Papasok na ako sa gate ng aking paaralan para tapusin ang clearance ko. Ewan koba, gagraduate na nga marami pa silang requirements. Gusto ata nila ng remembrance galing samin. Hays.

"I love you manang guard" nakasanayan ko ng asarin ang lady guard namin dito sa paaralan. Mas advantage nga kung close nyu ang guard kasi minsan pinapayagan kayong palabasin ng paaralan. Wahhahaha.

Hindi gaano kalaki ang aming paaralan dahil nasa probinsya ito. Nakita ko kaagad na nagkukumpulan ang aking mga kaklase sa bulletin board.

"Mangs! Anong meron diyan" tanong ko sa bestfriend ko. Siya si Shynazz, 'mangs' at 'mags' ang tawagan naming dalawa. Mataas siya, magaling kumanta, morena, at topakin din kaya siguro naging close kami.

" Hui, honor list. Hindi pa nga ako nakatingin eh. Tara tignan natin kung sino valedictorian. Baka ikaw yun mangs. HAHAHAH" nakipagtulukan pa siya sa iba para lang makapunta kami sa unahan.

Buenaventura, Alessandra Ken -
valedictorian

Parang natulala ako ng makita ang pangalan ko sa unahan. "Waaahhh, mangsss! Nagawa koo!" tinignan ko din ang pangalan niya at ika 6th siya. "Congrats mangsss" nagyakapan kaming dalawa na parang naiiyak.

"Mmk Alert! Mags! hahhaha." nagtawanan kami na parang ewan dahil na realize namin na nandoon pa pala kami sa harapan at marami pang naka abang na titingin.

"Saan mo balak, mag highschool mags? Dito lg din ba?" tanong niya sakin habang papunta kami sa principals office para mag paperma.

"Ah, Oo, ayaw ko nang gumastos pa si Papa at pareho lang din yun. Mas magastos lamang dun" sagot ko sa kaniya.

Pagkapasok ko sa principals office dala dala ang mga requirements na kailangan nila ay nagperma na kaagad ako. Nag congratulate pa ang iba kong mga guro at sinabi ang mga dapat kong gawin na maghanda sa speech ko at kung ano ano pa. Gusto ko ng umuwi ng maaga at sigurado, matutuwa sina Mama at Papa.

"Mangs, uwi na ako ha! See you bukas sa graduation! Hindi kita lab la kang jowa! hahahah" mapang asar na sabi ko sa kaniya.

"pweee, nag sabi ang may jowa" sabi niya sabay palabas nga dila niya.

"Tae mo, ambahooo! HAHAHAH alis na nga ako bahala ka diyan" tumakbo kaagad ako para hindi na siya makaganti sa pang aasar ko.

Ay teka, ako nga pala si Alessandra Buenaventura. Black beauty daw sabi nila, hays maliit na bagay charot. Achiever din ako, positive person basta ayaw ko sa mga nega kahit ako yun, oh ano mang aasar kapa? Haha. Ang tatay ko ay police at broken family ako. Si mama nandun sa Iloilo City nagtratrabaho din. Okay naman ako sa both sides. Simple lang ang pamumuhay ko dito sa probinsya. Strikto nga lang yung tatay ko kasi nga pulis, bawal lahat at sanay na ako doon.

Love To Live With YouWhere stories live. Discover now