya.
Kaibigan Ace wag mo to pagkakalat ah, lumingon lingon muna sa paligid si Eram bago ipagpatuloy ang sasabihin sa kanyang kaibigan masyado kasing komplikado ito kaya kahit silang dalawa lang binabagtas ang daan palabas sa kagubatan naging maingat pa rin ito. Eh kasi pare Dark Magic yung kapangyarihan ko.
Waw kaibigan ang galing parehas tayo ng magic type, humahangang sabi ni Ace sa kanyang kaibigan hindi sya makapaniwala dahil bihira ang katulad nilang Dark Magic ang kapangyarihan kasi mostly demon at deities Na si Hades Ang nagbabasbas nun kaya pag meron nakaalam nun siguradong aapihin sila at magiging mas doble pa ang discrimination sa mga taong May kapangyarihan ng dark magic. Ang swerte natin preee hooohh pwede ko ba makita yung Kapartner mong Monstrous Beast, tanong ni Ace kay Heram.
Waw man parehas pala tayo ang galing dahil same type pala tayo ng magic hindi na ko mag-aatubiling ipakita sayo ang Monstrous Beast na naging kapartner ko, I Summon thee Berfar my Monstrous Beast, maya maya pa May biglang lumabas na Dracanian Bats, pero ang Dracanian Bats na ito ay ibang iba sa paniki na kasing-laki lang ng palad at ngayon ay kasinlaki at kasinlaki na ito ng basketball court Eram at ang kanyang anyo talaga naman katakot takot.
Waw kaibigan Eram ang Dracanian Bats mo ibang iba kesa sa ordinaryo ang mga Dracanian Bats dba maliit na Paniki na May ulo at katawan ng dragon?
Oo kaibigan Ace ang mga Dracanian Bats maliliit lang sila kasing laki lang ng palad kaya tinawag silang Dracanian Bats kasi sa kweba nakatira at insekto lang ang kinakain nila.
Pero dahil sa Blood Contact na ginawa namin naging kasinlaki at kasing lapad ng basketball court na sya hindi na rin sya mukang Dracanian Bats para na talaga syang tunay na dragon , May dalawa syang sungay kulay pulang pula na mata kasing-haba ng ruler ang mga kuko nito matulis na pakpak at buntot kulay itim rin ito at naglalabas ng aura na katulad ng kay Zeref.Ang dating kulay puting maliliit na Dracanian Bats ganto na agad ang kinalaki ng itsura at lakas nito pansinin mo kaibigan Ace pag lumilipad sya namamatay yung hangin at ang lupa naman na nadadaan nito namamatay rin parang May dalang kamatayan kaya alam ko madami takot na takot rito.
Tama ka dyan kaibigan Ace ipapakita ko rin sayo ang aking Katuwang na Monstrous Beast, I Summon thee my Monstrous Beast Zefar at Zeref.
Gaya ng ginawa at nangyari kanina May humahangang tingin rin si Eram sa dalawang lobo ni Ace ipinaliwanag niya na rin kung ano sila dati at ganu kalaki ang pinagbago nito, patuloy na naglalakad ang dalawa hanggang sa makaalis na silang Kagubatan at ngayon nasa Town Center na sila ng Curse Realm,
Kaibigan dito na magsisimula paglalakbay nating dalawa.
BINABASA MO ANG
The Grim Adventurer
FantastikAng storya ng binatang si Ace Bermington na napili ng god's of Darkness na si Hades. Mahirap Walang silbe Kasumpa sumpa Magsama kayo ng mga kauri mong kasumpa sumpa Sa mundo puno ng mapagmataas na Adventurer Sa mundo ng malalakas at mapagmataas Sa...