Chapter 10

44 0 0
                                    

Fireworks Picture :-)

#HisFamilyLikesMeJazAn

#HappyNewYear2015
Clarisse's PoV

It's been a week. Naandito kaming anim sa mini house dahil dito namin napag-usapang mag celebrate ng new year. Sa ngayon, kakatapos lang namin mag-grocery ng mga ingredients para sa mga lulutuin namin.

Magluluto kami ng;

Graham Balls
Carbonara
Pizza Rolls
Spaghetti
Crab Eggs

Ang dami right? May mga Ice creams din kami at buko pandan. Gusto nyong malaman ang mga paputok namen? hahaha sige na nga...

Eto yung mga paputok namin:

Fireworks (di mawawala yan)
Sinturon ni hudas
Goodbye philippines.

Madami bawat klase nyan noh! Pramis sa inyo magiging sobrang saya netong new year nato! ^__^

"Clar, sino ba gagawa ng mga grahams?" Sabi sakin ni Jatz.

"Si Hayley daw atsaka si Jaycee" Sabi ko.

"Hoy! Tara na! Gumawa na tayo ng Pizza rolls!" Sabi ni Francis sabay hila sakin.

"Ako na magluluto ng carbonara!" Sabi ni Jazmine.

"Ako na sa spaghetti" Sabi naman ni Ethan sabay diretso sa kusina.

Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa at niluluto. Mag a-alas nuebe na ng umaga. Siguro mga alas dose titigil na kami sa pag-gagawa at kakain muna ng tanghalian. Lahat ng gadgets namin naka charge na eh. Para may pang selfie at groufie mamaya.

After naming gumawa ng pizza rolls, tumayo na kami para mag-hugas ng kamay at para urungan yung mga ginamit namin na kitchen utensils kaso...

"Ikaw nalang mag-urong huh? Hindi ako marunong eh" Sabi ni Francis.

"Hoy! King Ina ka ha! Tuturuan kita basta tulungan moko!"Sigaw ko sabay hila nung kwelyo ng polo na sut nya.

"Aak! Oo na!" Sabi nya sabay ayos nung nalukot nyang kwelyo.

Tinuruan ko syang mag urong at nag-enjoy naman kaming dalawa. Hindi pa tapos magluto yung iba kaya nag-ligpit muna kami ng sala. Yung lamesa niligpit din namin dahil sobrang kalat. May nakakalat na bread crumbs, flour, balat ng ham, at iba pa.

Nang matapos na kaming mag-ligpit. Dumiretso ako sa ref sabay inom ng tatlong baso ng malamig na tubig. Maya-maya maliligo narin ako. Tinignan ko yung phone ko at nakita ko naman na tinadtad na naman ako ng notification. Puro happy new year. Naknang tokneneng. Dec. 31 palang new year agad?! Atat much?!

{fast-forward}

"Hello manager!" Sabi namin pagpasok ni Manager sa pinto. Pinagbuksan lang naman sya ni Francis.

Pinapunta namin dito si Manger since, alone lang naman sya sa bahay nya kaya dito nalang namin sya pinapunta para mag-celebrate ng new year :-)

"Hello SGGT's. O eto, may dala akong dynamite" Sabi ni Manager sabay lapag nung tray na dala nya.

"Ang anghang naman nyan manager!" Sigaw ko.

"Para matauhan kayo at magets nyo si tadhana!" Sabi nya sabay palipad hair kahit wala naman -,-

Lagi nalang tadhana yang topic ni manager. Ano bang meron sa tadhana? Ayyy, nga pala. Maliligo muna ako ha? Pasa ko muna kay Jatz yung PoV :-)

Jatz's PoV

Spice Girls meets The Gwapings [PAUSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon