Part 4

49 2 0
                                    

“There is no right person…

                                                Comes at the wrong time.”

 

 

Part 4

Saturday morning has arrived. I woke up at right side of my bed. Kung ikukumpara mo sa dalawang umagang nakaraan ay ang laki ng pagkakaiba. Kung noon ay halus di ako makagulapay sa sakit ng katawan ko pagkagising ngayon eh parang fresh ns fresh ako. Except sa hininga ko. Kinuha ko yung cell phone. Chi-neck ko kung may nag text o nag-miss call. Kaso wala. Wala man lang kahit isang nakaalala na batiin ako ng magandang umaga. Pero sa totoo lang ay hindi ako mahilig mag text at textmate-textmate na yan. At sobrang dalang kong mag-load. Siguro kung may kailangan lang akong itanong sa classmate ko o kaya kung tatanungin ko si mama kung kelan magpapadala. Kadalasan si mama ang tumatawag sakin eh. Ganun din si kuya. Sa totoo lang naman eh nagbabaka sakali ako na baka may ma-receive akong text galing kay Alex. Assuming lang ba ng konte.

“Anak gising ka na ba” si papa habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko “gising na. di ba sabado ngayon? Maaga pasok mo.”

Aba himala! Si papa kumakatok na ng pintuan ko para manggising. Noon naman eh dere-deretso sya dito sa loob ng kwarto ko kapag di naka-lock yung pinto. Baka siguro dahil dun sa nakita nya kahapon.

“Opo gising na po ako” sagot ko “susunod na po ako dyan.”

“ah sige. Bilisan mo na at baka ma-late ka” sabi uli ni papa.

Inayos ko yung papag ko. Tiniklop ko yung kumot at pinatong sa unan. Grabe parang full charge ako ngayon kahit medyo late na ko natulog kasi nag-review pa ako para sa exam ngayon.

Pag labas ko ng kwarto ay binati ko si papa. Naku may bisita pala si papa. Babae – di ko makita ang mukha nya kasi nakatalikod. Sinu kaya to? Ang aga naman nang pangangapit bahay nito.

“Good moring po pa” bati ko kay papa “sino papa yang bisita mo?”

Sino kaya tong babae na toh? Ang aga-aga ay nakapormahan. Naka pambabae sya na polo na tinernohan ng fitted na maong at flat na close shoes. Baka costumer ni papa sa shop nya.

Lumingon yung babae. Pag lingon nya ay halos madulas ako sa kinatatayuan ko.

“A-a-a-alex! Bat ka nandito?” tanung ko na gulat na gulat.

“oh nak, upo na dito.” Aya ni papa “pumunta sya dito ng maaga para sabay na daw kayo pagpasok sa skwela.”

Papasok? Skwela? Di naman yan dito nag-aaral eh. Gusto ko sana sabihin kay papa kaso nakatingin ng masama si Alex. Parang nambabanta. Pero kahit salubong ang kilay  nyaay kitang-kita pa rin ang kagandahan nya. Hays bakit di pa kasi nahawa ang ugali nya sa mukha nya?

“ah hehehehe. Oo nga po. Sabay nga naman po kami papasok nito.” Sabi ko na natatakot sa parang papatay na mukha ni Alex “close kami nito ni Alex eh. Di ba Alex?”

Naku! Baka may pina-plano nanaman tong taong to sa akin. Di pwede. Ngayong examination day ay away-away muna. Ayoko ma-disappoint si papa at mama sa grades ko. Humanda ka Alex. Kung nung mga nakalipas na araw ay naisahan mo ko. Sinisigurado ako na di ka makakalusot ngayung araw.

Lumapit ako sa hapagkainan para maupo. Si papa naman ay bising-busy sa paghahain. May toka kasi kami ni papa sa pagluluto. Si papa sa umaga. Ako naman sa gabi. Tuwing tanghali ay ako lang ang kumakain sa bahay kasi si papa ay kumakain na lang sa may karinderya malapit sa pinagta-trabahonan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Time (part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon