Top 2"mama! papa!" tawag ko pagkapasok ko palang ng bahay.
"oh ano bang nangyayari sayong bata ka at sumisigaw ka dyan?" tarantang sabi ni mama kasunod si papa.
"dala ko na po ang card ko!" masayang sabi ko sa kanila.
"talaga anak!? top 1 ka ba uli? patingin nga!" excited na sabi ni papa.
Kinabahan ako bigla. baka ma-disappoint ko sila dahil sa pagbaba ko ngayong grading.
"ahm-ah-e e-eto po mama" kabadong abot ko ng envelope.
Unang nakita ni mama at papa ang certificate kong nakalagay ay TOP 2. napapikit ako ng biglang sumigaw si mama.
"anak, anong nangyare?! bakit ka bumaba? akala ko ba alaga mo ang grades mo?! nagbubulakbol ka ba ha?!" hindi ako makasagot agad dahil sa takot.
"m-ma-mama, papa, s-sorry po." naka tungo kong sagot.
Hindi naman ako nagbulakbol. Hindi ko rin alam kung bakit ako bumaba. Nakakasagot naman ako sa recitation at matataas rin ang score ko sa exam namin.
Pwera nalang dun sa teacher kong may galit yata sakin. Kahit nasasagot ko yung mga tanong nya, yung tingin nya sakin parang unsatisfied parin. Ewan ko sa kanya. Bahala sya sa buhay nya.
"oh anak ko!" Naputol ako sa akinh pag iisip ng dahilan nang bigla akong niyakap ni mama at sinundan naman ito ni papa.
"anak, ok lang yan ha? alam ko namang ginawa mo ang best mo. makakabawi ka sa sunod diba?" nakangiti at maaliwalas na ang mukha ni mama.
Kaya naman lalo akong naluha hindi dahil sa takot kundi sa saya, na sa pag aakala ko ay papagalitan nila ako at susumbatan ng kung ano-ano. alam ko namang ginawa ko ang best ko at sa palagay ko ay hindi lang talaga para sakin ang oras na to.
"opo mama, papa. promise babawi ako." sabi ko at niyakap ulit sila.
-END-
(A/N: Sana all ganito ang parents🤧)