Chapter 3: Traitor
"W-what?"
I heard his words clearly, yet I couldn't understand. Sa katunayan ay patuloy iyong nagpapaulit-ulit sa utak ko, pero ang hindi ko maintindihan ay ang biglang pagpilipit ng dila niya gaya ng sa lalaking naka-shades na nakilala ko.
"What is wrong with you? Ano ang mapapala mo sa akin?"
He shrugged his shoulders again, "I told you. I am bored."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bored? You are willing to risk your free life by marrying someone you don't even love just because you're damn bored? Are you insane?"
He chuckled. "I am just kidding. Good night, Miss Sarmiento. Again, please lock the door. Hindi ko na gustong may biglang papasok sa mansyon ko."
Hindi na nasundan pa ang usapan namin dahil umakyat na siya sa hagdan at iniwan niya na ako mag-isa roon na hindi man lang lumilingon muli sa akin.
Napatulala na lang ako sa dinaanan niyang hagdan. Ganoon na lang?
After all those chaotic happenings between us? Didn't he just tie me because he assumed that I was stealing something in this huge house? Is he really normal? Hindi ba dapat ay palayasin na niya ako rito?
Tumingin ako sa pinto. Should I just go? Hindi ba't iyon naman dapat ang gagawin ko ngayong nalaman ko na may tao pala rito? To spend the night inside the house of a total stranger is pure stupidity. Ano ang panghahawakan ko na wala siyang gagawing masama sa akin sa sandaling nakatulog na ako? What if he locked me inside the room I picked? There were lots of possibilities.
I shook my head and started walking towards the door, but when I was halfway there, I stopped.
I cupped my face frustratingly. Ngunit hindi ba at higit na delikado kung lalabas pa ako at magpapalaboy-laboy sa labas sa ganitong oras? Lalo na at dayuhan lamang ako sa probinsiyang ito.
Labag man sa kalooban ko ay pumili na ako ng kuwarto sa ibaba. Pero bago ako pumasok doon ay dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng bagay na puwedeng maging proteksyon ko. I looked for a knife, but I didn't find any. Isang bagay lang ang pinagpilian ko, iyon ay ang kawali na siyang hawak niya kanina.
Saglit ko iyong tinitigan nang nakangawi. Should I wash it first?
Umiling na lang akong muli bago pumili ng kuwarto. Ang mahalaga ay may gamit ako na maaaring panlaban sa kanya.
Kahit alam ko na may susi naman siya, ini-lock ko pa rin ang pinto. Nang makakita ako ng lamesa ay itinulak ko pa iyon sa harap ng pinto para kung sakaling pumasok siya nang natutulog ako ay marinig ko ang ingay ng lamesa.
My hands were at my waist and I looked proudly at the table. "Okay na siguro 'to!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumalon na ako sa kama upang magpahinga. At nang sandaling lumapat na ang likuran ko roon, mas naramdaman ko ang aking matinding pagod. Sobrang parusa itong nangyayari sa akin dahil lamang sa kasakiman ng Gothellang iyon!
Habang nag-iisip ako ng mga bagay na dapat kong gawin sa pagsapit ng umaga, hindi ko namalayan ang tuluyang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.
***
My initial plan was to wake up early at dawn and leave this mansion without my traces. Lalo na't hindi ko na gustong magkaroon pa kami ng engkwentro ng lalaking iyon, pero talagang bumigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Kaya marahas na akong napabalikwas sa kama nang nagising ako kinabukasan.
Halos sabunutan ko na rin ang sarili ko sa tindi nang pagkainis. Mabilis kong hinanap iyong bag ko at ang mga gamit ko para ayusin ang aking sarili. I sighed in relief when I found a bathroom inside the room. Bago ako tuluyang maghubad ay ilang beses pa akong lumingon sa paligid para makita kung may mga nakatagong camera.
BINABASA MO ANG
The Prince Who Caught My Tangled Heart (Prince Series 5)
Roman pour AdolescentsIn the fairy tale, there is always a handsome prince clad with his sword that will save you from the evil. He will sweep you off your feet with his mesmerizing eyes and warmest smile, but what happened to my prince? Armored with a frying pan, tied m...