Chapter 39

477 45 0
                                    


Season 2 – Chapter 39


Lumipas ang mga minuto at nagpatuloy pa rin kami sa ginagawa namin. Isa't kalahating oras naman ang binigay sa'min para rito. Akala ko no'ng una masyadong matagal 'yong isa't kalahating oras pero parang mali pala ko.

"Last fifteen minutes," samu't saring reaksyon ang maririnig sa paligid sa sinabi na 'yon ng camp master.

Naiunat ko ang likod ko, mabuti na lang tapos na ko. Nirolyo ko muna ang papel ko para hindi mabasa ng mga katabi ko ang mga isinulat ko. Ginalaw galaw ko ang mga daliri ko, sumakit din ang kamay ko sa pagsusulat.

Nang matapos ang labing limang minuto ay nagsalita na ulit 'yong camp master tungkol sa susunod naming gagawin.

"Okay, ngayon, pwede bang tumayo ang mga odd numbers?"

Napakunot noo ako sa sinabi nito. Mababakas sa lahat ang pagtataka sa mukha ng lahat matapos 'yon sabihin ng camp master. Napatingin ako kay Jade at na may nagtatakang ekpresyon din.

"Hindi ka ba tatayo? Odd number ka." Sabi nito sa'kin na kinataka ko.

"Ay? Odd number ba ko?" gulat na tanong ko pa rito. Hindi ko naman kasi natignan 'yong number ko. Hindi rin naman kasi binanggit na tignan namin?

"Tayo na!" hinampas pa nito ang braso ko. Sinimangutan ko naman ito, makapanakit naman masyadong wagas.

Nailibot ko ang panigin sa grupo namin. Sa'ming magkakaibigan, ako lang ang odd number. Nakita ko ring nakatayo si Sir Van.

"Okay, odd number peeps, please maupo kayo sa harap ng taong nasa kanan niyo." Nabaling ang tingin ko sa camp master sa sunod niyang sinabi. Ano ba talaga ang plano nito?

Tumapat ako kay Anne na siyang nasa kanan ko, naupo na ko sa harap nito. Hawak hawak ko sa isang kamay ko ang papel na nirolyo ko kanina.

"Ngayon, tignan niyo ang numero ng taong katapat niyo. Matapos no'n ay basahin niyo sa kanya ang isunulat niyo tungkol sa kanila."

Isang malakas na "ha?" ang narinig sa buong paligid. Matapos no'n, akala mo naglipana ang mga bubuyog dahil sa samu't saring bulungan, reaksyon ng mga taong gulat sa hindi inaasahang ipinapagawa. Hindi ko rin naiwasang magulat at mag-react sa sinabi nito. Hindi ko naman kasi naisip na kakailangan naming basahin sa isa't isa ang mga sinulat namin. Saglit naman akong napa-isip sa mga pinagsusulat ko. May offensive o nakakainsulto ba akong naisulat? Hindi ko matandaan!

Ilang minuto rin ang inabot bago kami napatahimik ng camp master. Wala yatang katapusan ang sopresa ng taong 'to.

"One minute per person lang ha? Kapag narinig niyo ang pagpito ko, oras na 'yong para lumipat sa taong nasa kanan niyo. 'Yong mga odd numbers lang ang gagalaw. Maliwanag ba?" huminto ito saglit bago nagpatuloy sa sinasabi niya. "Kapag nakabalik na kayo sa orihinal niyong partner, may bago akong instruction. Sa ngayon, magsimula na tayo. Pagkaihip ko sa pito ko, magsimula na kayong magbasa sa mga sinulat niyo. Pang huling paalala bago tayo tuluyang magsimula, ang magsasalita lang ay 'yong mga odd number peeps, ha? Ano mang saloobin o reaskyon niyo sa mga maririnig niyo, pag-usapan niyo na lang matapos ang aktibidad na 'to."

Napatikhim naman ako sa sinabi nito bilang paghahanda sa babasahin ko kay Anne. "Handa na? Isa, dalawa, tatlo!" Isang malakas na pag-ihip sa pito ang sumunod sa bilang nito.

"First Impression, sosyal." Tinignan ko si Anne pagkabasa ko noong unang nakasulat sa papel ko. Halatang may halong pagtataka ang ekspresyon niya sa mukha. Kaya naman kahit isang minuto lang kami sa harap ng bawat isa, mabili pa rin akong nagsingit ng rason ko kung bakit ganoon ang una kong naging tingin sa kanya. "Una tayong nagkita noon sa pila sa cashier after ng assessment. Kasama mo sa pila 'yong pinsan mo, habang kasama ko naman kapatid ko. Napansin ko agad kayo noon kasi bukod sa malapit lang kayo sa'kin, iba rin 'yong aura ng pinsan mo. So, ang naging impresyon ko ay sosyal kayo."

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now