Judgement Part 1

320 42 15
                                    

    
        Mahigit isang Linggo na ang nakalipas ng magsimula ang pagtutunggali ng mga mag-aaral at sa isang Linggo yun ang laman ng pag-uusapan ay ang binatang si Ace maraming hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan halos lahat yata ng mga mag-aaral ng akademya ay mayroong iisang ekpresyon ang pagkagulat ganun rin ang Grand Master ng paaralan pati ang mga Elder, pagkatapos ng pagtutunggali ni Ace at ng kanyang kalaban ay agad na pinagpabukas ang kaganapan sa akademya.

     Mababakasan ng pagkatakot ang mga estudyante kaya pinatigil muna ang pagtutunggali at pinabalik ang mga estudyante sa loob ng kanilang mga panuluyan para makapagpahinga sa kanilang pagkagulat maliban kay Ace na pinatawag ng Grand Master para sa pagpupulong.


     Flashback

     Grand Master pinapatawad nyo Ho daw ako?

     Hindi alam ni Ace na lahat pala ng guro ng akademya ay naruon sa pagpupulong akala niya na siya at ang Grand Master lang ang naruon kaya nakaramdam siya ng kaunting pagkailang.

     Kita sa muka ang ekpresyon ng binata kaya agad iyung napansin ng Grand Master kaya tumikim muna siya ng ubo para tawagin ang pansin ng binata

    Hmm hmm

     Pasensya ka na kung hindi ko nasabi sayo na nandito lahat ng iyong mga guro.

    Ayos lamang po iyun nagulat lang ako.

    Hmm Ace pinatawag ka namin para magtanong ng ilang katanungan tungkol sa kaganapan kanina ayos lang ba iyun?

    Oo naman po Grand Master, May ideya na si Ace kung para saan ang pagpupulong at kung bakit siya pinapunta.

    Bago muna iyun nais kong umupo ka muna.

    Sinunod nga ni Ace ang wika ng Grand Master pinagmasdan niya ang paligid mahigit tatlong daang guro ang naruon.

    Kasalukuyang nasa ELDERS COUNCIL si Ace malawak ang buong kwarto kasya para sa apat naraang katao Naka red carpet ang sahig kumikinang naman na marmol ng batong onyx ang kisame ng kwarto at ang mga upuang ginamit ng mga nasa loob ay hango sa mamahaling kasangkapan na makikita sa loob ng palasyo kumikinang sa ginto ang mga chandelier, ang nakaagaw ng pansin kay Ace ay ang kalidad ng mga items sa loob lahat matitibay yung upuan nga na inuupuan niya May antas ng Platinum rank ibig sabihin sobrang tibay nito kung tama rin ang hinala niya ang buong kasangkapan sa paggawa ng kwartong ito ay hindi basta basta.

 
     Alam niya ring mayroong formation na nakalagay sa kwarto dahil sa mga runes at symbols na nakakabit sa mga kwarto mayroon ring Sound Concealing Armanents sa kwarto pagpapakita lang na hindi basta basta ang buong pwersa ng akademya.

   
    Ace para sa aming katanungan anong klaseng monstrous beast ang iyong kablood compact?

    Kung hindi ako nagkakamali loob ito hindi ba? Wika ni Grand Master Borja sa binata.

    Ang aking Monstrous beast ay isa Pong blood wolf.

    Napasinghap naman ang mga guro ganun rin ang Grand Master na mayroong panlalaki ng mata hindi makapaniwala sa kanilang narinig ang dalawang lobo na yun na nagbigay ng delikadong sensyasyon ay isa lamang Bloodwolves? Anong klaseng halimaw ba ang batang ito?

    Kung ganun Bloodwolves nga iyun hindi talaga ko makapaniwala ilang taon ka na ba Ace?

    Labing Lima po.

    Kung ganun natanggap mo na ang awakening at kung hindi ako nagkakamali ang kapangyarihan mo ay patungkol sa kapangyarihan ng itim tama ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Grim Adventurer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon