CHAPTER 8: ACCEPTANCE

28 1 0
                                    

( NICHOLE'S P.O.V )

(Nasa room nag aantay kena Mischel and Jhalela )

Grabe napag iwanan na ako ng dalawang to ah, buti pa sila parating magkasama. Tsk!! Nakakastress naman kasi tong pagiging SSC officer pero ginusto ko to eh kaya panindigan ko na lang. Tapos na nga yung plan namin sa project ng SSC this year pero magiging busy na naman ulit kasi ilang araw na lang acquaintance na. After that Intramurals na naman. Hahay maha handle ko pa kaya to? ( Naputol pag eemote ko kasi dumating sina Alwin at si Drake )

" Wala pa prof bham?" Alwin ( Agad na umupo sina Drake at Alwin)

"Wala pa rin eh." Nikz

" Oh bat ganyan mukha mo? May problema ba?" Alwin

" Wala naman, ba't kaw lang mag isa? San na mga barkada mo?" Nikz

"Papunta na sila dito kasama sina Mischel at Jhalela." Alwin

" Nakakatampo tong si besh si Mischel na lang parating kasama." Nikz

" Hahaha wag ka na magtampo andito naman ako eh." Alwin

" At humirit ka pa talaga, teka bat di ata kayo nagkasabay ni Drake ngayon? Diba sabay kayong pumupunta dito sa school?" Nikz

" Si Drake? Ayun sumabay kena Joshua papunta na sila dito kasama sina Jhalela at Mischel. Naaalibadbaran na ako sa pagmumukha nun, sa bahay mukha niya nakikita ko hanggang sa school ba naman siya pa rin."

" Di pa rin ba dumating parents niya?" Nikz

'' Di pa nga eh, naextend kasi ng 1 week business trip nila. Ayun parati na naman akong inaasar ni Drake para talagang bata. Ewan ko ba sa kanya meron namang sariling bahay pero nakikitira lang eh mas malaki pa nga yung bahay nila kesa sa amin eh." Alwin

"Yaan mo na alam mo namang gudto niya lang makipag kulitan. Siya lang kasi mag isa kaya ganyan na lang kakulit kapag may kasama"Nikz

" Kaya nga hinahayaan ko na lang naiintindihan ko naman siya. Uy bham hah napapansin ko panay ang tanong mo about kay Drake. Interesado ka ulit sakanya?'' Alwin

" uy hindi ah, nagtatanong lang po."

( Naputol pag uusap nila nang dumating ang magbarkada )

"Uy besh kanina ka pa?" Jhalela

" Oo bat ba antagal niyo?" ( Napatingin ako kay Drake parang malungkot mukha niya. May problema ba siya? )

"Uy andyan na si Prof.!!!" ( sigaw ni Ian )

( agad na umupo ang lahat )

"Good morning class." Prof

" Good morning sir ." Students

" Sorry class I'm late nagkaroon lang kasi ng urgent meeting about acquaintance party. Because nagkaroon ng problems sa schedules natin imbes na next week pa gaganapin ang acquaintance we moved it, so this coming friday na lang gaganapin. So we encourage the SSC officers na padaliin yung preparations, for sure magiging busy mga SSC officers. I think the SSC president was aware already about this, right Ms. Nichole?" Prof

" Yes sir." Nikz

"Ok so goodluck to the Officers." Prof

" Thank you sir." Nikz

( After class pinatawag sina Alwin at Nikz para sa agenda ng kanilang meeting )

" Kainis naman eh di na naman natin makakabonding si Besh neto." Jhalela

" Oo nga eh gusto ko na talaga siya maka bonding." Mischel

" San na punta natin ngayon?" Jhalela

" San nga ba? Ahaaaaaa! Sa garden na lang tapos ituloy mo yung love story nila. Ikwento mo sakin di mo pa kasi kinwento lahat eh naputol kasi usapan natin nun remember??" Mischel

"Oo nga no, halika dun na lang tayo para di rin tayo maboring sakaiintay kay besh."

(DRAKE'S P.O.V )

Haaaay naku, nakakawalang gana naman ang araw na to, di namin kasama si Alwin kaya wala akong makukulit.

