Friendship Over
"Bes! Dali na bati na tayo!" Pangungulit sakin ni Trixie, ang nag-iisa kong bestfriend.
Nag-away kasi kami dahil nya. Sumama sya dun sa mga bitch naming kaklase. Ewan ko ba! Alam naman nyang ayaw ko sa mga yon tapos sumama pa sya sa mga haliparot.
Kaya heto sya, nanunuyo. Kesyo nadala lang sya dahil may isinuhol sa kanya. Matagal ko na syang sinabihan tungkol sa mga yon. Pero hindi sya paawat.
"Ano ba! Tigilan mo nga ako, Trixie!" Pero syempre, galit-galitan muna ang peg ko. Papatawarin ko naman sya e. Sya lang kaya ang kaibigan ko dito. At hindi ko na alam ang mangyayare sakin kung pati sya, aalis sa tabi ko.
"Ihhh! Dali na kasi! Hindi na mauulet. Pramissssss" parang bata, tsk. Hahaha
"Oo na, magtigil ka na dyan. Ampangit mo ngumuso." Sabi ko tapos tinawanan ko sya.
"Hmp! Ansama mo talaga sakin!" Ang arte. Ang cute nya lalo. Hahaha.
"Aysus! Ugali mo! Tara na, libre nalang kita." Yan ang gusto nya, pagkain. Tsk! Baboy. Haha
"Talaga? Oy wala ng bawian yan! Tara daliiiii! Gutom na ako. Hehehe" sabi na e.
Naging okay kami.
Bumalik kami sa dati na laging kami lang dalawa ang magkasama.
Recess. Lunch. At dismissal. Kami lagi ang magkasabay.
Dumaan ang isang buwan na ganon kami. Hindi na nga kami mapaghiwalay eh. Sabi nila mama, magkamukha na raw kami kasi lagi kaming magkadikit dalawa. Hahaha
Hanggang sa...
"Trixie bakit di mo sinagot tawag ko kagabi?" Tanong ko sa kanya nang lumabas na ang huli naming subject teacher ngayon.
"Ha? Ahh eh. Busy kasi ako. Nagsulat ako ng mga notes na hindi ko natapos nung isang araw." Sagot nya ngunit hindi sya makatingin sakin ng deretso. Pero pinag sawalang bahala ko nalang.
"Ahh ganon ba. Sige. Mamayang hapon, sabay ulit tayo ha?" Masigla kong sabi sa kanya.
"H-ha? A-ah ma-mauna ka na! May dadaanan pa kasi ako" para talagang may mali sa kanya ngayon.
"Saan ka punta? Gusto mo samahan na kita?" Hilig nya kasi akong higitin sa mga lakad nya hahaha.
"Hindi na. M-may kas-kasama na ako." Nakatungo pa rin sya.
"Trixie may----"
*KRRRIIIINNGGGGGG!!!*
Uwian na.
"S-sige, Irish. Una na ako sayo." Nagmamadali nyang sabi at lumabas na ng room namin.
She called me, Irish. Not Bes.
Ano ba talagang nangyayare?!
Lumabas na ako ng room para habulin si Trixie.
Nang makarating ako sa may gate... nakita ko sya. Masaya, di tulad kanina nung kaharap nya ako. Kitang-kita ko yung tawa nya na nakikita ko kapag ako lang yung kasama nya. Inilipat ko ang tingin sa mga kasama nya, sila na naman.
Simula noong araw na yon. Di na ako pinansin ni Trixie. Kahit yung pwesto ng upuan nya na katabi ko, inilipat na nya.
May nagawa ba akong mali? Bakit bigla nalang syang naging ganon Maraming tanong ang gumugulo saking isipan.
*beep*
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tiningnan kung sino ang nagtext. Si Trixie.
Bes:
FO na tayo. Sorry.
Napatingin agad ako kanya ngunit nag iwas agad sya ng tingin. Tapos na. Wala na siyang pakialam sa akin.
-END-