Papel
Eli's
"Ughh! Andami na naman nito! San ko na naman to ilalagay?!" ani Elizabeth.
Naiiritang na wika ni Eli nang tumambad na naman sa kanya ang napakadaming love letters pagbukas ng locker nya. Si Elizabeth ay sikat sa kanilang University-ang Sainsmith University-siya ay hinahangaan ng lahat mapa-babae man o lalaki kaya naman tuwing bubuksan ang locker ay halos di mabilang na sulat ang kanyang natatanggap araw-araw.
Sanay na sya na makatanggap ng ganitong mga liham-magaganda ang mga design ng mga ito-kaya naman nang mapansin niya ang pinakasimpleng papel ay kinuha niya ito at binasa.
"Hi Eli! How are you? Don't forget to smile! :)"
-K.E."Huh? Sino kaya to?", hindi nya kilala ito pero ang pinagtataka ay ang kanyang pag-ngiti pagkabasa nito.
Linagay nya lahat sa bag ang mga sulat upang iuwi at utay-utaying basahin. Hindi na nya magawang masagot ang mga ito kasi di naman nya sila lahat kilala.
Pagtalikod nya ay nakita niya si Khion na nakatayo malayo ng kaunti sa kinaroroonan niya, ang lalaking sikat at apo ng may-ari ng kanilang University. Napaka suplado nito kaya hindi nalang nya pinansin, miski siyang sikat ay di man lang nito pinapansin kaya ganon nalang ang kanyang pagtataka ng maabutan nya itong nakatingin sa kanya o baka naman namamalik-mata lang sya.
Dumaan ang buong lingo at lagi syang nakakatanggap ng sulat sa papel, tanging ito lang ang binabasa nya, hindi nya alam kung bakit pero parang gusto nyang Makita at makilala kung sino man ito. Lagi syang napapangiti pag nababasa nya ang sulat na galing rito.
LUNES, hindi nya alam pero excited syang pumasok para mabasa ang sulat galing kay Mr. Papel. Ngunit nang buksan nya ang locker ay wala syang makitang papel, hinalwat nya isa-isa ang mga letter baka natabunan lang ito ngunit wala talaga. Nalungot sya bigla, namiss nya agad ang mga jokes na sinasabi nito sa kanya.
Pupunta na sana sya sa room ngunit pagharap nya ay may kumulong sa kanya kaya napasigaw at napayuko sya sa gulat. Nakatuon ang isa nitong kamay sa katabi ng uto nya. Dahan-dahan syang tumingala at laking gulat nya ng makita nya si Khion sa harapan nya, ngunit mas ikinalaki ng mata nya ang hawak nito sa kabila nitong kamay, ANG PAMILYAR NA PAPEL?!!
"Looking for this?", wika ng kaniyang kaharap. Hindi parin sya maka-ibo sa gulat. "Read it and I don't accept 'NO' as your answer" anito at inabot sa kanya ang papel.
Hindi nya maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso nya habang binubuksan ito.
"Be my girl, Eli"
-Khion Exsavier Sainsmith
-END-