Isang buwan na ang nakalipas ng mag simula ang klase namin. may naging kaibigan na rin ako. si Claire kaso tuwing Art Appreciation at Teatro101 subj ko lang siya nakikita.Sa totoo lang break time ko ngayon at nag iikot lang ako sa field humahanap ng stall na pwedeng kainan.
Wala akong kasabay kasi si Claire nga lang ang naging ka vibes ko dito. Isang buwan pa lang naman nakakalipas malay ko ba kung magkaroon pa diba? Well pag-aaral naman ang pinunta ko dito at hindi kaibigan.
Hindi naman nakaka pressure ang vibes ng ULPM pag pinagmamasdan mo ang buong campus sobrang ganda pati kung paano mag mix yung limang building.
Yep may limang building kasi ang ULPM depende sa course.
Yung may malaking glass window at white wall na hanggang 4th floor, building ng mga Dental Medicine.
Yung may white and gold na wall na nakaharap sa field at sa kinauupuan ko, ang pinakamalaking building lang naman for Archi at Engineering.
Tapos yung medyo katabi nila na white and gold na wall din pero may malaking canteen daw sa loob. building ng mga Allied Health like Nursing, Medtech, Psychology and Pharmacy pero ang may pinaka malaking building na katabi ng ULPM Hospital ay building ng College of Medicine tapos yung may malaking glass window din pero gold wall naman, building for Accountancy and Business related.
pero para sakin? ang building namin ang pinakamaganda! wala man malaking glass window pero may malaking thrust stage at art studio sa loob. kung titingin ako sa may likuran ko kung saan ako naka-upo ngayon, matatanaw ko yung magandang building namin na kulay brown na may highlight ng gold.
Nangingibabaw ang ganda pag natatamaan ng Araw
"PHOEBE!!!" bigla akong napatikwas sa pagkakaupo ko paano ginulat ako ni cla!
"Uy musta! kala ko ba mamaya pa break time niyo?" shet 10 mins na lang pala natitirang oras sakin, hindi ko man lang naisipan kumain.
"Well happy happy! dahil wala akong second subj kasi wala raw ang prof namin tas absent din yung last subj namin na 7pm class!"
"Wow sana all! may klase pa ako eh hays" mamaya nalang siguro ako kakain. gutom nanaman ako nito pag-uwi.
"kumain kana ba? mukha kang gutom eh ang lalim din nang iniisip mo".
"hindi pa nga eh! pero may klase pa kasi ako, naku mamaya nanatin pag usapan yan baka ma-late pa ako" aalis na sana ako at tatakbo papuntang building nang bigla akong hilahin ni cla
"Aray! ansakit! makahila kanaman!"
"shunga ka talaga Fi!" natatawa siya habang sinasabi yon. wow torture??
"Phoebe, wala akong klase diba? tas ang second class ko ay contemp" pagpapaliwanag niya sakin
"so?" tumatango ako habang nakikinig sakanya as if nag make sense siya, pag ako na-late patay 'to sakin!
"shunga ka talaga! contemp last subj mo diba? kakasabi ko lang kanina na walang prof second subj ko".
"ayy oo nga prof ko rin pala prof mo sa contemp"
"ewan ko sayo FI!! gutom lang yan" hinila ako ni cla at mabuti pa nga. Siguro kulang lang talaga ako sa kain.
Naka-uwi na ako sa bahay namin.
Dalawang sakay galing ULPM. maaga rin ako nakauwi dahil yung 5 pm ko naging 1 pm dahil wala ngang prof kanina.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. ganon pa rin naman hays wala naman nagbago dahil wala naman akong kasama sa bahay dahil ang mama sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at ang papa naman sumakabilang babae na. Only child lang ako or more likely anak ng mag-asawang magkahiwaly na. Ang lola ko naman na nasa ibang bansa minsan pinadadalhan ako ng pera.
YOU ARE READING
Books We Wish Were Movies
RomanceThis is the story of Phoebe Rey, an Aspiring Theatre Actress that good on putting herself on someone's story but struggling how to handle her own life. What if the answer for her non-ending drama is a stranger that she met inside the mall.