CHAPTER 46 |FRANCINE|

948 56 3
                                    

Inday POV

Hinay hinay kong pinihit ang hawakan nang pintuan at sumilip sa loob upang tignan kong nandoon ba si Damon o wala, syempre lagot ako kapag nandon siya.

Walang tao sa loob at madilim kaya lumingon-lingon muna ako sa paligid bago pumasok at dahan dahang isinara ang pinto

"Nasaan kana" bulong ko at sinimulang mangapa sa dilim.

Ang dilim bwesit!

Huminto muna ako para maka adjust ang paningen ko sa dilim, binuksan ko ang lampshade kaya kahit papaano ay nakakita rin ako

Sinimulan kong mag-hanap sa ibabaw ng dorabox tsaka sa lamesa, ilalim ng kama, pati sa bag ni Damon ay nag-hanap ako pero hindi ko makita kaya nanlulumong umupo ako. Inaalala ko kong saang lupalop ko nailagay ang Diary ko ngunit hindi ko talaga maalala

Bwesittt!

Nawawalan nang pag-asang tumayo ako sa pagkakaupo. bukas ko nalang hahanapin at baka mahuli ako dito nong baliw na 'yon, pinatay ko ang lampshade at lalabas na sana nang makarinig ako ng pag-pihit ng sintadora kaya agad akong napa-dapa at pumunta sa ilalim ng kama upang mag-tago

Hala! Hala! Hala! Omegeee

Padapa akong nakahiga sa ilalim ng kama kaya naman nakikita ko ang pares ng paang palapit sa kinatataguan ko, nakikita ko pang mabalbon ang paa kaya alam kong si Damon ang pumasok

Huhu sana hindi ako mahuli ni baliw!

Tudo kross ako at panalangin na huwag sana akong makita dito dahil baka kong anong isipin niya

Huminto ito sa mismong harapan ko kaya napatakip ako ng bibig ng may nahulog na tuwalya sa harapan ko, ayaw kong mag-isip ng kong ano-ano ngunit 'yon ang pumapasok sa kukoti ko

AHHHHHHHHHH!

Ayaw kong mag imagine! Napa-kagat labi ako nang husto, napaigik 'yong kama ng biglang siyang lumondag sa ibabaw kaya bahagya pang nauntog ang Noo ko dahil sa ginawa niya

Mahabang katahimikan, nakikiramdam lang ako dahil tahimik naman si Damon sa ibabaw siguro ay natutulog na ngunit hindi niya naman pinatay ang ilaw kaya hindi ako makalabas-labas

maya maya pa ay nag-salita rin siya "Tsk walang kwentang diary" napanganga ako sa sinabe niya, nag-simulang kumabog ng mabilis ang puso ko at parang ma E-stroke nalang ako bigla kong hindi ako makakaalis dito.

Diary? 'YONG DIARY KO NASA KANIYA!

Napapikit ako sa kaalamang binasa niya 'yong Diary ko at hindi ko siya mapapatawad!

Hindi ako gumagalaw sa ilalim dahil baka sa kaunting galaw ko lang ay malaman niyang may tao sa ilalim ng kama niya "Psh. so, ako pa talaga gusto niyang hampasin?" Napatakep ako ng mukha sa kahihiyan.

Maagaw ko lang ang diary ko isinusumpa ko! Isasampal ko sakaniya ang tuwalyang nasa harapan ko ngayon!

Devil ka talaga Damon! Arghhh

»»»»»

Ilang minuto na akong naka-dapa at nangangawit narin ang katawan ko pati ang dibdib ko ay naiipit rin at sobrang sakit na talaga

At ilang minuto ko narin naririnig ang mga hinanakit ko sakaniya!

Hindi ko alam kong ilang oras na akong nandito, hindi manlang ako makaalis dahil sa naririnig kong may kausap si Damon at alam kong gising pa siya.

Nakakaramdam narin ako nang antok kaya napag-desisyonan kong umidlip lang muna at isipin ang pagtakas kapag maalimpungatan na ako, sa ngayon ay ipipikit ko muna ang mata upang sandaling matulog.

STILL MY MASTER S2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon