Part 3

57 2 0
                                    

Love is freedom…

Once your love puts you into a cage it is not love. It is selfishness”

 

 

Part 3

Friday morning. Parang katulad lang kahapon. Ang sakit ng katawan ko pagbangon.  Kasalanan to ni Alex. Si Alex. Magkikita pa kaya kami? Naglalaban ang utak ko. Gusto ko sya Makita pero masama ang loob ko sa kanya. Nawala ang antok ko pero humiga ako uli. Gusto kong alalahanin yung magagandang nangyari saken kahapon habang kasama sya.

Pag higa ko uli ay may nakapa akong kakaibang tela sa may uluhan ko. Isang panyo na kulay puti. May nakaburda sa gilid. “A&A” di akin toh. Baka kay Alex toh. Nabuhayan lalo ako dahil may dahilan na ko para Makita uli sya. Ano ba sasabihin ko pag bigay ko nito sa kanya?

Okay practice:

“Alex, nandito ako para ibigay sayo tong panyo mo” medyo pa good boy.

Parang di ko trip yun. Teka ganito kaya.

“Alex, oh yung panyo mo. Huwag ka nang magpapakita sakin simula sa araw na to” kunyare cold.

Pero parang ang mean naman yata. Eto kaya.

“hey Alex. I knew you like me from the very start. But I don’t like you. So let’s just be friends. Here’s your handkerchief” cool lang konyare.

Parang ang yabang ko naman yata pag ganun.  Okay eto na totoo na to.

Pumikit ako. Inisip ko na kaharap ko talaga sya. Eto na yun.

“Alex thanks for everything. Salamat kasi kahit dalawang araw pa lang tayo magkakakilala eh marami na tayong memory. Sa totoo lang gusto kitang maging kaibigan. Pero parang higit pa ron ang pagka gusto ko sayo. Kaso nga lang sablay talaga tayo. A-alex sa tingin ko mahal na nga kita eh. Di ako marunong ma-inlove pero nang nakilala kita parang alam ko na ang feeling ng isang umiibig. Can I kiss you before you go?” sobrang O.A, na nang imagination ko.

Habang nakapikit ako ay nakikita ko nang malinaw ang mukha nya na mala anghel na unti-unting papalapit sa akin at tila ba hahalikan nya ako. Linapit ko ang aking mga labi sa kanyang mga labi upang madama ang init ng kanyang halik….

“HUY! Anong ginagawa mo?” si papa na nakasilip mula sa pinto ng kwarto ko.

Ako naman ay nakahaba ang nguso. Di ko alam ang gagawin kong reactrion kaya kinagat ko na lang yung labi ko.

“Hoy Cel gising ka na ba?” tanong ni papa na nagtataka sa ginagawi ko.

Tumango lang ako. Nahihiya ako sa pinag gagawa ko. Bakit kasi di sya kumatok bago sumilip sa loob ng kwarto.

“Sya nga pala sasabihin ko lang sayo na yung ulam nasa ref. Initin mo na lang ha?” bilin ni papa “papasok na ko sa trabaho. Sara mo ang bahay pag-alis mo”

“Okay po” tugon ko kay papa.

Pagkatapos ng usap namin ni papa ay umalis na sya. Nawala yung diskarte ko kung paano ko kakausapin si Alex mamaya. Ah basta bahala na.

(phone ring)

May tumatagawag. Unregistered number. Sino kaya to?

“Hello?” sabi ko pagka accept nang call.

“Can we talk?” sabi ng nasa kabilang linya.

Kilala ko yung boses na to. Si Alex. Medyo natuwa ako kasi tumawag sya.

First Time (part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon