Chapter 9

58 0 0
                                    

Happy 10th chapter :-)
Happy 100 reads den

#SecondKissCFran
#HisFamily

Clarisse's PoV

*yaaaaaaaawn* isang mahabang hikab ang nilabas ko nang magising ako. Naka-higa lang ako at wala ako sa mini house nor sa condo ko. Naandito ako sa bahay nila Francis. Nagka-inuman kasi kagabi kaya eto ako, hilong-hilo at sobrang sakit ng ulo.

"Oh mag bio flu ka muna." Sabi ni Francis pagka-pasok nya ng guest room.

Inabot nya sakin yung bio flu at isang basong tubig. Inalalayan nya rin ako umupo para mainom ko yung gamot ko. Nainom ko naman yung gamot ko kaya humiga nako kaagad.

"Anung pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Francis.

"Ok lang ako Francis. Itutulog ko nato." Sabi ko sabay pikit at yakap sa unan.

"Sige. Magpa-hinga ka muna. Dito muna ako" Sabi nya sabay halik sa noo ko na ikinagulat ko.

*dug dug dug dug* Anung nagyayare sa heartbeat ko? May sakit naba ko sa puso? *iling iling* Wala naman siguro. Nabigla lang siguro ako sa pag-halik nya sa noo ko.

"I Love You fake girlfriend ko...." Seryosong sabi nya.

"Gago ka talaga" Natatawang sabi ko...

"Sige na, matutulog nako." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Zzzzzz Zzzzzzzz

O_~

~_O

O_O

Nagulat ako nang makita ko si Francis na nakahiga sa tabi ko. At hindi lang yon! Magkayakap pa kaming dalawa. Bat naka-yakap din ako sa kanya?

Tinignan ko yung loob ng kumot para masigurado kong walang nangyare na kahit ano. Naka-hinga naman ako ng maluwag ng makita kong naka-bihis parin ako.

Napa-titig ako kay Francis, Seryoso syang natutulog. Ang gwapo nya pag tulog noh? Para syang isang inosenteng bata na walang kaalam-alam sa mundo. Para syang si Kuya Zach. Sana totoo nalang na boyfriend ko sya noh? Pa- Teka! Sinabi ko yun? Wait! erase nyo yung last line! Joke lang yon! Di ko sya crush pramis!

Tumalikod nalang ako sa kanya nang bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko at biglang uminit yung buong paligid. Bat ganun? Naka-yakap pari sya sakin. Ayoko namang tanggalin kasi ano.....uhmmm.... kasi ano nga ba? Ahhh basta! Ayoko muna syang istorbohin! Pero hindi ko gustong nakayakap sya ah? Baka kasi kung anong isipin nyo.

Tinititigan ko lang tong buong guest room at iniikot ko yung paningin ko sa buong paligid. Hindi ko din namalayan na naka-harap na pala ako kay Francis. Magka-tapat yung mukha namin at sobrang lapit talaga! Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nung ngumiti sya at dumilat. Titig na titig sya sa mata ko.

Ewan ko pero naka-titig din ako sa kanya. Pwede naman akong tumalikod pero hindi ko magawa. Gustong-gusto ko syang titigan lang. Unti-unting lumapit yung mukha nya sakin and the next thing I knew is, his lips were on mine. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. This is the second time that we kissed pero bat parang first paren? I felt his lips brushing on mine and i really felt its softness. Humiwalay din sya sakin at ngumiti. Yung ngiting tagumpay nya.

"I Love You Clarisse...." Sabi nya na nakapag-palala ng ngiti ko.

Hindi ko alam pero ngayon ko lang na-feel 'tong ganitong feeling. Yung feeling na sobrang saya mo at feeling na parang nasa langit ka. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi nya. Readers, mahal ko na ba sya? Ganito ba magmahal?

Spice Girls meets The Gwapings [PAUSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon