Chapter 14: Still it hurts

34 0 0
                                    

--At Mitch's school--

(Nichole's P.O.V)

Naisipan kong sunduin na lang si Mitch gusto ko ring mapag isa ngayon, nakakainis kasi silang lahat pati si Jhalela kinukulit ako about sa kiss na yun. Si Alwin naman ayuko siyang makaharap, pano ba naman nahihiya ako sa kanya. Hay ewan! Bat ba ang malas ng araw ko ngayon.

---Mag eemote pa sana siya kaso biglang dumating si Mitch---

"Hoy! Ate." Mitch

"Ay kabayo! (Napalundag si Nikz)ano ka ba naman Mitch. Wag mo ng ako gulatin, kita mong stress ako ngayon eh." Nikz

"Eh pano ba naman parang ang lalim ng iniisip mo. Lutang na lutang utak mo eh kanina pa ako tawag ng tawag sayo di mo man lang ako naririnig." Mitch

"Oh edi sorry, sadyang bingi lang ang ate mo eh." Nikz

"Ok lang kahit bingi bawing bawi naman sa sobrang ganda mo(sabay cross finger)." Mitch

"Uy, uy nakita ko yun hah, bat may cross finger pa akala ko ba maganda ako." Nikz

"Oo nga maganda ka pero mas maganda kasi ako sayo." Mitch

"Oo na sige na ikaw na maganda." Nikz

"Hahahaha, buti naman at tanggap mo para wala nang away. I love you ate (sabay yakap kay Nikz at hinalik halikan sa pisngi) mwuaah, mwuaah." Mitch

"Oo na sige na, tama na yan. Pinagtitinginan na tayo oh..ang tanda mo na isip bata ka pa rin. Alam ko na yang style mo na ganyan eh, gusto mo lang magpa libre ng pasahe kaya ka naglalambing sakin. Sige na libre na kita." Nikz

"Talaga? Yehey..! Thanks ate ^__^" Mitch

"Welcome. Dali na punta na tayo sakayan." Nikz

--Habang naglalakad papuntang sakayan ay patuloy parin ang kanilang kwentohan. Actually may sasakyan talaga sila pero mas gusto kasi nilang dalawa na nag co-commute kasi ayaw nilang maging dependent sa parents nila na pati pagpunta sa school ay di pa nila magawa kaya mas pinili nila na mag commute pero paminsan minsan ay nagpapahatid din sila pag kinakailangan.--

"Asan pala si Alwin ate?" Mitch

"H-huh? Si Alwin? Bat mo naman natanong?" Hay naku pati ba naman siya hinahanap si Alwin, eh kaya nga sumabay ako sa kanya ngayon para mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

"Wala lang nasanay lang kasi ako na parati kayong magkasama pauwi. Diba nga ngayon mo lang ako sinundo sa school kaya nga nagtaka ako kanina nang magtext ka na susunduin mo ko ngayon. Kaya nga di nalang ako sumasabay sa inyo pauwi kasi parati akong OP sa inyo." Simangot na sabi ni Mitch

Hay eto talaga kapatid ko kahit kelan napaka tampuhin" At ano naman yang pagdadrama mo aber? Tampo agad?" Nikz

"Di ah, nagtaka lang kasi ako." Mitch

"Naku busy lang yun kaya naisipan ko wag na lang sumabay sa kanya baka kasi mastorbo ko pa. Halika na sakay na tayo." Nikz

---Pagdating sa bahay---

"Hi ma we're home." Mitch

"Hello mga anak. Oh himala ata at sabay kayo umuwi ngayon"(sabay mano nina Nikz at Mitch) Mother

"Ewan ko jan kay ate, bigla na lang nagtext sabay na lang daw kami umuwi. Ma where's papa?" Mitch

"Oh your dad, ayun may urgent meeting daw kaya umalis na lang bigla ni hindi nga nakapag paalam sakin eh." Mother

the heart breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon