Chapter 33

518 48 0
                                    


Season 2 – Chapter 33


"Teka, iha," napahinto ako sa paglalakad pabalik sa room namin ng tawagin ako ng isang prof. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang itsura niya sa'kin.


Lumapit ako rito, "Good afternoon po, Sir. Bakit po?"


"Kilala mo ba si Orlando Lee ng Foreign Language?"


Si Orlando?


Tumango ako rito, "Yes po, Sir. Professor po namin siya ngayong sem, bakit po?"


"Mabuti naman," nagtatakang tinignan ko ito nang iabot niya sa'kin ang isang brown envelope na hawak niya. "Pakibigay mo naman ito sa kanya. May meeting kasi kami kay Dean ngayon, hindi ko na madaan pa."


Nagulat naman ako sa pakiusap nito. Bago pa man din ako makasagot ay naiwan na nito ang envelope sa mga kamay ko, nakaalis na rin ito agad sa harapan ko. Natitigan ko na lang ang hawak ko. Sa lahat naman ng taong pwedeng utusan, ako pa talaga?


Wala na kong nagawa kundi ang bumalik sa kwartong pinanggalingan ko. Maagang natapos ang klase namin kanina kaya naman wala ng prof sa room namin ngayon. Pabagsak kong inupo ang sarili ko, pinadausdos ko pa pababa 'yong katawan ko para maipatong ko ng likuran ng ulo ko sa may sandalan.


"Oy, Lhia, napaka ganda naman ng upo mo." Tinapik ni Anne ang braso ko, "Umupo ka ng maayos baka makapatid 'yang mga binti mo."


Napabuntong hininga ako rito bago umayos nang pagkakaupo. Tinignan ko ang brown envelope na hawak hawak ko pa rin.


"Ano 'to?" kinuha ni Jade mula sa kamay ko 'yong hawak ko. Akmang bubuksan niya 'yong envelope nang pigilan ko siya.


"Huwag mong bubuksan. Para sa professor 'yan," pagbabala ko rito. Napatigil naman sa ere ang isang kamay nitong pabukas na sana sa envelope.


"Pinabibigay no'ng isang prof kay Orlando," napabuntong hininga pa ko nang sabihin ko ang pangalan nito.


"Sinong prof? At talagang sa'yo pa ha?" kapareho ko ng naging reaksyon si Jade.


Napailing na ako rito, "Hindi ko alam pangalan pero kilala natin sa mukha." Iniusad ko ang sarili ko sa kanya, "Dahil hawak mo na rin lang, ikaw na lang magbigay?" suhestiyon ko rito.


Tinitigan ako nito bago siya bumuntong hininga. "Girl, hindi habang buhay matatakbuhan mo 'yong tao."


Napasimangot ako sa sinabi nito. Naisandal ko ang likuran ko sa may sandalan ng upuan ko.


"Sige, ako na lang," napatingin ako kay Anne na inagaw kay Jade 'yong sobre. "Ako na mag-aabot."


Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito, "Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko rito.


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now