Naniniwala ka ba sa love? Ako kasi parang di na. mahabang kwento kasi kung ipapaliwanag ko pa kung bakit.
Hi I’m Cel, Axcel Dreano full name ko, 18 year old, 5’7” ang tangkad, kayumangi, di gaanong matangos ang ilong, mejo singkit, asset ko daw lips ko, di ako sure.
Ako yung tipong di mahilig sa outdoor games kaya medyo lampa. Di rin ako mahilig magbasa o magsulat. May mp3 player lang ako at headset libang na ko. Sobrang addict ko sa mga love song o kaya mga instrumental lang or acoustic, nakakarelax kasi.
Girlfriend! Ahm marami akong crush. Kaso nga lang kapag ishini-share ko sa mga kabarkada ko tungkol sa crush ko, yung characteristic nila, eh mas nauuna pa saking pumorma. Meron kasi akong parang instinct, yung parang kaya mong kilatisin ang isang tao without actually knowing her. I just observe lang from a distance, then I can guess what is she. Basta ganun. Basta for me first impression last.
Now playing: Sunday Morning by Maroon 5. Pero myerkules pa lang hahaha. Nandito ko sa may sala namin tamang higa at nood ng tv kahit di ko naiintindihan kasi naka-headset ako. Lakas din ng trip ko no?
“Cel. Cel!” si Ron “Hoy anu na? kanina pa ko sa bahay naghihintay” sabay hampas sakin ng throwing pillow.
“Oi Ron kanina ka pa?” medyo nagulat ako.
“Pumunta ako dito kasi alam ko limot mo nanaman na may gagawin tayo” medyo seryoso ang mukha nya.
“ay oo nga pala” bigla kong naalala “teka bihis lang ako.”
“Huwag na dito na lang tayo gumawa” medyo wala pa ring emosyon sa pagsabi nya.
Hanggang nakahalata ako “okay ka lang ba?”
Ngumiti lang sya ng konti.
“Si Grace yan no?” hula ko.
“Di ko kasi sya maintindihan” sabi nya na mas malungkot kesa kanina.
Inakbayan ko na lang sya habang tapik ang balikat. Ganito kami pag may problema. May time na parehas lang nakayuko tapos parang nile-let go namin ang problema ng sabay habang walang imik ang isa’t isa. Tapos biglang tatawa ng mahina tapos okay na. at ganun nga ang nangyari.
“Ang drama mo nanaman” sabi ko sa kanya “tama na yan gawa na tayo ng project para malibang tayo ng konte”
“Sige” medyo nakangiti na ang loko loko.
Si Ron nga pala. Bestfriend slash barkada ko kalaro ko ng Dota, ka jam pag nagi-gitara, este gitarista ko, hahahaha. Magaling kasi sya mag-gitara, ako frustrated lang. teka besfriend ko lang sya dito sa kwento ha. Baka kung ano isipin nyo. Di po ito bromance hahahahah.
5’8” sya, kayumangi din, malakas ang appeal sa babae kaso nga lang OA ma-inlove. Asset nya yung mga mata nya. At syempre mas nai-inlove ang mga babae pag tumugtog na sya ng gitara. Idol ko nga sya eh.
“Ano gusto mo snack?” tanong ko sa kanya.
“huwag na kakakain ko lang sa bahay” sagot nya.
“Oh sige teka kunin ko lang lang yung laptop ko tapos yung printer para dito na tayo sa sala gumawa” sabi ko sa kanya.
“sige” maiksing sagot nya. Nako mukhang wala talaga sa mood ang loko. Kawawang nilalang buti na lang ako di pa ko nababaliw sa pag-ibig tulad ng nya. At sana huwag naman.
Natapos namin yung project, siguro mga 4 hours din. Sa totoo lang magpi-print lang naman kami at mage-edit ng konti dun sa project namin. Yung iba kasi ng oras naubos sa kain at gitara, nagdala kasi sya ng gitara. Loko na yun kumain na daw gutom pero naubos yung snack na prepare ko.
BINABASA MO ANG
First Time (part 1)
RomanceIsang storya ng isang lalaki na mai-inlove sa isang stranger girl came from no where. Ano kaya ang mangyayari at magbabago sa buhay ni Axcel Dreano? Sino ang babaeng babago sa ikot ng mundo at buhay nya?