XIII

38 1 0
                                    

     Another one year passed and I'm stuck in the busy market of Kuromon Ichiba Market choosing a best fish to cook.

“Kono sakana wa shinsende, kono sāmon o erabu dakede oishīdesu.” (This fish is fresh just choose this salmon it's tasty.)

I don’t have a choice and I bought one kilo of salmon.

“Hai.” (Okay.)

Umalis na din ako sa market baka mahawa pa ako ng sakit ngayon lang din ako nakapag grocery dahil sa busy ako sa pagtratrabaho sa loob ng bahay. I'm a home base teacher/tutor teaching english to a Japanese students.

Malapit na din ang apartment ko sa market kaya walking distance lang naman kahit ito nalang ang exercise ko.

“Tegami ga arimasu.”( You have a letter.)

Binigay sa akin ng guard ang nag iisang letter. Baka bayarin lang naman kaya isinantabi ko muna ang sulat sa lamesa.

It's winter at grabe ang lamig doble doble ang suot ko para lang maka survive sa lamig.

Day off ko ngayon kaya naman may time akong kumain ng madaming pagkain at I can feel na tumataba na ako nang mag vibrate ang phone ko. An email from my old friend, Indigo.

“Take a time to read this article about your so called husband…”

Sa baba ng message niya ay isang article na nasa headline pa talaga ng sikat na newspaper ng Pilipinas.

“CEO OF LOYOLA CORPORATION IS FOUND DEAD AT HIS MANSION IN BGC.”

Sa sobrang shock ko ay nabitawan ko ang hawak kong phone.

Ilang minuto din akong naka pause sa kinatatayuan ko hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko.

Madaming pumasok sa isip ko lalo na ang divorce namin na next month na ako mag fifile.

Nagbasa basa pa ako sa article at sinasabing hindi pa nakikita ang pumatay kay Felix wala siyang kasama ng mamatay siya sa bahay niya. So, saan ang kabit niya nag punta?

Tunog ng phone ko ang narinig ko na kasalukuyan kong hinahanap at nasa ilalim lang pala ng sofa ko.

“Hello? Ito po ba si Mrs. Shaye Wisteria Mercedes-Loyala?”

Tinignan ko muna ang phone ko kung sino kausap ko pero unregistered naman kaya binalik ko na sa tenga ko baka may sinasabi na sa akin.

“Yes. I'm Mrs. Loyola.”

Sayang mag fifile pa naman na sana ako ng divorce at mag hahanap ng family lawyer.

“Mrs. Loyola iniimbitahan ka namin sa company building  para sa mga kailangan mong tanggapin mula sa asawa mo na si sir Felix.”

Nasa Osaka, Japan ako paano ako makakapunta ng basta basta may trabaho din ako na kailangan asikasuhin.

“Nasa Osaka, Japan kasi ako ngayon kaya siguro mga 2nd week of July ako makaka uwi may mga aayusin din ako sa trabaho ko.”

Alam ng pamilya ni Felix na hindi na maayos ang relasyon namin. Alam na din nila na nag commit ng adultery ang anak nilang si Felix at naiintindihan nila na hindi na ako babalik pa kay Felix. Wala na din kaming anak na aalalahanin pa kaya nagpa kalayo kayo na ako sa anak nila pinili lang din ni Felix si Isla kaya wala na akong magagawa pa.

“Okay Mrs. Loyola naiintindahan po namin. Ipapaalam nalang po namin sa magulang ni Mr. Felix Loyala and by the way this is Ronan his secretary Mrs. Loyola sinabi po sa akin ng mother ni Felix si ma'am Giulia. Sige po.”

ONESELFCompleted✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon