Prologue

5 0 0
                                    


Kakarating ko lang sa bahay at ako'y nagtataka bakit parang my bisita yata si mama. Pagkapasok ko linagay ko ang aking bag na
Hermès Kelly Rose Gold sa couch at dumeretso kaagad sa kusina.

"Ma, nandito na ako. Ano po ulam nation ngayon" sabi ko at dere deretso papunta kay mama na nagluluto ng ulam sa aming kusina sabay beso.

"Ay anak, mabuti naman at maaga ka ngayon umuwi. Teka lang nga, hindi mo pa yata napapansin ang ating bisita."  masayang sagot niya sa akin habang hinihila niya ako papunta sa dining namin."Si Jensen, bagong kapitbahay natin. Inimbitahan kong dito kumain kasi tinulungan niya ako janina sa panumuhat ng aking mga pinang grocery"

Agad naman akong lumingon, at ngumiti sa kaniya. " Ah, He-llo.!" hindi na ako nag abala ipakilala ang aking sarili at dali daling umakyat sa itaas at pumasok sa kwarto.

"Siya ba yunnn!? Alex?" tanong ko sa sarili ko na tila hindi makapaniwala. Pagbalik balik ako ng lakad, at nagtataka. Kung bakit sa kay rami-rami ng lugar dito pa siya bumili ng bahay. Pero bakit ba ako apektado?. Sino nga ba siya?..

Siya lang naman ang aking first love.

Siya lang naman ang rason kung ano ako ngayon.

"Bakit ba, ang bitter bitter mo sa kaniya! Wala naman siyang ginawa masama sa'yo o kay mama. At huwag kang mag overthink na nandito siya para sa'yo! Tangaa!" sigaw ko sa sarili ko habang nagbibihis ako ng aking pambahay. Nabubuang na yata ako sa kabubulyaw sa sarili ko na dapat hindi malaman ni mama at ni papa na kilala ko siya. Tiyak na lintek ako sa kanila kapag nalaman nila ang rason. Magpanggap na lang ako, na parang bago ko lang siya nakita. Oo, tama!

Nag headbang muna ako, bago lumabas sa kwarto ko. Alam nyu na pang palakas ng Confidence. Hahahahah.

Pagdating ko sa dining table namin, naka upo sa kabesa si papa, si mama naman sa right, tabi niya ang aking bunsong kapatid na si Catliya, sa harap an naman ni Catliya si Jensen at, taeng timing naman to oh, wala na akong choice kundi umupo sa left side ni papa na katabi ni Jensen.

Nag pray muna kami bago kumain at kumuha na ako ng kanin at stake.

" Jensen, ano nga ba ang iyong trabaho?" pag iintriga ni mama.

"Ako po ay isang, Aeronautical Engineer. May mga bussines din po ako katulad na lamang po ng mga hotel" magalang na sagot niya.

Infairness ha, ang layo na ng narrating niya bes. Kumain lamang ako at nag bingi bingian sa mga kwento nitong si Jensen at Mama.
Mabuti na lang at hindi ako tinanong ng kung ano ano ni mama, chismoso pa naman yun. Charot ahhaha. Pumasok na ako sa kwarto at nag handa matulog.

"Alex, tandaan mo. Huwag kang magpapahalata na kilala mo si Jensen kundi lagot kang bata ka!" pag papaalala ko sa aking sarili sabay sampal sa mukha ko.

Ngayon na marami na akong naabot sa buhay, handa na siguro ako magbukas muli ng aking puso. Siguro, ito na ang tamang pagkakataon. Para sa susunod, ohaaaa! Hindi na ako masasabihan na tatandang dalaga. Arghh.

Humanda kayo.

Love To Live With YouWhere stories live. Discover now