Clarisse and Francis's Picture :-)
Clarisse's PoV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at iniisip ko parin kung papayag bako sa hinihiling ni Francis. Ang hirap kaya mag decide!
Ganito kasi yon.....
*flashback*
"Ano?! Ayoko nga!" Sabi ko kay Francis.
"Sige na Clarisse. Nagmamakaawa ako sayo..." Sabi ni Francis sabay luhod sa harapan ko.
"Ayoko nga!" Sabi ko sa kanya.
"Please... Ipapamukha ko lang sa kanya kung sino yug sinayang nya.... Clarisse please..." Sabi ni Francis.
"O sige na sige na, pag iisipan ko" Sabi ko sa kanya.
"Yes! Salamat Clarisse!" Sabi nya sabay yakap.
"Hihintayin ko sagot mo bukas ha! Bye!" Sabi nya sabay sakay sa motor nya.
Bukas agad?!
*end of flashback*
"Clar umayos ka nga! Kanina kapa pagulong gulong dyan sa higaan mo! Nalaglag na yung mga unan mo oh!" Saway sakin ni Hayley.
"Papayag bako Hayley?" Naguguluhang tanong ko.
"Aba ewan ko sayo!" Sabi nya. Kabigan ba talaga kita Hayley? T_T
At dahil nga sa hindi anman ako pwedeng tumanggi, Oo nalang. Basta pag sinundo nya ako mamaya, oo nalang. Naa-awa din naman kasi ako kay Francis. At para narin maka-ganti ako kay Sunshine. Si Sunshine ang Letter S sa chakaS
C- Clarice Jeanne Morales
H-Helena Jackelyn Perez
A-Airah Guillermo
K- Katrina Nifraz
A- Angelica Fran
S- Steffani Shane SuarezNgayon kilala nyo na ang mga demonyo sa buhay ko. At dahil nga isa sa mga Demonyong yon ang pagseselosin ko, papayag ako sa gusto ni Francis. Hindi lang naman to para matulungan si Francis kundi para narin matulungan ang sarili ko.
Bumangon nako sa higaan ko at dumiretso nako sa banyo para maligo. After ko maligo nag-bihis nako. Simpleng hanging blouse lang na yellow at dark pink na maong shorts. Edi tapos. Naka pony tail din ako tapos nag-suot din ako ng hikaw na pink at necklace ko na may S na pendant. Naka-mataas na slippers din ako.
"Clarisse, lumabas kana dyan sa kwarto mo bruha! Halika na dito at gogora na tayo sa bahay ni Babe ko!" Sabi ni Hayley.
Lumabas nako ng kwarto ko at napa-ngiti ako nang makita ko ang itsura ni Jatz. Siguro si Hayley nagpasuot sa kanya. Naka-dress sya na Dirty white tapos may pearl sa neckline at above the knee. Naka flats din sya na dirty white at may ribbon. Grabe! Tapos naka-curl din yung buhok nya.
"Ang ganda mo Jazmine!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Inayusan ko sya Clar. Masyado kasing manang pumorma." Sabi ni Hayley habang inaayos yung buhok nya.
"Tara na. Dun na tayo sa kotse ko" Sabi ko tapos hinila ko na silang dalawa.
Lumabas na kami ng mini house at sumakay na si Hayley sa kotse ko pati si Jatz. Pinlano ko to para kay Jatz. Para ihatid sya ni Ethan tapos si Hayley naman para ihatid sya ni Jaycee. Bwahaha. Ganda ng plano ko noh?
Minaneho ko na ng mabilis yung kotse ko. Naka off roof ako ngayon para hindi magulo sa hair. Alam ko narin naman kung saan yung bahay nila Jaycee eh. Ilang beses na kaya kaming pumupunta don pero ngayon lang namin nakita yung mga tropa nya na manggugulo pala sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Spice Girls meets The Gwapings [PAUSED]
Teen FictionPapaano kung ang dalawang grupo na sikat na sikat sa magkaibang university at ipagtagpo ng tadhana? Magiging happy ba ang ending nila o magiging war tong story nila? Abangan.....