Ngayong araw nato, ang pinaka hihintay naming lahat, graduation na namin. Nag make up ako ng very light lang, hays ayaw ko kasi ng make up na ang kapal, kung pwede nga lang, hindi na mag make up eh gagawin ko, pero parang nakakahiya naman ata. Si Papa, si Tita Rose (kapatid ni papa), si Lola Eve (nanay ni papa), si Jude at ang kambal ko na mga pinsan ang dumalo sa aking graduation. Masaya ako na malungkot, hay buang na talaga ako oy! Masaya dahil eto nakuha ko ang gusto ko na maging top sa class namin, pero malungkot din dahil wala rito si Mama, hindi nagtugma ang schedule niya sa graduation ko pero naintindihan ko naman."Mangs, dito!" tawag sa akin ni shy sabay paypay.
Pumunta naman kaagad ako sa upuan namin medyo magkalayo lamang kami ni shy kasi ika 6th siya hays. Naging maayos naman ang takbo ng programa, naghatid din ako ng speech ko at nangiyak ngiyak ako hindi sa pag iinarte ha, hahha, dahil tiyak na mamimiss ko ang mga kaklase ko, mga guro, at isa sa mga hindi ko malilimutang oras ito. Marami ang aking medalya, lahat na ata ng best na sa akin, hindi sa pagmamyabang HAHA pero parang ganoon na nga.
Nag picture kami nina papa, pati ni shynazz mga kaklase ko ding iba, mga guro at iba pa.
"Proud ako sa'yo Alex" seryusong sabi ni papa. Hays, hindi ko talaga malaman kung ano ang emosyon ni papa kasi palaga lang siya naka poker face. Siguro ng nagtretraining siya, yun, nasanay na siya ng seryuso. Alam ko naman na masaya si papa nagpahanda pa nga siya para sa akin eh.
"Thank you pa!" sabay yakap ko sa kaniya.
Umuwi naman kami kaagad at kumain ng maliit na salo-salo sa bahay.
Naramdaman ko na parang may nag vibrate sa bulsa ko. Tinignan ko kaagad kung sino ang tumatawag.
Mameh luhmeh
Nang makita mo si mama lumabas muna ako ng bahay at sinagot kaagad.
"hello ma?"
" Alex, congrats! Alam ko naman na magagawa mo eh ikaw pa makapal kaya face mo. HAHHA. Sorry hindi ako nakapunta naiintindihan mo naman siguro. Iloveyou" pagpapaliwanag ni mama sa akin.
"uh, okay lang po ma. Iloveyou too"
"Alex, mag paalam ka kay papa mo na dito kana mag bakasyon sa akin anak"
"Ay, gusto koyan ma. Sasabihin ko lang mamaya." sagot ko kay mama.
"Sige anak, tawag na lang ako mamaya ha" pinatay na niya ang tawag.
YOU ARE READING
Love To Live With You
Teen FictionPaano nga ba nalampasan ng isang babae ang lahat ng pagsubok sa kaniyang buhay kahit na bata pa lang siya? Paano niya ba ginawa ang lahat ng hinanakit na nangyari sa kaniya para siya'y mag tagumpay? Posible nga ba iyon?