Chapter 3

9 1 0
                                    

Saktong kakapasok ko lang sa klase ng makita ko si claire, naka-ngiti agad siya sakin ng makita ako "aba sana all anlaki ng ngiti" pambungad ko agad sakanya.

"Aga-aga eh, bat kaba nakasimangot ah? dinaig mo pang nakaapak ng tae ah!" mas lalo akong nairita ng maisip ko nanaman yung lalaki na yon.

"Naku! kung alam mo lang, hindi ako nakatapak pero nakakita ako ng TAE!" mag tatanong pa sana siya sa sinabi ko pero biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang prof namin sa Teatro101

"Morning class" morning daw?? anong morning sinasabi nito pero naglalabas ng index card ampf. sabagay nag attendance naman si sir palagi, pero alam ko na kasunod nito.

"So, tapos na akong mag attendance at tatlo pala ang absent for today sayang naman mababawasan silang points" Diba sabi ko na eh! may pa performance nanaman siguro si sir.

"Alam ko na nababasa niyo ang isip ko, yup we have teatro perf101"

walang umimik saamin at nag-antay lang sa sasabihin ni sir. Lagi nman akong prepared sa mga pa twist ni sir pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan kasi naman mga pa twist ni sir kakaiba! nanlalamig na yung kamay ko, ang gandang bungad sa umaga.

"So, alam niyo na ang drill right? I'll call your name using this index pero alam kong inaabangan niyo ang twist, may ibibigay akong scenario you just have to act base on your understanding". nag shuffle na si sir ng index card, sino kaya ang swerteng mabubunot?

"Ms. Deguzman" whoa! si cla ang unang binunot

"Go, cla kaya mo yan!" nginitian lang niya ako, sana naman next time na lang akong mabunot feel ko, hindi naman 'to aabutin sa oras? sana?

"Impressive" nakakalahati na ni sir mga kaklase ko, at lahat sila magagaling tipong mapapasabi kang 'aba masyadong ginalingan' at hindi pa ako natatawag, tumingin ako sa wrist watch ko at yes na yes! 10 mins na lang natitira sana God hindi ako matawag ngayon pls babawi ako next time. nakapikit pa ako habang kinakabahan na nag darasal.

"The last one to perform....Ms. Amarteifio" napadilat ako bigla! God naman eh

Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad sa harapan, sana pala una nalang akong natawag para hindi ako kinakabahan ng ganito tipong nakaka-pressure kasi mamaya hindi ko masundan yung mga competitive kong kaklase.

"So, the scenario Ms. Amarteifio..your father is dying and the setup is you're both inside the hospital room while he's on the hospital bed, and your character is a daughter who really love his father. Ready?"

tinitigan ko lang si sir "uhm sir I can't do this po"

"bakit naman hindi Ms. Amarteifio? you just have to act, class I'll not accept 'i cant do this' or 'I don't know, sir"  because in the first place, this is a teatro subject. we practice your emotion, your voice, facial expressions and someday your life and work will be portraying someone story get it?"  

Tumango ako sakanya, bago simulan ang 'act' na sinasabi niya.

"Pa, mamatay kana daw pala? wag kang mag-alala magiging okay lang ako kahit wala ka na dito" walang laman yung mga mata ko, sadyang nakatingin lang ako na walang emosyon.

"wag kang umasang iiyak ako, dahil hindi mo deserve makita mga luha kong pumapatak para sayo, sana makilala ka ni san pedro baka hindi ka makapasok sa langit sa dami ng kasalanan mo". tumawa mga kaklase ko na parang comedy ang ginagawa ko.

"Wala na akong dapat pang sabihin sayo, wala kang maririnig na 'salamat', 'mahal kita!, o 'malulungkot pag nawaala ka'. sa totoo lang mas gusto kong sabihin sayo na sana sa susunod na kabata ng ating buhay hindi na tayo pag tagpuin pa".  yumuko na ako sa harap para malaman nilang tapos na ako, inayos ko sarili ko bago bumalik sa upuan ko.

Books We Wish Were MoviesWhere stories live. Discover now