Phoebe's POV - Timeline 2016
"Phoebe, gurl asan ka???" kala mo nanay ko 'tong pinsan ko, lagi akong hinahanap.
"Andito ako naglalakad papasok ng mall Jes. bakit ba napatawag ka?"
"Wala lang mini-make sure ko lang na okay ka, mamaya nag lalakad kana sa gitna ng daan para magpasagasa" aba lokaret talaga 'to.
"Buwang! malungkot ako pero hindi ko sinabing PAPAKAMATAY ako!" nilakasan ko talaga, para rinig na rinig niya.
"Oo na, ang sakit sa tenga! alam mo naman worry lang ang maganda mong beshy slash 'ang paborito mong insan' HAHAHAHA!"
"Letche ibaba ko na 'to!"
"Teka- *toot* *toot*"
Kainis, tinawagan lang ata ako para buskahin eh! malungkot ako pero ang drama naman kung papakamatay ako, sa ganda kong 'to? sasayangin ko lang buhay ko sa wala? marami pa akong pangarap at yang billboard na yan balang araw! mukha ko naman ang nandiyan
Gaya ng sabi ko kanina, nasa mall nga ako dahil inaaliw ko sarili ko at balak kong bumili ng bagong phone wala lang, it's about time na regaluhan ko sarili ko. masyado akong nag focus sa entrance exam and practice sa audition kaya na delay ang grad gift ko for myself ipon ko yun simula highschool tas bonus na lang yung perang bigay ni lola galing ibang bansa.
Hays sakto pampaalis lungkot.
Nasa apple store ako, balak kong bumili ng iphone 7 yung bago ngayon, ang ganda! ang linaw ng camera minimalist ang atake tas pwede pa akong mag pa-request ng kulay na gusto ko.
"Ugly"
Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko.
"Excuse me?" mamaya hindi pala ako yung sinasabihan, pero halos dumikit na siya sakin! isa pa walang masyadong tao tas yung iba malayo pa sa amin.
"I said it's Ugly" ulit niya, so ako pala kinakausap niya?
"So?? do i even know yo-fck saan mo ako dadalhin!??" hinila banaman niya ako! hindi ko naman kilala tong lalaki na 'to makahila kala mo magkakilala kami.
Tumigil kami sa tatlong store na magkakadikit dito sa mall, mga phone store din I guess? binitawan niya na din yung pala pulsuhan ko.
"Here, you can choose a nice phone. Phone with 64gb storage. Xiaomi balance and specs like my phone. lphone 7 pro is not recommendable at all"
Napatulala ako sakanya, sino ba 'tong pakilamero na 'to?.
"Uhm nagbebenta ka rin bang phone? or somehow nag sales talk para sa inyo bumili? is this kind of a business/ work of yours?"
"..."
what a weird guy, dinala niya ako dito pero nakasimangot lang siya at hindi ako sinasagot! Tinanggal niya bigla yung pagkakahawak niya sakin
"I'm just suggesting".
Aba nag walk out bigla?! Wow lakas amats ng mga tao rito ah!
Tumingin tingin ako sa paligid ko kasi mamaya may camera at pinaprank lang ako, alam mo na uso yun ngayon diba?
Ang daming nagkalat na weirdo sa mall, nag punta nga ako dito para mag palamig pero dito pala iinit lalo ang ulo ko.
Nag martsa ako pabalik sa Apple store, hindi para bumili ng phone dahil andun ang likuan papuntang department store. panget na nga ng araw ko mas pumapanget pa sa mga taong walang magawa, look alam kong maganda ako! bibigay ko naman number ko kung hihingiin eh, hindi yung sasayangin pa oras ko. pero siyempre hula-hulang phone number lang hehe.
YOU ARE READING
Books We Wish Were Movies
RomanceThis is the story of Phoebe Rey, an Aspiring Theatre Actress that good on putting herself on someone's story but struggling how to handle her own life. What if the answer for her non-ending drama is a stranger that she met inside the mall.