Nagwawalis si Jopay ng mga pinaggupitan. Ang mga kasama naman ay bising-bisi sa kani-kaniyang gawain. Naggugupit ang isang hairstylist, may isang nag-a-apply ng gamot sa buhok, ang mga manukurista naman ay sigeng kayod sa pagpu-footspa.
"Jopay, paabot naman ng number 1!" utos sa kaniya ng pinakamatandang stylist. "Iyong organic rebond, ha. Alam mo naman 'to si Ma'am, shala-shala. Jusko ka. Maganda bigayan dito, 'nak! Kaya bilis-bilisan mo kilos."
Napangiti na lamang si Jopay. Sa isip-isip niya'y nagpapalakas lang ito si Tanda para mabigyan ng tip. Gano'n naman kadalasan ang eksena rito sa salon. Kung wala kang kuda, walang kita, sabi pa ng iba.
"Ma, ito po. Lagay ko na lang dito, ha." Inilapag ni Jopay sa trolly ng stylist ang gamot.
"Very good ka talaga, 'nak." Ngumiti ito sa kaniya. Sinuklian naman ito ni Jopay.
Wala naman na siyang gagawin, ika niya, at baka pupuwede siyang makasilip sa messenger. Baka lang naman may mag-chat, makaalala sa kaniya sa mga oras na 'yon.
Hindi nga siya nagkamali. Ngunit... nanlaki ang singit niyang mga mata sa nabasa.
"Bakla! Si Adrian!!!" Iyon ang chat ng kaibigan sa kaniya, si Ervin.
Agad naman siyang nagreply. "Ano'ng mayro'n sa bebe ko?"
"Wala na sila ni Jimrose!"
Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na pinaglipasan na ng panahon. Kinabahan siya bigla. Nalungkot siya. Pero sa di malamang dahilan, sa loob-loob niya'y nagkakaroon ng selebrasyon. Mukhang magiging posible na ang matagal nang balak.
"Ituloy na natin 'yong 3 days and 2 nights with Adrian Pami!" tugon niya sa kaibigan.
Ang problema ngayon, paano niya mapapapayag si Adrian na sumama sa isang baklang tulad niya? Di niya alam. Basta, kailangan niyang pagtrabahuhan iyon.
BINABASA MO ANG
3 Days and 2 Nights
RomanceMatagal nang gusto ni Jopay si Adrian. Hindi niya lang alam kung papaano ito lalandiin. Dahil una't huli, ayaw niyang maging kabit dahil hindi niya pinangarap iyon. Kahit bakla ay mayroon siyang paninindigan at respeto sa sarili. Kaya nang dumating...