"Teh, alam mo ba kung saan tayo bababa?" tanong ko kay Eonnie habang nakasakay kami sa FX.
"Hindi nga eh." sagot nya
"Lagot tayo nyan" sabi ko
"Mga ineng, NAIA na yan." sabi ng matandang lalake na nakaupo malapit sa amin. Narinig siguro niya na papunta kami doon.
"Ahhh Salamat po" we smiled at him before getting off the vehicle.
Bumaba na kami at patakbong naglakad papunta sa NAIA Terminal 1. Based on our sources, 11:00 AM daw dadating ang BTS. Pero 5:00 AM nandito na kami.
English speaking kami every time na nakikipag usap sa mga guards. To be honest, we look so stupid. Natatawa na lang ako sa mga pinag-gagagawa namin.
"Uhm excuse me, where can we find Terminal 1?" tanong ko
"Lakarin nyo po yun at diretsohin" tinuro sa amin nung guard yung daan
"Thanks" sagot ni Eonnie
At first glance hindi kami mapagkakamalang fan girls dahil walang bahid ng BTS sa suot namin. Sinadya namin yon.
Tiningnan muna namin yung Screen sa taas kung saan nakalagay ang schedule of arrival ng mga flights today..
"..Incheon Airport 11:15AM" I said as I read the schedule
"Maghanap pa tayo ng Armies" aniya
Habang naglalakad, may narinig kaming dalawang babae na bumababa sa hagdan.
"Hetgalige hajima~" they're singing one of BTS' song.
Nagkatinginan kami ni Eonnie at agad na nilapitan yung dalawang babae
"ARMY din kayo?" tanong ni Eonnie sakanila.
Mukhang nagulat sila kasi hindi kami mukhang KPOP fans.
"Opo ate" Girl 1
"Asan yung iba ate?" tanong ko
"Nasa taas po sila" Girl 2
"Ah sige thanks!" sagot ko
Umakyat agad kami sa hagdan. We met other ARMY(s) na #TeamAirport din. Nag-ingay lang kami dun hanggang sa bumaba kami at pumunta sa Arrival. Parami ng parami ang mga fangirls/fanboys na dumarating. Sumisigaw kami ng "BTS BTS BTS BTS"
Paulit-ulit.
Almost 6 hours kaming nakatayo pero nung malapit na mag11AM, biglang nagkagulo ang mga fans.
I don't know what happened to the crowd. The guards cannot handle them. Nagkaroon ng stampede!
Nagkahiwalay kami ni Eonnie kasi ipinagsiksikan nya sarili niya doon para maibigay sa isang BTS staff yung Portrait and letters namin.
Oh gosh! What happened here?
Naglalakad ako habang nagvivideo, ang tagal naman lumabas ng BTS! I feel so hopeless at the moment.
Laging false alarm...
Finally, nakita ko si din si Eonnie.
"Te! Anong nangyare sayo? Bakit may gasgas at pasa yung mga tuhod mo!?" I screamed in fear as soon as I saw her knees bleeding.