“If rain drop falls from the sky every time I think of you…
Every day is rainy day…”
Part 2.
Di pa rin ako maka get over sa nangyari sakin kagabi. Ang dami kong na-encounter na bago sa buhay ko. Iyon na yata ang pinaka malaking kasinungalingang nagawa ko sa buhay ko. Di ko Gawain magsinungaling kay papa at kay mama. Kahit nga mga crush ko kilala nila. Pero mas ka-close ko si kuya, si kuya Alfie kaso nga lang ang daming gawa ngayon ni kuya sa school nya kasi graduating na sya next school year. Di ko sya matawagan, ayokong istorbohin sya.
Si kuya Alfie – Alfred Dreano, 20 year old, 5’10” ang height, maputi, gwapo sabi nila, at sobrang lakas ng charisma sa babae kaya naman sobrang babaero. Pero sabi nya nagbago na daw sya. Simula daw ng nakilala nya si ate Chandria ay nagbagong buhay na daw sya. Sa lahat ng bagay ay magkaibang-magkaiba kami ni kuya. Mahilig sya sa outdoor games tulad ng basketball at football. Mahilig din sya sa martial arts: judo, teakwando, karate, at iba pa. Kaya nang nagtapos sya nung high school eh ang dami-dami nyang awards at medal. At sya rin ang class valedictorian ng batch nila. Halos puno ang display cabinet namin ng medal, trophy, at kung anu-ano pang award nya sa pagiging active nya sa lahat ng activity sa school nung high school sya at hangang ngayong college. BS Civil Engineering ang course ni kuya. Full scholar sya sa UP. Kahit ako magsasabi na sobrang talino ng kuya ko. He is my idol. Sya ang tutor ko sa math at iba pang subject.
Kung ako naman ang tatanungin nyo tungkol sa activity ko nung high school. Bale masasabi ko lang na lagi ako sa school clinic noong high school ako. Not as volunteer but as patient. Kung di ako may sugat sa pagkadapa eh may bali ako sa paa, sa tuhod, o sa braso. Ewan ko ba? Bakit kasi ang lampa ko tapos di pa ko matalino. Kaya hindi ako pinag aral ng magulang ko sa malayo kasi baka kung mapano lang ako kasi malayo ako sa kanila. Pero di naman ako nagseselos kay kuya. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin at masaya ako dahil mahal nila ako at mahal na mahal ko naman sila.
Okay, so much for the #MMK na toh. Back to reality. Iniisip ko, pano kaya kung di ko tinulungan yung babae kagabi? Pano kung iniwan ko na lang sya sa madilim na eskinita na yun? Naku tyak may nangyari sa kanyang masama. Baka na-rape sya. Tapos na torture sya ng nang-rape sa kanya. Tapos pinatay sya at tinapon sa ilog. Buti na lang pala iniligtas ko sya…
“Hoy! Kanina ka pa parang zombie na naglalakad” basag ni Ron sa O.A. na imagination ko “di ka ba nakatulog kagabi?”
“Ah eh oo, malamok kasi kagabi” pagsisinungaling ko.
“Yung totoo” sabay akbay sakin ni bestfriend. Alam nya na nagsisinungaling ako.
“Tol may nangyari sakin kagabi” sabi ko na di alam kung paano sisimulan kwento.
“Huh? Anung nangyari sayo?” tanong nya sa akin.
Di kami naglilihim sa isa’t-isa ng mga best friend ko na sina Ron at Jane. Sanay kami na tinutulungan ang bawat isa kapag may problema.
Naglalakad kami ni Ron papunta sa bahay ng teacher namin nang nakita namin si Jane na papunta rin sa bahay ng teacher namin.
“Oi Ron, Cel! Magpapasa na din kayo ng project?” tanong ni Jane na isa sa mga matatalik kong kaibigan “tara sabay-sabay na tayo.”
Ngumiti lang ako ng konti para batiin sya at si Ron naman ay medyo nagkakamot ng ulo.
“Napano kayo?” nagtataka sa aming dalawa dahil para kaming walang energy ni Ron sa pagbati sa kanya.
“Eh si ito raw si Cel may problema, tinatanong ko nga kung ano yun” sagot ni Ron.
“Bakit anu ba yung problema mo Cel?” tanong ni Jane sakin.
BINABASA MO ANG
First Time (part 1)
RomanceIsang storya ng isang lalaki na mai-inlove sa isang stranger girl came from no where. Ano kaya ang mangyayari at magbabago sa buhay ni Axcel Dreano? Sino ang babaeng babago sa ikot ng mundo at buhay nya?