"Bro san punta natin ngayon? Gimik na lang tayo, sarap gumimik eh." Joshua

"Tumahimik ka nga! Gimik ka diyan buti pa umuwi ka na lang ng maaga ng di ka mapagalitan ni tita."Drake

" Woooh! kung makapag sermon daig pa si Alwin, nawala lang siya saglit ikaw na naman tong nanenermon. Ang KJ mo naman Drake minsan lang naman to eh. Sino gusto gumimik?" Joshua

" Pass muna ako diyan, tinatamad ako eh." Ryan

" Naku pass din ako kakasermon lang ni mommy sakin eh, palamig muna ako." Kent

"Di rin ako pwede may pinapabili kasi si bunso eh next time na lang." Ian

" Naku naman, sarap sanang gumimik eh." Joshua

" Sige mauna na kami." ( sabay na umalis sina Ian, Kent at Ryan )

" Oh bro san punta mo ngayon? Gimik tayong dalawa.'' Joshua

" Pass din ako pupuntahan ko pa girlfriend ko baka magwala yun pag di ko pinuntahan tsaka sabay na rin kami ni Drake uuwi." Drake

" Alin dun yung pupuntahan mo? Yung isa o yung si Diane na napaka possessive? Hahaha grabe tindi mo talaga Drake halos 2 months ka pa lang dito pero nakaka 3 girfriends ka na. Alam mo kung ako sayo seryosohin mo na lang si Diane baka may pag asa pang bumalik ka sa dating Drake na nakilala ko. Mas gusto ko yun eh, sige bro una na ako." Joshua

"Sige mag ingat ka.( Mas gusto niya ang dating ako? Wala namang nagbago sakin ah, ay ewan ko ba kay Joshua. Makapunta na nga lang sa Gym )

( Nang patungo si Drake sa Gym nasulyapan niya sina Nikz at Alwin sa SSC room na nagtatawanan at sweet sa isa't isa. )

Tang ina lang pre0_______0!!!!!! Andyan na naman yung mga lintik na karayom! >___< Tinutusok tusok na naman yung dibdib ko at ang malala pa mas dumami pa sila. Pwede ba lubayan niyo na puso ko! Lintik na karayom kayo!! >_______< Ganyan ba talaga sila pag sila magkasama ? Sweet sa isat isa? Tang ina lang! Yang mga ngiting yan, yang mga ngiti ni Nikz, sobrang namiss ko. Yung mga tawa niya, yung lambing niya, yung kakulitan niya lahat namiss ko sa kanya. Siguro naghilom na yung sugat sa puso niya, siguro nalimutan na niya yung pinagsamahan namin. Kung sa bagay, sino ba namang tao ang gustong alalahanin ang mga masasakit na alala. Ang tanga ko talaga, bat ko ba siya nasaktan ng husto. Mahal ko siya eh dapat di ko siya sinaktan, di sana siya nawala sakin. Ang saya niya pag si Alwin kasama niya, gusto ko siyang hablutin para kami na lang yung magkasama ngayon pero di ko magawa wala akong karapatang gawin yun. Grabe di ko na kayang mga nakikita ko, mas lalo lang akong nasasaktan. T______T

( Tumalikod na si Drake at nagpatuloy sa paglalakad papuntang Gym )

" Grabe asan na ba si Diane bat wala pa siya dito? Maitext na nga lang." Drake

To Diane:099943*****

San ka na? Andito na ko sa gym.

( message sent )

( habang nag iintay napag isip isip niya yung sinabi ni Alwin sa kanya )

Dapat bang sundin ko na lang payo ni Alwin? Dapat bang magseryoso na lang ako kay Diane? Siguro sa mga nakita ko kanina mas mabuti na sigurong kalimutan ko na lang si Nikz at huwag nang umasang babalik sa dati ang lahat. Masaya na si Nikz at sa tingin ko naka move on na talaga siya. Ayukong sirain ulit yung kasiyahan niya. Panahon na siguro na magseryoso ako ulit, mahal ako ni Diane, kaya susubukan ko na seryosohin siya. Pero di ko siya mahal eh, bahala na siguro naman matututunan ko rin siyang mahalin. Bahala na susundin ko na lang advice ni Alwin. Tama din si Joshua maski ako nga gusto ko rin yung dating ako. Ayuko na ring manakit ng damdamin ng babae. Panahon na siguro na magseryoso ako. Wala na rin kaming pag asa ni Nikz na magkabalikan. Di man sabihin ni Nikz nararamdaman kong may gusto siya kay Alwin. Masakit mang isipin pero kelangan kong tanggapin na di na ako ang mahal ni Nikz.

the heart breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon