CHAPTER ELEVEN: LETTING GO

26 0 0
                                    

(Jhalela's P.O.V)

--Nasa kwarto nakahiga sa bed--

Hay, at last week end na, ano kaya magandang gawin bukas? Alam ko na punta na lang ako kena Nikz. Maetext nga.

To: Besh Nikz

Hi besh ^__^ mityow na talaga, hmmmp...masyado ka nang sinosolo ni Alwin hah. Baka magka developan kayo niyan, hehehe joke lang. Uy punta ako diyan bukas sa house niyo movie marathon tayo.

(Message sent)

--after 5 seconds--

*Kriiiing, kriiiing*

From: Besh Nikz

Hello besh ko, mityow na rin huhuhu miss na kita talaga. Di na ako nakakasama sa inyo. Hmmmp, di lang develop besh nagka envelopan na nga kami eh...hahahaha di joke lang. Sorry talaga besh gustuhon ko man mag movie marathon di pwede, alam mo naman na this monday na acquaintance party natin diba? Buti na nga lang na move yung date para naman makapag ready kami. Next time na lanf besh hope you understand. :(

Ay oo nga pala no this monday na pala yun, sayang gusto ko pa naman mag movie marathon. Pero ok lang marami pa namang next time.

--Matutulog na sana si Jhalela nang may bigla siyang naalala--

"Grrrrrrrrrh!!! Kainis talaga yung Joshua na yun at talagang iniinis pa ako. Sana naman di nila iniisip ang iniisip ko. Halata kaya nila? Pano pag alam na nila na ninakawan talaga ako ng halik ni Joshua? Naku wag naman sana baka magalit siRyan at awayin si Joshua ayuko mangyari yun baka magkasakitan sila.(naku erase, erase...! Bat ko ba naiisip yun?) Hindi, wala naman sigurong nakahalata nun na pinapatamaan ko si Joshua at tsaka malabong magselos si Ryan kasi alam kong biro biro lang yung pinagsasabi ni Ryan sa akin. Tsk, di naman ako yung type na eh, noon pa man alam kong si Nikz na talaga type niya. Pero teka, bakit nga ba nag walk out si Joshua nun? Talaga bang nagselos siya sa sinabi ni Ryan? Haaaaaay, ewan sumasakit ulo ko sa kaiisip. Makatulog na nga lang!"Jhalela

(Drake's P.O.V)

--Nasa bedroom naka higa--

Ba't kaya wala pa si Alwin? Tsk, siguro ang saya ng mokong na yun. Solong solo ba naman si Nikz, ganun ba talaga sila pag magkasama? Eh daig pa nila ang magsyota sa kasweetan eh. Pwede naman siguro nilang gawin yung activity na hindi nagkukulitan, nagkikilitian. Tsaka kung maka akbay si Alwin kay Nikz parang wala nang planong bitawan. Ano naman yun? Dumada moves lang? Hahaha, parang ewan. Sa totoo lang di sila bagay ni Nikz tsaka hindi katulad niya ang gusto ni Nikz! (Dahil sa inis ni Drake ay napasigaw siya) "Haaaaaaay! Ewan, bahala sila eh ano naman kung ganun sila ka sweet?"

--Di niya namalayang dumating na pala si Alwin at pumasok sa bedroom--

"Oh Drake, anong nangyari? Ba't ka sumisigaw mag isa diyan?"Alwin

"Ano ba bro, di ka naman kumakatok eh, knock first before you enter."Drake

"Wow ha, at ikaw pa talaga nagsabi nun. Baka nakalimutan mong kwarto ko to at nakikitira ka lang pansamatala sa pamamahay ko."Alwin

"Anong pamamahay mo? Pamamahay ni tita ka mo. Nagbibiro lang ako."Drake

"Oh, ba't parang di maipinta yang mukha mo, anong problema? Nag away ba kayo ni Diane?"Alwin (readers, remember Diane? Siya yung present girlfriend ni Drake)

"Hindi no, ba't naman kami mag aaway?"Drake

"Akala ko lang kasi may pinagseselosan ka, kasi nga narinig kitang sumisigaw."Alwin

"Ah, yun ba. O-oo nagseselos nga ako, selos na selos. Kasi nga yung babaeng mahal ko parati kong nakikita na sweet na sweet sila nung kaibigan niya."Drake

the heart breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon