Pagod Na Ako
"hoy ano ba! tigilan mo na nga yang kakainom mo jan!" suway sakin ni Brix, best friend ko.
"ano ba! wag mo nga akong pigilan! dito na nga lang ako sasaya, aawatin mo pa!" naiinis kong sabi sa kanya.
Andito kasi ako sa kaniyang apartment. Nag away na naman kasi kami ng parents ko. Wala ng bago roon. Walang oras na nagkikita kami at hindi nag aaway.
"ano na naman bang problema? magulang mo na naman?" tanong nya.
"ano pa nga ba? yun lang naman lagi ang problema ko diba?" walang emosyon kong tugon.
"intindihin mo nalang sila. magulang mo pa rin sila at iniisip lang nila ang kapakanan mo."
"hah!" singhal ko. "pati ba naman ikaw? kakampihan mo na rin sila? magsama-sama kayo!" sigaw ko bago ako tumayo para umalis na.
naglalakad ako papalabas na tulala. hindi ko na alam ang gagawin ko. lagi nalang ako ang mali sa kanila. ni minsan di nila napansin ang mga magaganda kong nagawa. mas naaalala nila lahat ng pagkakamali ko. ni minsan nga diko man lang naramdaman na mahal nila ako. lagi nalang ung kapatid ko ang magaling kesyo bat daw di ko gayanin kuya ko na laging nag-aaral at nagpupursiging magtrabaho. For Pete's sake! 4th year palang ako! nag aaral naman ako ng ayos. yun nga lang hindi ganon kataas ang grades ko katulad ng kapatid ko noon. anong magagawa ko? e eto lang ang kaya ko?
kaya naman tuwing mag aaway kami ang best friend ko ang lagi kong karamay, pero mukhang ngayon ay wala na. salungat narin sya sakin.
napabalik lang ako sa wisyo ng may malakas na busina akong narinig ngunit bago pa ako makagalaw, naramdaman ko na ang malakas na pagbunggo sa katawan ko at ang akin pag-angat at pagbagsak sa sahig.
"Yuri!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses pero diko na magawang lingunin dahil sa sakit na iniinda ko, alam kong si Brix yon.
"Yuri, mumulat ka! parating na ang ambulansya! potang ina bakit ba ang tagal!" naghehesteryong sigaw ni Brix.
"bud, pagod na ako" pabulong ko nalang na naisatinig dahil talagang nanghihina na ako.
"hindi. hindi buddy! lumaban ka! lalaban ka! gagraduate pa tayo diba?!" naiiyak nyang sabi
"pakisabi kita mama at papa, sorry at mahal na mahal ko sila" naiyak na rin ako. hindi ko na talaga kaya. mas mabuti pa nga sigurong hanggang dito nalang kesa maging problema pa ako ng aking pamilya.
"bud, salamat sa lahat." pagkasabi ko non ay unti-unti na ang pagpikit ng aking mga mata.
Wala na. hanggang dito nalang. i love you mama, papa and I'm so sorry. naramdaman ko ang pagpatak ng aking huling luha hanggang sa wala na akong maramdaman.
-END-