First day of school.
Sobrang excited ko kasi ngayon ang unang araw ko sa high school. Inayos ko na ang aking blouse, at asul na palda habang lumalabas sa kwarto.
"Goodmorning Mader Earth!" energetic ko na bati sa kaniya. Sabay upo sa lamesa upang kumain ng umagahan.
"Alex, tandaan mo sinasabi ko sa'yo ha! Huwag-"
"lumabas sa paaralan ng basta basta dahil hindi mo pa kabisado ang pasikot sikot dito" pagpapatuloy ko sa sinabi niya.
"Huwag maki-"
"pag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Parating mag text sa'yo kung may problema at kailangan. Huwag maging tanga tanga kapag tumawid. Ienjoy ang first day of school. Bawal mag boyfriend" pagpapatuloy ko sa sinabi ni mama. Ano ba naman kasi to si mama ilang ulit niya na sinabi sa akin yan, alam nyu naman diba may talent ako sa pag memorize heheh.
"Naku nakung bata ka. Basta ha sinabi ko sayo!" sabi niya sa akin na tumatawa na naiirita. Haha
"yes, mader!"
Umalis na kami kaagad ni mama sa bahay pagkatapos ng almusal. Sumakay kami ng taxi at nag drop by nalang ako.
"Bye ma! Mwaaps"
Pumasok kaagad ako sa gate kung saan ako hininto ni mama. Habang papasok nakita ko ang isa pang gate. Okay lang naman siguro kahit saan dadan. Pero habang papasok ako tintignan ako ng nmmga college student, mga high school at guro. Dali Dali ko namang kinuha ang aking selpon para manalamin baka may ano ako sa mukha. Pero ng tinignan ko wala naman.
Malapit na ako sa guard ng
"Miss, exit tung dinadaanan mo doon sa kabila ang entrance." sabi ng guard.
Napasapo ako sa noo ko, hays 1st day nga ng school nakakahiya na kaagad. Lumibot ako uli sa kabilang gate para dumaan sa entrance. Kaya pala kanina tinitignan ako ng mga estudyante. Nakakahiya. Huhuhuhu.
Pero wapakels pa din, nagpanggap nalang ako na parang walang nangyari. Timing na mag-uumpisa na ang flag ceremony. Nakita ko ang signage na nakalagay grade 7, kaya doon ako pumunta ang naglinya.
YOU ARE READING
Love To Live With You
Teen FictionPaano nga ba nalampasan ng isang babae ang lahat ng pagsubok sa kaniyang buhay kahit na bata pa lang siya? Paano niya ba ginawa ang lahat ng hinanakit na nangyari sa kaniya para siya'y mag tagumpay? Posible nga ba iyon?