Chapter Three

73 2 0
                                    

Jatz's Picture :-)

Clarise's PoV

Nagluluto ako ng corned beef tapos may nag doorbell nang sunud-sunod! Anu bayan. Na rush tuloy ako at nalimutan kong patayin yung kalan kasi bubuksan ko yung pintuan.

Pagbukas ko nang pintuan ay agad na pumasok si Jatz. Anung problema neto? Bat parang saklob saklob nya ang buong langit at lupa? Hindi naman to ganto eh.

"Hoy Jatz! Anung problema mo at nagdadabog ka jan? Ha?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Inaantok ako Clar, Ano bang pagkain mo?" Sabi ni Jatz kaya napatakbo ako sa kusina.

Yung corned beef ko naging sisig na kulay black! Peste naman kasi si Jatz oh! Anu nang kakainin ko? Para bukas pa naman yung mga Spam dito. Tapos yung Tatlong Nutella ko hindi ko pa nabubuksan.Kainis!

"Sunog na Corned Beef!" Sigaw ko sa kanya.

"Bobo ka magluto eh noh?" Sabi nya tapos nagbukas sya ng isang Spam. Walanjo talaga tong si Jatz eh.

"Bahala ka jan. Ikaw na rin mag basta ng lamesa :p" Sabi ko tapos binelatan ko pa sya.

Hinubad ko na yung apron na suot ko tapos sumalampak nalang ako dun sa sala. Sumalampak ako sa couch tapos nag-basa nalang ako sa wattpad. Puro horror lang ang binabasa ko dito. O kaya naman adventure. Korni ng romance. Pwe!

Nakaka-ilang chapters palang ako tinigil ko na. Tinatamad akong magbasa eh. Binuksan ko nalang yung TV at nanuod nalang ako ng cartoons.

Magaling syang magluto eh -,- kahiya naman -,- Siguro umabot din ng 4 minutes bago nya natapos lutuin yung SPAM. Shemay anshaaraaap.

"Jatz, bakit ka nga pala napadpad dito? Diba kasama mo yung mga kaklase mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko ba. Kinikilig ako" Sabi nya na ikinagulat ko. First time nyang kiligin ah...

"Yieeeee, Bakit naman?" Sabi ko sa kanya.

"Basta. Saka na. Antok nako. Goodnight!" Sabi nya sabay takbo papasok ng kwarto ko at sinara na yung pinto.

Peste talaga tong si Jatz kahit kailan eh. Anlakas mang-bitin! Kainis! *kamot ulo* Napa poker face nalang ako nang mapag-tanto ko na ako pala ang magliligpit at mag-uurong ng kinainan namin. Kainis talaga!

Niligpit ko na yung kinainan namin nang biglang nalaglag yung isang baso. Hindi maganda to. May hindi magandang mangyayari. Wala naman sana.... Nilagay ko muna yung ibang kinainan namin sa lababo bago ko winalis at tinapon yung mga bubog ng nabasag na baso.

Nag-palit nalang muna ako ng Sando at Pajamas ko atsaka ko kinuha yung susi sa Cabinet ko. Binuksan ko yung kwarto at nakita ko naman si Jatz na tulog na tulog. Napagod siguro tong bessy ko. Tinabihan ko sya at sh-in-are ko nalang sya sa kumot... Niyakap ko nalang si Jatz....

💤💤💤💤💤💤💤

*rrrriiiinggg rrrring rrrringgg*

Napa dilat ako sabay nang pagbato ko sa alarm clock ko dahilan para tumigil na yung pag ring. Kinuskos ko muna yung mata ko at una kong hinanap si Jatz. Wala na sya. Umalis na. Gaga talaga.

Lumabas nako ng kwarto at dumiretso sa banyo para mag toothbrush at hilamos. Bumalik ulit ako sa kwarto para kuhain yung ponytail ko atsaka ko pinusod yung buhok ko. Nag stretching muna ako bago ako nagpalit ng leggings atsaka ako nagsuot ng jacket na hindi naman masyadong makapal. Magja-jogging ako. Sinuot ko muna yung rubbershoes ko na nike.

