For His Love
"BY, dadating na daw si Xyxy" pag-agaw saking pansin ng boyfriend kong si Queron.
Si Xyxy o Xyrine ay ang kanyang childhood bestfriend. Sanay na akong bukam-bibig nya lagi ang bestfriend nyang 'yon mula nang umalis ito ng Pinas at sa America na nag-aral ng kolehiyo. Pero hindi ibig sabihin noon ay close kaming dalawa. Sya lang naman ang nag-iisang babae na pinagseselosan ko.
"Ahh, ganon ba,by? Ikaw ba ang susundo sa kanya?" pekeng ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam, by. Pero ichachat nya daw naman ako." Ngiti naman ni Queron.
"Sige." Tipid kong sagot.
DUMATING ang oras nang pagdating ni Xyrine at si Queron. At heto ako, nakasunod lang sa kanya habang mababakas sa kanyang mukha ang pagka-excited.
"QQQQQQQQQQ!!!!!!" matinis na boses ang umagaw sa pansin namin ng boyfriend ko.
"Xyyyyyyyyy!!" sigaw naman pabalik ni Queron habang nakabukas ang mga braso at handang yapusin ang bagong dating na kaibigan.
Nakita ko ang pag-angat ni Xyrine sa ere nang salubungin ito ni Queron. 'Kung ako kaya, gagawin nya rin kaya yan sakin?' tanong ko sa aking isip. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga o si Xyrine ang girlfriend nya. Oo, sweet si Queron pero once na mapunta kay Xyrine ang atensyon nya, parang wala na akong silbi para sa kanya.
Umalis kami ng Airport at plano nilang magpunta sa mall para kumain. Hindi pa raw kasi kumakain ang senyorita epokrita. Bwisit!
"Ahh. By, uuna na ako, may tatapusin pa kasi akong homeworks eh, baka di ko matapos mamaya kung sasama pa ako sa inyo." Agaw ko sa atensyon ng boyfriend kong busy sa bestfriend nya 'kuno'.
"Sure ka baby? Di ka pa kumakain, diba?" tanong na may pagtataka sa mukha ni Queron.
"Sa condo na, by." Ngumiti lang ako para hindi nya mapansin na naiinis na ako sa mukha ng babaeng nakakapit sa braso nya.
"Sige, by. Ingat ka ha. Text mo ako kapag naka-uwi ka na. kumain ka na rin doon." Nakangiting ani Queron.
"Sure, baby. Xyrine, una na ako ha, welcome back ulit." Ngiti ko bago bumeso sa kanya.
SA TOTOO lang, mabait naman si Xyrine. Pero yung last time na umuwi sya, may sinabi syang hanggang Ngayon ay di ko malilimutan.
"PAGBALIK KO, MAPAPASAKIN SI QUERON."
At eto na yata ang oras na yon. Natatakot ako na baka magkatotoo ito. Hindi ko kakayanin na mawala sakin si Queron. Hindi ngayon.
"By, andito na ako." Tinig mula sa aking likuran, alam kong si Queron yon.