Sabi nila ang pagsusulat ay galing lamang sa mapaglarong isipan ng taong nagsusulat..
paano kung may isang libro kang nakita...
punong-puno nang storya..
at isa pala dun..
ang storya mo?
ang storyang babago sa takbo ng buhay mo..
___
Phoebe Amarteifio is a Filipino actress born in Manila, Philippines in 2000. She is known for her roles in The Crown (2024), Liberated (2018) and Hometown (2023).
Breaking News: Phoebe Amarteifio Spotted at High street with Rain
Breaking News: Phoebe Amarteifio Lands huge new movie roles as they film in Hollywood
Phoebe Amarteifio wowed audiences with her talent in season 1 of The Crown. In this Netflix period drama, she played the innocent Evelyn, who, in her quest for the perfect husband, goes through a journey of exploration and self-discovery that ultimately leads her to find the spouse she needed to live a full and happy life.
comment review by Bustle: "I love the marries themes of loyalty, betrayal and friendship! fast paced kind of story and juicy and delicious twist!"
comment by Real Simple: "Phoebe really did a great job in portraying evelyn! I love her so much"
comment by anonymous writer: "The story is fascinating, emotional and will be hard to put down! Omyghad this is one of my favorite series! I hope to see Phoebe more on screen"
Breaking News Headline on February 14, 2026: Trending Actress Phoebe Amarteifio Car crash leaves her in Critical Condition and Coma
"Despite previous reports that Amarteifio was stable, shortly after the accident, Phoebe became unconscious, slipping into a coma and is in critical condition. She has a significant head injury requiring mechanical ventilation and burns that require surgical intervention," Amarteifio's spokesperson said.
It's been a year...
nakatulala ako habang nakatingin sa malayo, ang ganda ng araw ngayon hindi mainit sa mukha at ang sigla ng hangin na hinahawi ang iilan sa buhok kong nakaharang sa aking mukha.
naka-upo ako sa wheel chair
nasa 50-50 na raw ang buhay ko, Isang himala na nakaligtas pa ako
wala akong maalala sa nangyare at limang buwan din akong walang malay
hanggang ngayon andito pa rin ako sa Hospital at nag papagaling
wala naman nawala sa mga alaala ko except nung gabing na aksidente ako, wala na rin bumibisita sakin at lahat ng ipon at ang savings ko napunta sa pag papagamot ko
hindi ko alam bakit ang unfair ng buhay sakin, para akong ginising sa masarap na panaginip at hinding hindi na ako pwedeng makabalik kahit ilang beses akong managinip
*television news sound*
"Denisse Yang nag babalik sa kaabang abang na teleserye! Primetime Queen ay nag babalik--"
pinatay ko yung tv na nasa gilid ko
Primetime Queen? haha wag ako!
Gusto kong tumakbo sa Realidad na 'to, Gusto kong bumalik sa mundong pinaghirapan ko pero lahat ng yun nawala at naglaho dahil lang sa Isang aksidente na hindi naman ako ang may gawa
Pinilit kong magsalita pero parang lahat ng tao ay nawalan ng pandinig pag ako ang kausap, paniniwalaan nila kung anong gusto nilang pakikinggan
Para akong asong kumakayod ng ilang taon, naging sunod-sunuran ako, para akong puppet na binibihisan nila noon pero ngayon na sira na ako at hindi na mapakinabanggan itatapon lang nila ako. nasaan na yung mga kaibigan na nagsabi andyan lang sila? ah andyan lang sila pag ma-pera ka at pag may kailangan sila
Sa totoo lang nakakapagod pala ang buhay artista, pero hindi ko masisisi ang sarili ko dahil maraming beses din akong sumaya, dahil yun ang naging buhay ko at yun din pala ang papatay sa akin.
Ang ganda ng araw na nasisikatan ang maliit na silid ko sa hospital, nagiging kulay dilaw ang puting dingding ng aking silid, malamig ang hanging pumapasok sa bintana kung saan ako nakasilip.
nasa ika-anim akong palapag at ito rin ang ika-anim kong buwan na namamalagi sa Hospital
"HA..AH..HAHAHAHA"
itinayo ko ang sarili ko, pinilit kong buhatin yung sarili ko para maiangat ko papuntang bintana
bago pa nila ako patayin..
ako na lang ang tatapos sa buhay ko..
sa 26 years kong nabubuhay sa mundo, kahit mapait naging masaya ako...
kaso lang kahit anong gawin mo iba pa rin talaga ang taong pinanganak ng may pera at may kumpletong pamilya...
"hindi ko man naranasan magkaroon o maramdaman kung anong feeling ng may pamilya? at least naranasan ko naman sa pamamagitan ng ibat ibang character na ginampanan ko"... mapait na pagkakasabi ko
"Ma pinilit kong mabuhay! naging best actress ako pero pagod na akong mag panggap na malakas at magaling, pagod na akong marinig ang bawat tunog ng camerang nakatutok sa akin, Pagod na ako Mama gusto ko na rin mag pahinga kagaya mo".
tatalon na ako sa bintang nasa harap ko ng biglang kumalabog ang pintuan ng aking Silid
"A..Ano..ANONG GINAGA--?"
"Bitawan mo ako! Bitawan mo sabi ako eh!!!!!! BITAW SABI BITAWAN MO AKO" nanginginig na sabi ko sa doctor na nakahawak at nakayakap sa bewang ko, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin na parang alam niya kung anong balak kong gawin
wala akong magawa kung hindi umiyak at damhin ang aking pagkatalo
"Moon.."
moon? ang tumatawag lang sakin ng pangalan na yun...lumaki ang aking mata ng makilala ko ang lalaking nasa harapan ko
"Moon, I'm sorry for being late. I'm sorry".
lumakas ang aking pag hikbi, ang lalaking nakayakap sa akin ay ang lalaking kinamumuhian ko pero ang lalaking matagal ng nilalaman ng puso ko
"Moon let me...help you again but this time I'll stay with you".
"Doc Tienzo"
pumasok bigla ang mga nurse sa silid ko at bago ako mawalan ng malay ang mukha ni Red ang huli kong nakita at ang naka burdang pangalan na nasa lab gown niya
'Raven Greg A. Tienzo, MD, PhD'
YOU ARE READING
Books We Wish Were Movies
RomanceThis is the story of Phoebe Rey, an Aspiring Theatre Actress that good on putting herself on someone's story but struggling how to handle her own life. What if the answer for her non-ending drama is a stranger that she met inside the mall.