Kinuha ko rin yung ipad shuffle ko at headset. Sinuot ko rin yung G-Shock ko at nagdala din ako ng Hand towel. Pero pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng fresh milk at fruit loops sa ref pero may nakita akong sticky note na nakadikit sa ref namin.

Bessy,

Pinagluto kita ng Oat Meal. Nasa maliit na rice cooker. Tignan mo sa ibabaw ng stove. Lagyan mo nalang ng powdered milk at sugar. Lovelots :-*

Jatz :-)

Yan ang nakasulat sa sticky note kaya napa-ngiti naman ako. Kahit kailan talaga ang sweet neto ni bessy Jatz eh. Hindi na pala muna ako kakain ng fruit loops. May Oat Meal na eh :-) Kinuha ko na yung oat meal na niluto ni Jatz at nilagyan ko na ng Gatas at asukal. Kinain ko na. Ang sarap ^__^

After ko kumain ay uminom muna ako ng isang baso ng tubig. Ready nako men! Lumabas nako ng unit ko at nag drive nako papunta sa sport center. Nag park nako at dire-diretsong pumasok. Libre ako dito. Private sport center to. Manliligaw ko dati ang may-ari neto. Kaya eto, libre ako always.

Pinasak ko na sa tenga ko yung headset ko at nag-simula na akong mag-stretching. Stretching muna para di ako agad mapagod. Bakit kamo kailangan pa ng stretching? Kailangan ng stretching para hindi masyadong malamog or mapagod yung katawan mo. Para din hindi ka mainjured kasi pag binigla mo yung pagtakbo mo, may possibility na ma sprain yung paa mo o kaya ma injured yung tuhod mo. Ok na? ^__^

Natapos ako mag stretching at tumakbo nako. Iikutin ko tong oval field. Oval field na may 400 meters pag naikot mo. Ibig sabihin, 4 kilometers. Nasa kalahati palang ako nang biglang may sumigaw..

"MISS BOLA!!!" Kasabay ng sigaw ay ang pagtama ng bola sa ulo ko at ang pag dilim ng lahat..... Aray...

-____0 *dilat isang mata*

0____- *dilat kabilang mata*

0____0 *dilat parehong mata*

Diba nasa sports center ako? Bakit napunta ako sa clinic? Ahhh, naalala ko na. Nasapul nga pala ako ng bola sa ulo. Na-headshot ako!

"Gising na dre" -Guy 1

"Gising na?" -Guy 2

"Sinapul mo kasi eh hahaha" -Guy 3

Teka, sino yung mga yon? Sila kaya yung nag-sapul ng bola sa ulo ko? Peste silang lahat.

"Miss, Ok ka lang?" Sabi sakin ng isang lalaki pagka-lapit nya sakin.

"Sa tingin mo ok ako?" Pagtataray ko sa kanya.

"Yan kasi, tinarayan ka tuloy" Sabi ng isa pang lalaki.

"Look Miss, we're sorry. Sinigawan kana namin di ka parin umiwas." Paninisi nya

"At ako pa ang mali?!" Pagtataray ko na naman.

"Parang ganun na nga." Sabi nya.

WTH?! Ako pa ang sinisi nya eh sya na nga tong nakatama sakin. Kainis!

"Clarise?" Sabi ng isang pamilyar na boses.

"Ethan?" Sabi ko nang makalapit sya sakin.

"Ako nga. Sorry kung natamaan ka ni Francis ha" Sabi nya sakin.

"Its ok" Sabi ko sabay tayo.

"Salamat. Im Leaving" Sabi ko sabay labas sa clinic.

Pagka-labas ko ay naka-salubong ko si Christopher. Sya yung may ari netong sport center na naligaw sakin NOON.

"Are you alright?" Sabi nya na halatang nag-aalala.

"Yes I Am. Bye" Sabi ko sabay lagpas sa kanya.

Nakakainis naman tong umaga ko! >__<

A/N:

Thanks for reading! Ciao!

Spice Girls meets The Gwapings [PAUSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon