Maagang umuwi si Jopay ngayong gabi mula sa trabaho. Kapag ang araw ay tulad nitong matumal, at wala naman silang kostumer, pinapayagan naman na siyang mauna ng mga katrabaho. Maaga rin naman siya kung pumasok, kaya okay lang.
Day-off niya bukas. Habang nag-uusap sila sa 'messenger' ni Ervin kagabi, napagdesisyunan nilang magkita ngayon para daw masubukan ang lakas ng loob ng huli. Kakailanganin niya munang harapin ang takot at kaba. Kailangan niya iyong matalo. Para sa tite. Para kay Adrian.
Di na siya uuwi. Ang balak niya'y dumiretso na agad sa palagian nilang kitaan ni Ervin, sa tapat ng computer shop malapit sa kanila. Isang maliit na sling bag lang din naman ang dinadala niya sa trabaho. Di naman iyon makasisira ng porma niya. Naka-off shoulder na overall siyang skin tone. Bagay sa may kaputiang balat nito na pinaresan naman niya ng sandals na binigay ni Sam, ang pinaka-close niyang katrabaho.
Bandang alas otse na ng gabi, nang matanaw na ni Jopay ang pagkaway ni Ervin sa malayo. Di naman siya natrapik kaya di na rin siya nagmadali sa paglalakad. Mabuti na lamang nga ay ganoon. Sinadya na rin siguro niyang hindi magpawis. Siyempre, kailangan niyang manatiling presko. Iyong magmumukha siyang malinis, kaaya-aya at, maganda sa paningin ni Adrian.
"Ano, ready ka na ba, 'te?" masayang bati ni Ervin sa kaniya.
"Sakto lang. Puwede na rin."
"Good. Kaya mo 'yan!"
"Saglit. Nagugutom ako. Bibili muna akong pagkain. Hanap ka na puwesto, 'te. Gusto ko mag-com, e." Hinimas-himas pa ni Jopay ang kaniyang tiyan bago tinalikuran ang kaibigan.
May malapit na convenience store do'n. Tulad ng laging binibili, 29ers nitong giniling ang binili ni Jopay. Tipid na, sakto pa sa panlasa niya. Pagtapos bumili ng tubig at makakain, binalikan na rin niya si Ervin.
Wala na ito sa labas ng computer shop. Baka pumasok na, 'ka niya, kaya pumasok na rin ang huli. Lumingon-lingon siya sa lugar. Madilim. Wala masyadong ilaw ang lugar. Parang nagtitipid sa kuryente. O baka sinadya na namang ipapatay ng mga naglalaro. Masilaw rin kasi masyado sa loob 'pag binubuksan ang lahat ng ilaw.
Nakita niya si Ervin sa bandang dulo ng comshop. Doon sila madalas pumuwesto. Kaya lang kung minsan e, nauunahan sila kaya nagtitiis sa mga pc sa unahan. Maganda kasi 'pag nasa dulo. Nakaharap ka sa pintuan. Makikita mo kung sinong dumadating, sinong umaalis, kung anong pinaggagagawa ng mga nasa harapan, o kung susuwertehin ay ang pagpapalakihan ng alaga ng mga lalaki roon. Gano'n kasaya sa dulo.
"Palagay ka na oras, 'neng. Nagpalagay na ako," ani Ervin na kinakalikot ang dala niyang plastic bag.
"29ers, giniling, as usual. May bago ba?" nangingiting sabi ni Jopay saka siya umupo sa tabi nito.
Sandaling tumahimik si Ervin. Sinimulang kainin ni Jopay ang binili.
Hindi naman ganoon karami ang naglalaro ngayon dito. Huwebes din kasi bukas. May pasok ang mga estudyante. Kapag ganitong araw e, mahina ang computer shop sa gabi dahil kina-curfew ang mga menor de edad na kadalasang customer nito. Saktuhan lang ang lamig—hindi mainit, hindi rin gano'n ka nakakangisay. Pero 'pag nagkataong sabado (na hindi naman naeekspiryens ng dalawa, dahil ang sabado night, inuman night), ay tatagaktak talaga ang pawis ng sinumang maglalaro. Bukod sa dami ng okupadong pc, marami rin kasing tambay na di rin naman mapaalis-paalis ng bantay.
"Di mo pa ba sila nakita rito?" pagtatanong ni Jopay sa pagitan ng mga pagsubo.
"Hindi pa nga, e. Nagpaoras ka na ba?" sagot naman nito. Sumimangot ito sa kaniya sa muling isinubsob ang sarili sa cellphone.
Natapos na si Jopay sa pagkain. Uminom muna siya ng tubig saka niya binuksan ang cpu ng computer. Naglog in na silang dalawa sa kani-kanilang account sa shop. Tatlong oras ng pinalagay niya. Wala naman siyang balak tapusin ang oras na iyon. Ewan, depende na lang din siguro kung mag-eenjoy kai-scroll, o makalimutan ang oras habang naglalaro ng paboritong online game.
"Ate, ate, tingnan mo ang guwapo niya rito! Tangina!" masayang wika ni Jopay. Halata sa mga mata nito ang saya nang makita ang bagong post ni Adrian sa 'my day' nito. Pagkalog in na pagkalog in ba naman e, iyon ang bubungad sa kaniya.
"Naglalaway ka naman, 'te." Nakatingin si Ervin sa pinapakitang litrato ng kaibigan. Nakahubad pang-itaas si Adrian doon at kita ang utong nitong nakakapang-akit, pati ang plat na tiyan nito. Ganoong-ganoon nga ang mga tipo ni Jopay.
"Gago, hindi."
"Leche, kilala kita, 'neng."
"A, basta, ang guwapo niya talaga."
"Sa true!"
"Ate, gusto ko talaga siyang makuha."
"Makukuho mo si Adrian, 'neng. Tiwala la—"
Hindi na natapos ni Ervin ang sinasabi. Pareho silang natulala sa lalaking tumambad sa kanilang harapan. Si Adrian... nagtatakang nakatingin sa kanila, sa harap ng kaha. Mukhang nagpapalagay ng oras sa bantay.
"A, e, oo! Makukuha ko rin talaga si Adrian Jaworski!" Nagmamadaling ini-exit ni Jopay ang tab na naka-view sa my day ni Adrian.
Tagong-tago ang mga ngiti sa mga labi ng dalawa. Paminsang hahagikhik. Tatawa nang malakas. At maghahampasan pa ang dalawang bakla. Muntik na yata silang mahuli.
"Sinong Adrian Jaworski?" natatawang bulong ni Ervin.
"Malay ko, gago!" Napakagat ng labi si Jopay sa kahihiyan. Di niya rin alam kung bakit iyon ang naisip niyang i-segway. Mailhis lang talaga ang usapan. Nakakahiya!
"Ervin, may nakapuwesto sa tabi mo?" Si Adrian. Kapwa nagulat ang magkaibigan. Oo, at kakilala na nila si Adrian. Pero kailanman, ay hindi nag-unang kumausap ang lalaki sa kanila. Lalo na kay Jopay na hilig ang mag-iwas ng tingin, at lumayo kung saan ito naroroon.
"A, e, w-wala," tugon nito.
Ang siste, parang kay Ervin ito mapapalapit, a. Ganito ang puwesto, sa gitna si Ervin, sa kaliwa niya si Adrian, at sa kanan naman nito ay si Jopay na.
"Ervin, ang cute ng buhok mo. Saan ka nagpakulot?" usisa ng lalaki kay Ervin habang inaayosn nito ang pagkakaupo.
"Loko, kulot talaga ako since birth."
"We? Pahawak nga." Di na nakatugon pa si Ervin. Hawak na ng lalaki ang buhok nitong pino ang malalaking kulot na buhok. Hinimas-himas pa nito iyon na parang alagang tuta. Ngumiti ito kay Ervin. Siya rin namang sukli ng huli.
"Bagay kaya sa 'kin magpakulot ng ganyan?" pagtatanong nito habang tumitipa sa keyboard.
"Ewan ko. Try mo kaya. Paano mo malalaman kung di mo ita-try?"
"A, sige. Pahabain ko muna 'onti para gayang-gaya 'yung sa'yo." Kumagat labi ang lalaki. Nagpasarap sa paningin ni Ervin.
Sino nga ba naman ang hindi mahuhulog sa lalaking ito? Napakaamo ng mukha. Parang laging nang-aakit ang mga titig ng mga matang may mahahabang pilikmata, na pinaresan ng may kakapalang kilay. Hindi na rin imposibleng totoo ang sabi-sabi. Babaero nga raw si Adrian.
Si Jopay, nakatutok lang sa pinapanuod na video clip sa Facebook. Nagkukunwaring walang alam sa nangyayari. Walang naririnig na pag-uusap. Ganito naman lagi ang ginagawa niya sa tuwing nakakasalamuha ang bet na bet na lalaki. Maging sa mga noon pa niyang mga bet.
Habang si Ervin, naiilang na rin sa sitwasyon. Kilala nito ang kaibigan. Kabisado na nito si Jopay. Miminsang susulyapan nito sa gilid ng paningin ang kaibigan. At doon, may naisip siyang plano.
"Ate, palit nga tayo PC! Kakabuwisit keyboard dito, e." Kinalabit nito si Jopay.
"O! Ayan! Sa'yo na 'yan, kakabuwisit ka!" Tumayo si Jopay sa pagkakaupo. "Sa'yo na lahat 'yan." Padabog niyang kinuha ang basura ng pinagkainan. Dire-diretso at mabilis niyang tinungo ang basurahan sa pinto ng computer shop. Itinapon niyon at saka umalis sa lugar na iyon.
Mabigat ang loob. At naninikip ang dibdib. Di niya malaman ang nararamdaman. At kung bakit niya iyon nararamdaman ngayon. Hindi niya rin masagot pero kanina pa iyon gumagambala sa loob-loob niya. Kanina pa niyang gustong takasan ang atmosperang namamayani kanina sa loob. Mabuti nga't hindi siya natapilok sa pagmamadalinh tumakas ganoong sitwasyon.
Hindi na rin binalak ni Ervin na sundan pa ang kaibogan. Itsa-chat na lang din siguro nito si Jopay para linawin ang nangyari. Na wala lang naman talaga iyon sa kaniya. At sa patuloy na pag-iisip, na baka makalala pa sa sitwasyon kung mananatili pa siya sa tabi ni Adrian, nagdesisyon na rin siyang umalis at umuwi na lamang. Ipapahinga na lang niya ito. May bukas pa naman.
BINABASA MO ANG
3 Days and 2 Nights
RomanceMatagal nang gusto ni Jopay si Adrian. Hindi niya lang alam kung papaano ito lalandiin. Dahil una't huli, ayaw niyang maging kabit dahil hindi niya pinangarap iyon. Kahit bakla ay mayroon siyang paninindigan at respeto sa sarili. Kaya nang dumating...