Chapter 42

485 39 0
                                    


Season 2 – Chapter 42


"Teacher, can you please help me?"


"Sure, here," binuksan ko 'yong de-zipper niyang pencil case na nahihirapan siyang buksan kanina pa. Kanina pa niya ilang beses na sinusubukan itong buksan pero hindi niya magawa. Inaantay ko na lang na lumapit siya sa'kin para tulungan siya. Mas okay kasi 'yon kaysa bigla ko na lang siyang tulungan kahit ayaw naman niya.


"Thank you!" isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa'kin. Nagsimula na itong iligpit ang mga lapis niyang pinaglalabas niya kanina kahit isang piraso lang naman ang talagang ginamit niya.


"You're welcome," sagot ko rito kahit na hindi na ito nakatingin sa'kin. Pinapanuod ko ang ginagawa niyang pagliligpit nang may biglang kumatok sa pintuan.


Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa tabi ng estudyante namin at lumapit sa parent na kumatok. Ito ang sundo no'ng bata.


"Saglit na lang po, nagliligpit na lang po siya," sabi ko rito pagkalapit ko.


Ngumiti naman ito sa kanya, "Okay lang teacher, she can take her time. Nandito po ba si Teacher Beth?" napasilip pa ito sa may likuran ko para tignan kung nandito ang cooperating teacher ko.


"Lumabas po siya. Pinatawag po siya sa may principal's office. May kailangan po ba kayo?" Uwian na kasi ngayon ng morning session at iisang estudyante na lang ang naiwan dito. Kaya naman no'ng pinatawag si Teacher Beth ng principal, ibinilin na lang nito sa'kin 'yong natitirang bata rito.


"Ah, okay. Sa inyo ko na lang ibibilin, teacher Lhia," napatingin ako sa may bag nito nang may kinuha ito roon. Inabot nito sa'kin ang isang tumpok ng mga sobre. "Invitation po 'yan para sa birthday ni Bea next week. Pakibigay na lang sa mga kaklase niya para alam pero rito lang din naman po sa classroom nila gaganapin."


Napatango tango ako rito habang nakatingin sa mga sobre. Ibinalik ko ang tingin ko rito, "Sige po, sasabihin ko rin po ito kay teacher Beth pagbalik niya. Reminder na lang po na bawal po softdrink dito sa school kaya kung magdadala po tayo ng drink, tubig o juice na lang po."


"Sige, teacher." Naputol ang pag-uusap namin nang biglang yumakap sa mga binti niya si Bea, natapos na itong magligpit ng mga gamit. Doon na rin namin tinapos ang usapan namin. Nagpaalam na ko sa kanila habang nagpasalamat naman sila.


Isang kaway sa kanila ang huli kong ginawa bago ko isinara ang pintuan. Lumapit ako sa may teacher's table para ipatong doon 'yong mga invitation. Sasabihin ko na lang din 'yong tungkol dito kapag bumalik si teacher Beth.


Napatingin ako sa may table ko—na katapat lang ng table ni teacher Beth—nang para bang nagba-vibrate ito. Talagang binigyan kami ni Alli—ang kaklase ko na rito rin ST—ng sarili naming table rito. Nilapitan ko ito at kinuha ang bag ko. Sunod sunod na vibration ang naramdaman ko, senyales na may tumatawag. Naka-vibrate ang phone ko dahil ayoko ng distraction dito sa school. Tinignan ko ang orasan sa may pader. Alas-dose pasado na, lunch break na. Wala na magiging problema kung sagutin ko man 'yong tawag ko.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now