Chapter 17: The Past

19 0 0
                                    

"So tell us what happened? Why they broke up? Akala ko ba matibay relasyon nila." Usyoso ni Ian na kumakain ng popcorn

"Gaya nga ng sabi ko diba, dahil nga sa katarantadohan ni Drake." Alwin

"Yeah we knew that. Because of his stupidity but what I'm tryin' to say is all the DETAILS, details yung hinihingi ko as in all the details para naman aware kami about their past." Sambit ni Ian

---Pumunta sina Ian, Kent, Ryan at Joshua sa bahay nina Alwin dahil nag aya silang maglaro ng basketball. Hindi sumama si Drake dahil tinatamad daw siya maglaro. Pagkatapos maglaro ay bumalik na sila sa bahay nina Alwin para mag meryenda.---

"Simulan mo na kasi nang sa ganun eh hindi na magtanong tong mga to. Sumasakit na rin kasi tenga ko sa paulit ulit nilang tanong. Ewan ko ba sa mga to kung bakit naiintriga sa nakaraan nina Drake daig pa mga babae eh." Singit naman ni Joshua

"Oo na sisimulan ko na, yun na nga pagkatapos sinagot ni Nikz si Drake hindi niya muna pinaalam kay Tita (Mommy ni Nikz) kasi alam nila pareho na magagalit si Tita dahil sinuway siya ni Nikz." Paliwanag ni Alwin

"Inamin din ba nila agad yung relasyon nila?" Singit ni Ryan na kinuha ang bowl ng popcorn at sinulong kinain habang nakaharap kay Alwin

"Naku, yun na nga kasi tumagal ng halos 7 months yung paglilihim nila kay Tita." Joshua

" ibig sabihin halos 7 months na ring sila?"Tanong ni Ryan na halatang medyo gulat sa sinabi ni Joshua

"Eh ano pa nga ba, at sa mga panahong yun halos hindi na sila mapag hiwalay. Hatid sundo niya si Nikz sa paaralan tapos uuwi lang saglit si Drake sa kanila tapos babalik na naman sa bahay nina Nikz. At hindi lang yun dinadalhan niya rin ng pasalubong si tita at araw araw din binibigyan niya ng bulaklak sina Nikz at Tita." Sambit ni Joshua na halos hiningal sa pagsasalita.

"Ang tindi rin naman pala ni Drake kung mainlove bigay todo talaga." Manghang sagot ni Ian

"Hindi man lang ba napansin ng mommy ni Nikz na may relasyon na pala silang dal'wa?" Pagtataka ni Kent

" Yun na nga, di nagtagal nalaman rin ni Tita." Alwin

"Eh pano ba naman hindi, extra sweet sila sa isa't isa pati siguro tubig dagat lalanggamin sa kasweetan nilang dal'wa eh ( sumubo ng popcorn ) tsaka feeling nila sila lang yung nabubuhay sa mundong 'to nakalimutan na ngang may kaibigan pa pala sila eh. Pati kami ni Alwin halos hindi na napagtotoonan ng pansin ni Drake at pati na rin si Jhalela nakalimutan na ni Nikz. Halos ilang linggo din silang hindi nagpansinan nun dahil sa sobrang tampo ni Jhal sa kanya." Joshua

"Alam niyo naaawa ako sa mommy ni Nikz, akalain niyo yun nagawa siyang paglilihiman at suwayin ng pinagkakatiwalaan niyang anak. Iba talaga pag tinamaan ka ng pag ibig talagang makakagawa ka ng mga bagay na akala mo hindi mo magagawa." Kent

"Nagi-guilty nga kami nung time na yun kasi kahit na alam namin nina Jhal at Joshua yung relasyon nila mas pinili naming wag sabihin kay Tita. Ayaw rin kasi namin na pangunahan silang dal'wa mahirap na baka umabot pa sa gulo." Paliwanag ni Alwin

"So anong reaksyon ng mommy niya nang malaman niya yung relasyon nina Drake." Curios na tanong ni Ian

"Syempre, di makapaniwala na nagawa siyang suwayin ni Nikz kaya disappointed mommy niya sa kanya. Matapos daw siyang payagan na papuntahin araw araw si Drake sa kanila at payagan hatid sundo siya sa paaralan yun lang igaganti niya ang suwayin siya. Buti lang daw sana kung sinabi nila ng mas maaga eh mas pinatagal lang nila kaya mula nun pinagbawalan na silang magkita. Bantay sarado na rin si Nikz sa paaralan kaya halos hindi na sila nag uusap. Dalawang buwan din silang walang komunikasyon sa isa't isa." Sambit ni Joshua na pagkatapos mag salita ay uminom ng juice

the heart breakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon