Kinabukasan
I went home in my apartment.
Hindi ko kasama Parents ko dito sa Manila dahil nasa probinsya sila.
Concert na nila mamaya and I still have a class later at school, CWTS.
Naligo na'ko at dinala yung canister ko kasi gagawa ako ng plates sa dorm ni Vanessa. Babalik ako doon kasi nalulungkot nanaman ako.
Doon ako didirecho pagkatapos ng klase ko.
Pagdating sa school, naglinis lang kami then dismissed na agad.
"Danielle. Di ko sila nakita" I can feel my tears are gonna fall anytime soon again. "Pero naibigay namin yung portraits" I told her while faking a smile.
"Debbs! Okay lang yan. Naiyak nga ako pagkabasa ko nung text ni Eonnie na naibigay niyo nga raw" she said excitedly
"Nasa Diamond Hotel sila ngayon" sabi ko habang nagbabasa ng articles about BTS through my phone.
"Saan ulit yun?" tanong niya habang inaayos yung dala niyang backpack.
"Jan lang sa may Mabini, jan sa may Luneta Park" sabi ko sakanya habang pinapakita yung sinearch ko sa google maps.
"Weh? talaga? Tara debbs?" I can feel her excitement, pero heto ako nalulungkot pa rin.
"Alright then" I smiled at her at nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa sakayan ng jeep.
Mabilis kaming nakasakay sa jeep.
Hindi ko rin alam yung Diamond Hotel eh. I facepalmed.
Sinabi nalang namin sa driver na ibaba kami dun dahil dadaan naman mismo ito sa tapat ng hotel.
"Psst Danielle, wag kang papahalata na stalker tayo ah" I warned her.
"Sige" aniya habang nagkukunwaring napadaan lang.
"Kunware, hinihintay natin Dad ko dun sa tapat ng D.H., if ever na may magtanong na guard" We don't wanna look suspicious. Pero nagtataka ako bakit wala masyadong tao.
Palihim kaming nag-uusap ni Danielle sa parking lot sa tapat ng D.H. haha
Mga 30 minutes kami doon. Once again, we look stupid.
Nagkasundo kami na pumunta nalang sa MOA dahil baka nandoon na sila.
Sabi ko hindi na muna ako pupunta eh. But I can't help it. Mas gusto kong saktan pa yung damdamin ko pero deep inside umaasa pa rin ako.
Nagtanong kami sa guard ng D.H. kung anong jeep ang sasakyan papuntang MOA.
"Kuya ano pong jeep ang sinasakyan papuntang MOA?" I asked him casually.
"Hindi nyo ba sila nakita?" tanong ng guard.
"Sino kuya?" I pretended that I do not know what he's talking about.
"Sus. Yung mga koryano! Wala na sila. Nasa MOA na kanina pa, sakay kayo sa blah blah blah" sabi ni manong guard habang nakangisi.
Pinara nya yung jeep at ayun sumakay na kami.
Nilakad namin ng konti papuntang MOA Arena hanggang sa nakarating kami sa likod ng MOA Arena ng malakas na hiyawan.
"OMO Danielle bilisan mo!" I said as I started to run in a hurry. Baka sila na yon!
Mabilis kaming tumakbo pero wala pala. Sasakyan lang. Doon daw nakasakay ang BTS.
2 hours kaming nandoon naghihintay if lalabas ang BTS.
![](https://img.wattpad.com/cover/28433972-288-k328083.jpg)